Skip to main content
Haynayan at Agham

Haynayan at Agham

By Sir Red | BUNK Collective

Welcome mga ka-Bio! This podcast is dedicated to Biology and Science related discussions from your homegrown gurong lakan from Bulacan. Samahan natin si Sir Red at alamin kung ano nga ba ang mga siyentipikong kasagutan sa ilang katanungang bumabagabag sa ating isipan! | Show socials: @haynayanatagham | Haynayan at Agham is part of the BUNK Collective. Discover more podcasts at thebunkph.com and connect with us through social media @thebunkph | Support this podcast through patreon.com/thebunkph to receive special perks! | For inquiries, e-mail us haynayanatagham@thebunkph.com
Available on
Apple Podcasts Logo
Google Podcasts Logo
Pocket Casts Logo
RadioPublic Logo
Spotify Logo
Currently playing episode

#50: Death by Electricity

Haynayan at AghamJun 14, 2023

00:00
45:06
#50: Death by Electricity
Jun 14, 202345:06
#49: Maaari bang hindi na lang tumanda?
Sep 22, 202226:44
#48: Zoonotic Diseases | Bakit may mga sakit ang mga hayop na nakahahawa sa mga tao?
Aug 18, 202221:08
#47: Mas ligtas nga ba ang vape kaysa sigarilyo?
Aug 11, 202227:57
#46: Let's Talk About Sex (On Erection & Erectile Dysfunction)

#46: Let's Talk About Sex (On Erection & Erectile Dysfunction)

Erection is the enlargement and stiffening of the penis, or in layman's terms boner, paglaki, pagtayo, at pagtigas ng ari ng mga lalaki. Ito ay physical response na dulot ng mga stimulus na maaaring magdulot ng arousal. Ito ay napakahalaga para magawa ang reproductive function ng mga kalalakihan. Ngunit habang tumatagal ang panahon dumarami ang nagkakaroon ng problema pagdating dito. Halika mga ka-Bio! Ating pag-usapan kung bakit at paano nangyayari ang Erection. Pati na rin kung ano ang mga dahilan kung bakit dumarami ang mga nagkakaroon ng Erectile Dysfunction. This is the 5th installment ng ating Let's Talk About Sex series, kaya sit back, relax, at ating pag-usapan ang bagay na ito. SHOWNOTES: Erectile Tissues: https://www.researchgate.net/figure/Cross-section-of-the-penile-stump-showing-corpora-cavernosa-corpus-spongiosum-with_fig2_302923126 Anatomy of Erection: https://youtu.be/3kIncgW_-vI HaA: Let's Talk About Sex Playlist: https://open.spotify.com/playlist/52kd5e3glLDOL5aQQDP8DY?si=oHhOYBe4Q62I7K1GDitGXg&utm_source=copy-link
Jul 28, 202235:29
#45: Bakit may mga sumusulpot na sinkhole sa Pilipinas?

#45: Bakit may mga sumusulpot na sinkhole sa Pilipinas?

Ating pinagdiriwang tuwing buwan ng Hulyo ang National Disaster Resilience Month, ating napag-usapan sa mga nakalipas na episodes ang dahilan kung bakit may mga banta ng bagyo, pagbaha, at paglindol sa ating bansa. Sa episode na ito, atin namang alamin ang mga sinkholes, ano ang mga banta na maaari nitong dalhin sa atin? Paano ito nabubuo? At maaari ba tayong makaiwas dito? Atin yang alamin sa ating episode ngayong araw na ito. Shownotes: Sinkholes https://www.nationalgeographic.com/environment/article/sinkhole Bito Cave https://youtu.be/IKEFBEqUkvQ HaA: Earth Science Playlist https://open.spotify.com/playlist/3fqVx8r52DbZFczjVVudSj?si=ydPjvNmlRH6Tj12M7ua9IQ&utm_source=copy-link
Jul 21, 202226:24
#44: Bakit naghuhunos ang mga hayop?
Jul 14, 202236:21
#43: Nagkakaintindihan ba ang mga halaman?
Jul 04, 202236:21
#42: Bakit may mga taong lapitin ng lamok?
Jun 23, 202235:05
#41: Paano nabubuo ang bahaghari?
Jun 14, 202238:54
#40: Death by Radiation
Apr 17, 202239:57
#39: Totoo ba ang 5-Second Rule?
Apr 07, 202221:49
#38: Bakit maliit ang mga insekto?
Mar 31, 202229:50
#37: Mahiyain ba talaga ang Makahiya?
Mar 17, 202228:45
#36: Let's Talk About Sex (Circumcision & Genital Mutilation)
Mar 10, 202249:34
#35: Tuluyan na bang lulubog ang Pilipinas?
Mar 03, 202233:04
Haynayan at Agham Year 2

Haynayan at Agham Year 2

Mga tanong sa isip ni Juan, halika! Patuloy nating bigyan ng mga siyentipikong kasagutan. Ito pa rin ang inyong gurong lakan mula sa Bulacan, Sir Red at ito ang Haynayan at Agham the podcast year 2! Tara! Matuto, maglakbay, magsaliksik, magkaroon ng dagdag na kaalaman. Haynayan Magpakailanman.
Feb 27, 202200:32
Brain Fart #05: Year One! (Anniversary Episode)

Brain Fart #05: Year One! (Anniversary Episode)

Happy Anniversary mga ka-Bio!! Ang episode na ito ay dedicated sa bawat isa sa inyo! Maraming salamat sa pagtangkilik at nawa'y matuwa kayo sa munting episode na handog ko para sa lahat. Hintayin lamang ang link para sa video ng Brain Fart anniversary episode na ito! Haynayan Magpakailanman. ❤
Jan 20, 202245:17
#34: Microplastics at ang problemang dulot nito

#34: Microplastics at ang problemang dulot nito

Microplastics - maliit, simple, mapaminsala. Sa dinami-rami ng mga basura at plastic na matatagpuan natin sa ating kapaligiran, mayroon pa ring isang uri ng mapaminsalang bagay na tila ba’y invisible sa ating paningin dahil sa kanilang liit ang maaaring makapaghatid ng malaking problema sa ating lahat, dahil maaaaring ito ay nakasama na sa ating mga hapagkainan at ito ay atin nang nakain. Ating pag-usapan ang banta ng microplastics at ano nga ba ang maaaring mangyari sa mga organismong maaapektuhan nito. C'mon mga ka-Bio let's have a deep dive sa usapang ito at ating i-cap off ang discussions sa unang taon ng Haynayan at Agham. || GESAMP study on microplastics: http://www.gesamp.org/publications/reports-and-studies-no-90 http://www.gesamp.org/publications/microplastics-in-the-marine-environment-part-2 || https://oceanservice.noaa.gov/facts/microplastics.html#:~:text=Microplastics%20are%20small%20plastic%20pieces,our%20ocean%20and%20aquatic%20life.&text=Plastic%20debris%20can%20come%20in,)%20are%20called%20%E2%80%9Cmicroplastics.%E2%80%9D || https://www.nature.com/articles/d41586-021-01143-3
Jan 14, 202253:04
#33: Bakit may iba't ibang kulay ang fireworks?
Dec 30, 202133:54
#32: Vetsin, Dapat ba itong iwasan?

#32: Vetsin, Dapat ba itong iwasan?

Maligayang pasko mga ka-Bio! At dahil sa papalapit na ang maraming selebrasyon sa ating mga tahanan, syempre hinding hindi mawawala dito ang mga malilinamnam na putaheng handa ni Juan. Isa marahil sa pinaka-gamit ngunit pinaka-kontrobersyal na pampalasa ay ang Vetsin o kilala rin na Monosodium Glutamate. Ano nga ba ito? Masama ba talaga ito sa ating katawan? Ikaw ba ay malalasing kaagad kapag nakakain ka nito? At bakit nga ba vetsin ang tawag natin dito? C'mon mga ka-Bio! Kahit festive ang panahon, may oras pa rin tayo para matuto! Let's hop on sa very meaningful na discussion na ito! | If you would like to help or reach-out to our brothers and sisters na na-apektuhan ng Bagyong Odette, please be redirected sa thread na ito para sa additional detials kung paano makatutulong sa kanila https://twitter.com/jairrrrooo/status/1472760221583884292?t=YD9MSfdGr1N1e4RwSRowgg&s=19 || https://twitter.com/TheBunkPH/status/1472475271920238594?t=tAxVR3MrblhMYonmvKE5Hg&s=19
Dec 23, 202144:16
#31: Paano nakalilipad ang mga ibon?
Dec 02, 202148:37
#30: Death by Drowning

#30: Death by Drowning

Ayon sa WHO, matatayang nasa halos 370,000 na katao ang namamatay kada taon dahil sa pagkalunod. At dahil sa mukhang marami sa atin ang gustong gusto nang magbalik sa dalampasigan at mga dagat kahit na hindi pa naman summer season sa bansa, ating pag-usapan ang bagay na ito para sa third installment ng ating "Death by.." series. Bilang isa sa mga taong nakaranas na ng pagkalunod, at maraming beses nang nakaligtas dito, ating alamin kung ano nga ba ang nangyayari sa katawan ng isang taong nalulunod, at paano natin siya maililigtas? Alamin rin natin ang nangyayari sa katawan ng isang taong namatay at nababad sa tubig ang kanyang bangkay, paano siya maaagnas at ano ang mangyayari sa kanyang mga labi. Mahaba-habang usapan nanaman ito mga ka-Bio! Nawa'y may mapulot kayo, at magamit upang makalutang pagkatapos ng pagkalunod di lang sa tubug kundi pati na rin sa mga obligasyon natin sa buhay!
Nov 28, 202149:49
#29: Hydroponics: Pagtatanim kahit na walang lupa? Posible! (NSTW 2021)

#29: Hydroponics: Pagtatanim kahit na walang lupa? Posible! (NSTW 2021)

Ito ang ikalawang bahagi ng ating Special Episode produced in collaboration with the National Science and Technology Week 2021. Ngayon ay makakasama natin si Dr. Chito F. Sace Director of the Urban Farming Innovation and Learning Center of the Department of Agriculture, and a Professor VI in Central luzon State University na ang isa sa mga dalubhasa pagdating sa Soilless Farming sa ating bansa. Ating alamin kung papaaano nga ba natin maaabot ang food security sa pamamagitan ng Urban Farming at paggamit ng mga sinaunang teknik na ngayon ay mas lalo nating nakikilala at napayayabong! Ikaw ba ay isang Plantito o Plantita? Tara na mga ka-Agham at mga ka-Bio at ating alamin ang teknolohiyang ito!
Nov 18, 202154:20
#28: NeuRo Tech: Teknolohiyang Bago, Mapakikinabangan ng mga Pilipino (NSTW 2021)

#28: NeuRo Tech: Teknolohiyang Bago, Mapakikinabangan ng mga Pilipino (NSTW 2021)

Ito ang unang bahagi ng ating Special Episode produced in collaboration with the National Science and Technology Week 2021. Sa episode na ito makakasama natin si Dr. Roy Francis Navea ng DLSU-IBEHT-NICER para talakayin kung ano nga ba ang NeuRo Tech at ano ang mga maitutulong nito sa mga Pilipino sa larangan ng Medisina at Agham. Tara! Samahan nyo kami mga ka-Agham at mga ka-Bio sa napaka-malaman na usapan pagdating sa bagay na ito. #2021NSTW #DOSTTugonSaHamon #Scienceforthepeople. | Muli ay iniimbitahan at inaaanyayahan ko ang bawat isa na makilahok at manood sa pinakamalaking Science and Technology event ngayong taon, ang 2021 National Science and Technology Week o NSTW na mangyayari mula sa ika-22 hanggang ika-28 ng Nobyembre.

Dahil sa pandemya, pansamantala munang hindi natin mararanasan ang nakasanayang pagdiriwang ng National Science and Technology week. Ngunit hindi nagging hadlang o limitasyon ang CoVid-19 upang idaos natin ang NSTW, at dahil sa teknolohiya ay patuloy natin naipapaalam at naibabahagi sa publiko ang mga inobasyon, makabagong teknolohiya, at mga programa tungkol sa Siyensya at teknolohiya na kapakipakinabang sa ating lahat.

Sa temang Agham at Teknolohiya: Tugon sa Hamon ng Panahon, may mga webinar, career talk, film showing, at iba pa na magpapakita ng pagbibigay solusyon sa mga problema natin sa pang-araw-araw na pamumuhay, na hatid ng iba’t ibang ahensya ng DOST.

Para sa karagdagang impormasyon hinggil sa 2021 NSTW, bisitahin lamang ang
www.nstw.dost.gov.ph at huwag kalimutang i-follow at i-share ang post sa official Facebook page na National Science and Technology Week at gamitin ang hashtags na #2021NSTW, #DOSTTugonSaHamon, at #Scienceforthepeople

Kitakits tayo virtually mga ka-Bio at mga ka-Agham! 💚
Nov 11, 202134:05
#27: Lubag at hindi Aswang

#27: Lubag at hindi Aswang

Lubag o kilala rin sa tawag na XDP o X-linked Dystonia Parkinsonism ay isang sakit na mauugat ang pingaggalingan sa ating bansa. Ito ay isang sakit na hindi naiintindihan ng maraming mga tao at marahil ay ang sakit na pinanggalingan ng mga kwento kwento ng mga pinagmulan ng mga kinatatakutan ng karamihan na mga Aswang. Sa ating episode ngayong araw na ito, ating kilalanin ang sakit na ito, at nawa ay ating maunawaan kung ano nga ba ang epekto nito sa mga tao, at kesa takot ay pag-intindi at pagtulong ang ating ibigay sa mga taong mayroong ganitong kondisyon. C'mon mga ka-Bio! Let's wrap up this Halloween Special with this 4th and last installment.
Nov 04, 202130:32
Ututang Dila #03: Cine Files Annihilated Haynayan at Agham (Movie Review: Annihilation)

Ututang Dila #03: Cine Files Annihilated Haynayan at Agham (Movie Review: Annihilation)

Let's go to 'The Shimmer'! It's the 3rd Installment of our Halloween Special and Ututang Dila Session! In this episode sasamahan tayo ng ating mga unreeliable hoests of Cine Files to unpack the themes discussed sa movie na Annihilation (2018). Ano nga ba ang sciences behind this movie, and ating alamin kung ano nga ba ang tingin nilang metaphors na matatagpuan dito! Masayang episode at may pa-recitation pa tayo dito ha! So, join us mga ka-Bio?
Oct 28, 202149:19
#26: Let's Talk About Sex (On Sex Horror Stories & the Medical Conditions Behind Them)

#26: Let's Talk About Sex (On Sex Horror Stories & the Medical Conditions Behind Them)

It's episode TWENTY-SEX mga ka-Bio! And this is a 2-in-1 special themed episode! Let's talk about these sex-related conditions na mukhang nakatatawa o kaya naman ay nakababahala sa iba, pero para sa mga taong nakaranas nito, ay isang kahindikhindik na pangyayari para sa kanila. In this episode let's dive in sa mga peculiar na medical conditions na ito, atin silang unawain at kesa matakot, ay atin itong intindihin. I-normalize natin ang mga usapin tungkol sa SEX, this should no longer be a taboo, and gumawa tayo ng safe space para sa lahat.
Oct 21, 202143:13
#25: Saan 'galing ang mabahong amoy ng mga bangkay?

#25: Saan 'galing ang mabahong amoy ng mga bangkay?

Happy October mga ka-Bio! And alam nyo na kung ano ang kasunod nito! Halloween themed episodes! Sa first installment ng ating Halloween special, pag-usapan natin ang patay, bangkay, corpse, human remains, cadaver, dead bodies, labi ng mga tao, at ang amoy na nangmumula sa kanila. Let's talk about the science behind the scent of decomposition and paano nga ba ito nadedetect ng mga cadaver dogs. Tara, samahan natin si Sir Red sa sobrang interesting na discussion na ito!
Oct 14, 202136:29
Ututang Dila #02: Pag-iisa sa Panahon ng Pandemya (Conversations on Mental Health | Part 2)

Ututang Dila #02: Pag-iisa sa Panahon ng Pandemya (Conversations on Mental Health | Part 2)

Happy World Mental Health day sa lahat! Sa pagpapatuloy ng aming Ututang Dila ni Ma'am Vei, aming napahagingan sa huling bahagi na ito ang epekto ng isolation o pag-iisa, sa mga tao since tayo ay mga social beings. Nakasama rin sa mga nabanggit dito ang ilang konseptong related sa haynayan at agham. C'mon mga ka-Bio! Listen to the last part of this conversation ni Sir Red kay Ma'am Vei. Let's normalize the conversations on Mental Health ha!
Oct 09, 202136:52
Ututang Dila #01: Besh, Kumusta ka na!? (Conversations on Mental Health | Part 1)

Ututang Dila #01: Besh, Kumusta ka na!? (Conversations on Mental Health | Part 1)

"Kumusta ka?" Maraming beses na tayong sinalubong ng tanong na ito na ngunit paano nga ba ito sagutin. It's the National Mental Health Week at napapanahon lang na mapag-usapan natin ang mga usapin tungkol sa Mental Health. Sa ating pinaka-unang Ututang Dila Session, binisita tayo ng isa sa pinakamalaking supporter ng HaA, isang guro, isang kaibigan, at MH Advocate. Let's listen sa very meaningful conversation namin ni Ma'am Vei! C'mon mga ka-Bio, makipag-ututang dila na kayo!
Oct 07, 202147:44
#24: Talaga bang mas masarap kapag nakababad nang matagal?

#24: Talaga bang mas masarap kapag nakababad nang matagal?

Hindi makukumpleto ang kusina ni Juan kung wala ang iba't ibang mga pampalasa. Itong mga sangkap na ito ay nakatulong sa pagpapasarap ng mga putaheng inihahain sa ating hapagkainan. Ngunit paano nga ba nito napasasarap ang ating pagkain? Paano nanunoot ang lasa at linamnam sa mga karneng ibinababad natin. In this episode, let's feast on the concept of marination and cellular transport mechanisms. Nawa'y mabusog kayo sa mga pag-uusapan natin dito! At parating masarap ang ulam nyo!
Oct 02, 202141:06
#23: Pwede bang hindi na lang matulog?

#23: Pwede bang hindi na lang matulog?

Gising ka na ba? Inaantok ka pa ba? Ilang araw ka ng puyat? Gaano karaming beses ka nang inuumaga sa pagtulog? Puyat ka nanaman ba? Pwes, related sa inyo ang episode na ito. This episode is all about Sleep, and the effects of sleep deprivation. Ating alamin kung bakit ka nga ba inaantok, at kung ano ang epekto ng hindi pagtulog. Marami nanaman tayong pag-uusapan today ha! C'mon mga ka-Bio, don't sleep on this episode - pagkatapos na lang **wink wink.
Sep 23, 202146:22
#22: Bakit bumabagyo sa Pilipinas?

#22: Bakit bumabagyo sa Pilipinas?

In this episode, ating pag-usapan ang mekanismo ng isang bagyo, at bakit nga ba madalas itong nararanasan at nananalanta sa ating bansa? Ating suriin at alamin ang mga konseptong kalakip ng Cyclogenesis o ang pagkabuo ng isang bagyo. Ano ano nga ba ang mga classifications ng isang bagyo? Bakit nga ba typhoon at bagyo ang tawag natin sa kanila? Let's have a very jam-packed but very informative discussion sa episode na ito mga ka-Bio! Listen and relax, dahil ito na ang simula ng FREE SEASON ng ating podcast!
Sep 16, 202133:59
Brain Fart #04: Bakit Biology?

Brain Fart #04: Bakit Biology?

In this Brain Fart Episode, medyo maging personal naman tayo! After 20+ episodes ng podcast na ito, let's have a breather and alamin natin ang humble beginnings ni Sir Red and saan nga ba nagmula ang kanyang pagkamulat sa Biology. Break muna tayo sa technical na discussions ha! xoxo 😘
Aug 01, 202121:47
#21: Bakit madalas lumindol sa Pilipinas? (Part 2)

#21: Bakit madalas lumindol sa Pilipinas? (Part 2)

In this episode of Haynayan at Agham, ating alamin ang dahilan kung bakit madalas ang lindol sa ating bansa. This episode is divided into 2 parts. Sa ikalawang bahagi ng episode na ito, ating pag-usapan ang mga konsepto at terminologies na tungkol sa lindol; ating alamin ang mga fault systems sa bansa; ano nga ba ang mga malalakas at mapaminsalang lindol na nangyari sa iba't ibang bahagi ng mundo, pati na rin sa ating bansa; at ano ang mga bagay na dapat nating gawin before, during, and after an earthquake. Brace yourselves mga ka-Bio! This will be a long, but very insightful episode!
Jul 22, 202133:41
#21: Bakit madalas lumindol sa Pilipinas? (Part 1)

#21: Bakit madalas lumindol sa Pilipinas? (Part 1)

In this episode of Haynayan at Agham, ating alamin ang dahilan kung bakit madalas ang lindol sa ating bansa. This episode is divided into 2 parts. Sa unang bahagi ng episode na ito, ating pag-usapan ang mga konsepto ng Diastrophism, Plate Tectonics, Seismic Belts, pati na rin kung paano nga ba nabuo ang Pilipinas millions of years ago. Itong mga pag-uusapan natin ay mahalaga para ating maunawaan kung bakit may fault system sa Pilipinas at kung ano ang kaugnayan nito sa mga nararanasan nating lindol. This will be a long, but very insightful episode mga ka-Bio!
Jul 22, 202136:31
#20: Death by Fire

#20: Death by Fire

The library is now op.... Oops this is not the kind of Burn na pag-uusapan natin sa episode na ito! In episode 20, let's talk about the clinical definition of Burn. Ano nga ba ang pinagkaiba ng apoy at sunog? Ano nga ba ang nagyayari sa katawan ng tao kapag nasunog? Ano nga ba ang mga malalang kaso ng sunog sa ating bansa? At ano ang pwede nating gawin pagdating sa mga bagay na ito? C'mon mga ka-Bio, let's ignite the curiosity in today's discussion.
Jul 15, 202152:37
#19: Ano ang Tardigrade?

#19: Ano ang Tardigrade?

Deemed as one of the most peculiar and resilient organisms in the animal kingdom. Itong mga mala-squishy at kahalintulad ng mga oso at piglet na mga microscopic na organisms na ito ay kilala dahil sa kanilang napakahusay na resilience and adaptability sa mga pagbabagong nangyayari sa paligid nila. Ano ba ang mayroon sa mga Tardigrades na ito kung bakit sila ay sobrang resilient and adaptive? C'mon mga ka-Bio! Ating alamin sa episode na ito!
Jul 12, 202131:20
#18: Alimuom at ang Amoy ng Ulan

#18: Alimuom at ang Amoy ng Ulan

Rainy season na mga ka-Bio! And in this episode, pag-uusapan natin ang amoy ng ulan. Ano nga ba ang alimuom? Ano ang sanhi nito? Bakit nga ba sa tuwing simula lang ng ulan natin ito naaamoy? At may katotohanan ba na ikaw ay kakabagin kapag ito'y iyong naamoy? Ating pag-usapan yang mga bagay na yan episode na ito! C'mon mga ka-Bio! Let's have a deep dive sa sobrang perplexing na topic na ito.
Jul 02, 202125:54
#17: Bakit mabaho ang utot?

#17: Bakit mabaho ang utot?

Disclaimer: This episode stinks! Literally! Ututang dila tayo at pag-usapan natin ang utot! In this episode, let's unravel the science behind fart and flatulence! Bakit nga ba tayo umuutot? Bakit nga ba mabaho ang utot? Ano nga ba ang masasabi ng utot tungkol sa kalusugan natin? At ano nga ba ang deadliest na utot? For some, taboo kung pag-uusapan ang utot, pero in this episode, let's get high with the stench of the facts revolving around this natural passing of gas in our gut!
Jun 28, 202145:37
#16: Let's Talk About Sex (On Sexuality & 'Gay Gene')

#16: Let's Talk About Sex (On Sexuality & 'Gay Gene')

Pride Special of Haynayan at Agham at saktong it's episode SEX-teen; in this episode let's talk about Sexuality and ano nga ba ang scientific and molecular basis for it? Nadidiktahan ba ng ating genes at DNA ang ating SOGIE? O mas komplikado pa ang sexuality pagdating dito? Ating pag-usapan ang existence (?) ng Gay Gene at kung totoo nga bang may iisa lang na gene na magdi-dictate sa Sexuality ng isang tao! C'mon let's join the discussion and ISANG MAPAGPALAYANG PRIDE SA LAHAT! #SOGIEEqualityNow #PassADBNow.
Jun 17, 202120:27
#15: Bakit nga ba mahalagang protektahan ang karagatan? (World Oceans Day Special)

#15: Bakit nga ba mahalagang protektahan ang karagatan? (World Oceans Day Special)

The teacher is BACK! Sa pagbabalik ni Sir Red, after the month-long hiatus napapanahon lamang na pag-usapan natin ang karagatan! Today is the World Oceans Day, and kahit tapos na ang summer, masarap paring pag-usapan at balikan ang ating mga kwentong tungkol sa dagat! Ating alamin kung ano nga ba ang halaga ng karagatan para sa lahat, pati na rin kung ano nga ba ang mga banta na maaaring maging dahilan ng pagkasira nito! C'mon, sumisid tayo at ating pag-usapan ang mga likas na yaman na matatagpuan sa karagatan! Also isa na rin itong panawagan sa lahat na SA ATIN ANG WEST PHILIPPINE SEA!
Jun 08, 202138:29
#14: Bakuna, ligtas ka nga ba?

#14: Bakuna, ligtas ka nga ba?

Let's talk about the elephant in the room. Ligtas ba ang mga bakuna? In this episode we will cap off the World Immunization Week 2021 with the discussion that revolves around vaccines. Dapat ba itong katakutan ni Juan? Ligtas ba talagang magpabakuna? Epektibo ba ang mga bakuna? Paano natin masisiguro na ligtas ang isang bakuna? E, ang mga bakuna sa CoVid-19, ligtas nga ba? Mga pag-aagam agam ni Juan tungkol sa usaping ito, bigyan natin ng matibay at siyentipikong kasagutan. Brace yourselves mga ka-Bio para sa isang malamang discussion! And tandaan! Iba na ang may alam!
Apr 29, 202138:15
Brain Fart #03: Today in Biology - April 25 (Immunization Week, DNA Day, & Chernobyl Disaster)

Brain Fart #03: Today in Biology - April 25 (Immunization Week, DNA Day, & Chernobyl Disaster)

It's another Brain Fart Episode and let's talk about why April 25 is a perfect date (sort of). Let's Celebrate the World Immunization Week 2021, dahil kailangan ng mundo ang vaccine and immunization is a must - kung antivaxxer ka? Please educate yourself! Today is the 68th year of the publishing of the articles about the structure of the DNA na nagbago sa landscape ng pagkakaunawa natin tungkol dito. And balikan rin, kung ano nga ba ang nangyari sa Chernobyl Disaster. #TodayInBiology brought to you by Sir Red!
Apr 25, 202114:57
#13: Bakit nga ba may Virus?
Apr 22, 202146:37
#12: Bahay Kubo

#12: Bahay Kubo

Bahay Kubo, kahit munti ang mga maitutulong ng mga halamang ito ay sari-sari. In this episode, let's talk about the 18 plants mentioned in the folk song Bahay Kubo, na kinalakihan nang kamtahin ni Juan. Let's know some basic facts about these plants, even the benefits and possible harms they can bring to us. Let's also infer the definition of what is a Fruit or a Vegetable in Botany perspective. Mahaba ang discussion natin for today's episode, so buckle up your seatbelts and samahan si Sir Red sa discussion na ito!
Apr 16, 202154:56
Haynayan at Agham teaser

Haynayan at Agham teaser

Ito ang Haynayan at Agham the podcast mula sa inyong gurong lakan mula sa Bulacan, Sir Red.
Apr 16, 202100:44
Brain Fart #02: FYI Ivermectin
Apr 12, 202111:12
#11: Chicken or Egg?

#11: Chicken or Egg?

Are you team Egg? or team Chicken? In Episode 11, let's settle this conundrum that perplexed a lot people around the world. Ano na ba talaga ang nauna sa kanila? Itlog o Manok? Ating alamin ang sagot at iugnay ito sa mga discussions natin noong mga nagdaang episodes. So, c'mon let's join the debate and know what are the evidences that lead us to have a somewhat definite conclusion!
Apr 08, 202126:34