The Linya-Linya Show
By Ali Sangalang and Linya-Linya
The Linya-Linya ShowNov 24, 2020
304: Mommy Diaries - Lutong Nanay Is Life
Ngayong Mother's Day, muli kong nakasama sa show para sa isang special episode si Mommy Olive Sangalang. BOOM!
Habang abala sa pagluluto, hinatak ko muna sya para magrecord ng episode. Pinagkwentuhan namin ang kanyang culinary journey-- mula sa pagiging self-taught sa kusina, sa mga diskarte nya para mapagkasya ang hain sa lamesa, hanggang sa patuloy nyang paghahanda ng baon sa amin kahit matatanda na. Love language talaga ni Mommy ang paghahain ng masarap na pagkain, kaya tamang pasasalamat at pagbabalik ng pagmamahal ang episode na ito para sa kanya.
Happy Mother's Day sa lahat ng minamahal nating mga ina! Have Inay's Day! Listen up, yo!
303: I Am Morena w/ Ayn Bernos
Anuman ang kulay ng balat, welcome sa usapang ito.
Swerte tayo, dahil bumista sa Linya-Linya HQ at Linya-Linya Studio ang content creator, children’s book author, multimedia host, youth empowerment advocate, beauty queen, at superwoman– si Ms. Ayn Bernos. BOOM!
Samahan niyo kami sa isang masaya at meaningful na kwentuhang kayumanggi: ang pagtingin ng mga FIlipino sa pagkakaroon ng morenang balat, ang obsession ng iilan sa pagpapaputi, at kung paano nga ba natin mas mamahalin ang sarili nating kulay.
Punong-puno ng kaalaman at heartfelt moments ang episode na ito, kaya listen up, yo!
302: Ituloy ang kuwento w/ Patricia Evangelista
Sa ikalawang pagkakataon, mapalad tayong makasama sa The Linya-Linya Show ang premyado at matapang na mamamahayag, ang author ng best-selling, eye-opening book na "Some People Need Killing: A Memoir of Murder In My Country," si Patricia Evangelista. Ang kaibahan, harap-harapan na natin syang nakausap. Ang kwentuhan: Tungkol sa pagkukuwento.
Bago mamayagpag, paano nga ba nagsimula ang kuwento ni Pat sa larangan ng pamamahayag? Para sa kanya, what makes a good story? Paano nya natitipa kung kakuwento-kuwento ang isang kuwento? Sa kabila ng pagsuot sa pinakamadidilim na sulok ng komunidad, ano nga ba ang nakikita nyang liwanag?
Samahan nyo kami sa kuwentuhang ito. Kasama kayo sa kuwento.
301: Daddy Diaries - As Long Aso Love Me w/ Engr. Rene Sangalang
Aw, aw, aw! I mean-- yo, yo, yo! Welcome sa isa na namang edition ng Daddy Diaries sa The Linya-Linya Show! Siyempre kasama natin si Daddy Rene C. Sangalang, at sa hindi inaasahang pagkakataon, napadpad ang kwentuhan sa mga minamahal nating alaga.
This episode is dedicated to all the pet lovers out there! Dito, inalala ni Ali at Daddy Rene si Nacho, Chancho, Sarah, Ginger, at iba pang doggos na nagdaan sa kanilang bahay at buhay. Dahil hindi lang sila basta alaga kundi part ng pamilya!
Touching episode ito na mapapa-awww ka talaga. Kaya tara, listen up, yo!
300: Mabuhay ka, bro w/ Red Ollero PART 2
Mabuhay!
This ain’t no lie. Nandito na, sa wakas, ang isa pinakaaabangang guest natin: a multi-talented creative– standup comedian, actor, commercial model, host, podcaster, and a professional wrestler– Red Ollero! BOOM!
Part 2 na! Mula sa simpleng kwentuhan, naging malalim-lalim ang napasarap nang usapan. Mga jokes na mahirap nang tawirin sa panahon ngayon, o ang level ng creativity para mai-deliver ang mga ito; ang papel ng standup comedy sa mundo ng politics; syempre, ang kanyang big break at milestone para sa Pinoy Standup, ang kanyang Netflix Special, at ang matinding collaboration with Linya-Linya.
Magaang usapan, na may mga halong hirit at halakhak, hanggang sa bumigat na’t nagiging makabuluhan.
Karangalang makasama natin si Red sa The Linya-Linya Show. Listen up, yo!
299: Mabuhay ka, bro w/ Red Ollero
Mabuhay!
This ain’t no lie. Nandito na, sa wakas, ang isa pinakaaabangang guest natin: a multi-talented creative– standup comedian, actor, commercial model, host, podcaster, and a professional wrestler– Red Ollero! BOOM!
Part 1 pa lang, siksik na ang naging usapan. Mula sa usapang donut, napadpad kami sa usapin tungkol sa pagsuporta sa young creators (na hindi masyadong napapansin sa skwela), sa debateng Diploma vs. Diskarte, sa mundo ng wrestling, hanggang sa aming childhood dreams. Bilang unang podcast interview nya matapos ang launch ng kanyang Netflix Special na “Mabuhay is a Lie,” syempre, hindi natin pinalampas na kunin ang kanyang thoughts and feelings tungkol sa massive success na ito.
Magaang usapan, na may mga halong hirit at halakhak, hanggang sa lumalalim na’t nagiging makabuluhan. Karangalang makasama natin si Red sa The Linya-Linya Show. Listen up, yo!;
298: Silly Gang sa Linya-Linya!
Get ready sa isa na namang makulit na episode ng The Linya-Linya Show! Dahil ngayon, kasama natin sina Jed, Isha, at Mike ng Silly Gang sa Gabi the Podcast!
Doble-kulit at doble-wisdom dahil crossover ito ng wit ni Ali at ng Silly Gang! Ang Silly Gang sa Gabi ay isa sa mahaharot na late-night podcasts at luckily, naging posible na kami ay magharap-harap.
Sa episode na ito, nasagot ang mahahalagang tanong tulad ng, "Ano ang favorite mong sinigang?!" Napagkuwentuhan rin natin ang quirks at qualities ng Millenials at Gen Zs sa kasalukuyang panahon! Get ready dahil damay-damay na ng generations sa episode na 'to! Listen up, yo!
297: Taylor Swift Course? Of Course! w/ Prof. Iris Brillon
Naging usap-usapan ang pagkakaroon ng kurso o subject na pag-aaralan si Taylor Swift sa University of the Philippines Diliman. Nagbunyi ang Swifties at sabihin na lang nating "haters gonna hate."
Pero sa episode na ito ng the Linya-Linya Show, kasama natin si Professor Iris Brillon na siyang magtuturo ng kurso tungkol kay Taylor Swift. BOOM!
Tatalakayin natin ang kahalagahan ng background at kahalagahan ng kursong ito! Eto rin at sisilipin natin ang mundo ng Pop Culture at Celebrity Studies!
…Ready for It? Listen up, yo!
296: Balik-tanaw - BABAE AKO w/ Lualhati Bautista & Etta Rosales
Ngayong Women's Month, dalawang magiting, matapang, at huwarang Pilipina ang tampok sa kauna-unahang Balik-tanaw episode ng The Linya-Linya Show. Dito, binalikan natin ang isang tula ni Lualhati Bautista -- isang premyadong manunulat na mas nakilala sa kanyang mga nobelang "Dekada '70," "Bata, bata... Pa'no Ka Ginawa?," at "Gapo."-- mula sa kanyang unang libro ng mga tula, na pinamagatang "Alitaptap sa Gabing Madilim." Binasa naman ito ni Etta Rosales, isang guro, lingkod-bayan, at dating chairperson ng Commission on Human Rights.
Para sa kababaihan, para sa bayan, para sa lahat-- pakinggan at pagnilayan ang special episode na ito ng The Linya-Linya Show podcast, powered by PumaPodcast at Anima Podcast.
Mabuhay ang panitikang Pilipino! Mabuhay ang kababaihan!
Maaari ring makuha ang limited edition Linya-Linya x Lualhati Bautista BABAE AKO collaboration shirt dito: https://linyalinya.ph/products/linyalinyaxlualhatibautistababaeakoacidblack?_pos=2&_sid=f6f501269&_ss=r
295: Ang Kapangyarihan ng Ka-weirduhan w/ EJ Power PART 2
Yo, yo, yo! Kaway-kaway sa hip-hop fans at sa mga malikhaing listenerz diyan! Sa pinakamainit at bagong episode ng The Linya-Linya show, kabatuhan natin ng Linya ang isa sa pinakamakulit at malikhaing battle rapper, ang “bae ng FlipTop,” mula pa Colorado, USA— walang iba, kundi si EJ Power! Kung naabutan mo si EJ Power sa Fliptop, baka tumatak sa 'yo ang battles nya laban kayna Jonas, LilJohn, Abra, at iba pang maaangas na emcee. Nagkaroon lang ng biglaang liko ang kanyang karera nang kinailangan niyang lumipat sa States kasama ang pamilya, kung sa'n nagtatrabaho siya ngayon bilang isang magiting na Emergency Medical Technician o EMT. Sa episode na ito, pinagkuwentuhan natin siyempre ang naging experiences at style niya sa battle rap, ang kanyang
ang buhay niya ngayon, na siguradong may hatid na insight tungkol sa pagiging artist, hindi lang sa larangan ng hip-hop!
Buong daigdig, siguradong mayayanig. Listen up, yo!
294: Ang Kapangyarihan ng Ka-weirduhan w/ EJ Power
Yo, yo, yo! Kaway-kaway sa hip-hop fans at sa mga malikhaing listenerz diyan!
Sa pinakamainit at bagong episode ng The Linya-Linya show, kabatuhan natin ng Linya ang isa sa pinakamakulit at malikhaing battle rapper, ang “bae ng FlipTop,” mula pa Colorado, USA— walang iba, kundi si EJ Power!
Kung naabutan mo si EJ Power sa Fliptop, baka tumatak sa 'yo ang battles nya laban kayna Jonas, LilJohn, Abra, at iba pang maaangas na emcee. Nagkaroon lang ng biglaang liko ang kanyang karera nang kinailangan niyang lumipat sa States kasama ang pamilya, kung sa'n nagtatrabaho siya ngayon bilang isang magiting na Emergency Medical Technician o EMT.
Sa episode na ito, pinagkuwentuhan natin siyempre ang naging experiences at style niya sa battle rap, ang kanyang
ang buhay niya ngayon, na siguradong may hatid na insight tungkol sa pagiging artist, hindi lang sa larangan ng hip-hop!
Buong daigdig, siguradong mayayanig. Listen up, yo!
293: Nagmahal, Nasaktan, Nagsulat with Jade Mark Capiñanes PART 2
Sa episode na ito, bukod sa napag-usapan natin ang kuwento kung bakit at paano nagsusulat si Jade, madaraanan din natin ang iba't ibang experiences when it comes to love and grief, not just for one person… but for a whole country. Wiw.
Ready ka na ba sa #feels na hatid ng episode na ito? Listen up, yo!
292: Nagmahal, Nasaktan, Nagsulat with Jade Mark Capiñanes PART 1
Anuman ang sini-celebrate mo this February 14, mapa-Valentine's Day o Singles Awareness Day, bagay sa iyo ang episode na ito. Kasama natin ang award-winning at bestselling author ng librong "How to Grieve" na si Jade Mark Capiñanes! BOOM!
Sa episode na ito, bukod sa napag-usapan natin ang kuwento kung bakit at paano nagsusulat si Jade, madaraanan din natin ang iba't ibang experiences when it comes to love and grief, not just for one person… but for a whole country. Wiw.
Ready ka na ba sa #feels na hatid ng episode na ito? Listen up, yo!
291: The KoolPal-Linya Show w/ GB Labrador and James Caraan PART 2
Welcome to the... KoooooolPal-Linya Show! Mahigit 2 hours na kwentuhan, kwentahan, at katatawanan, na may halong sharing of wisdom at labasan ng sama ng loob (hahaha) kasama ang dalawa sa hosts ng The KoolPals podcast, at headliners ng Comedy Manila-- ang mga hinahangaan at mga kaibigang standup comedians na sina GB Labrador at James Caraan! Pepepe-BOOM!!! Nirecord ito pagkatapos dumalo at mag-perfrom nina GB at James sa Thanksgiving Party ng Linya-Linya sa kanilang opisina. Expected mo nang sasakit ang tiyan at esophagus mo sa katatawa. Pero mabubusog din ang isip mo. Dito kasi, napag-usapan din nila ang nitty-gritty ng pagbuo ng business bilang isang creative. Malalaman niyo ritoo ang origins ng Linya-Linya at ng The KoolPals. Tanong nga ni James Caraan, gaano ba ka-grateful si Ali sa kinahinatnan ng Linya-Linya… at… isa pang surprise question. 😁 Ihanda na ang panga. Riot 'to! Listen up, yo!
290: The KoolPal-Linya Show w/ GB Labrador and James Caraan PART 1
Mahigit 2 hours na kwentuhan, kwentahan, at katatawanan, na may halong sharing of wisdom at labasan ng sama ng loob (hahaha) kasama ang dalawa sa hosts ng The KoolPals podcast, at headliners ng Comedy Manila-- ang mga hinahangaan at mga kaibigang standup comedians na sina GB Labrador at James Caraan! Pepepe-BOOM!!!
Nirecord ito pagkatapos dumalo at mag-perfrom nina GB at James sa Thanksgiving Party ng Linya-Linya sa kanilang opisina.
Expected mo nang sasakit ang tiyan at esophagus mo sa katatawa. Pero mabubusog din ang isip mo. Dito kasi, napag-usapan din nila ang nitty-gritty ng pagbuo ng business bilang isang creative.
Malalaman niyo ritoo ang origins ng Linya-Linya at ng The KoolPals. Tanong nga ni James Caraan, gaano ba ka-grateful si Ali sa kinahinatnan ng Linya-Linya… at… isa pang surprise question. 😁
Ihanda na ang panga. Riot 'to! Listen up, yo!
289: Touchdown, Australia w/ Reich Carlos
Good day, mates! Eto kami, kababalik lang from The Land Down Under kung nasaan ang mga Kangaroo at Koala-- sa Australia!
Sa episode na ito, kasama ko ang matey na si Reich Carlos. Siya lang naman ang kasama ko sa paglalakbay-- hindi lang sa Australia-- pati na rin sa buhay. Eheee!
Marami kaming naranasan at napansin sa aming Australia trip—particular na sa Sydney at Gold Coast. Mainly may kinalaman sa pamumuhay ng mga Filipino doon, work culture, mga kalsada, at siyempre, ang food! At akalain mo nga namang may Fellow-22s pala sa Australia, at nagkaroon ng biglaang pagkikita! Excited kaming i-share sa inyo ang mga karanasang ito. Kaya naman, mates, listen up, yo!
288: Lipat bahay, bagong buhay w/ Cara Eriguel
Di ba sabi ni Rico Blanco, bagong buhay ang hatid ng paglilipat-bahay? Bagong paligid, bagong paraan ng pag-iisip at pagharap sa mga bagong hamon.
Nagbabalak ka bang magsolo, mag-live in, o lumipat ngayong taon? O hinaharap mo ang challenges ng early adulthood? Swak sa 'yo ang kuwentuhang ito kasama ang events host at podcast personality na si Cara Eriguel!
Sa episode na ito, kinwento ni Cara ang experience niya sa paglipat ng bahay at pagtungtong sa edad na 30. Inspiring at eye-opening conversation ito. Game ka na ba?
Listen up, yo!
287: Learning to Love w/ Teacher Sab Ongkiko
Naaaral ba ang pagmamahal, natututuhan ba ang pag-ibig?
Bigat ng tanong, ano? Pero 'yan ang napagkuwentuhan natin sa episode na ito kasama ang award-winning educator at matalik na kaibigang si Teacher Sabrina Ongkiko.
Sa episode na ito, napag-usapan natin ang pag-handle sa problema ng mga mag-aaral, at kung paano nga ba maituturo sa loob at labas ng classroom ang mga skillls na katulad ng love, kindness, at empathy. Ito 'yung mga kuwentuhang masarap pakinggan habang ini-enjoy ang isang tasa ng kape. Heartwarming. Kaya magtimpla ka na!
Listen up, yo!
286: Amaccana 2023, Anuna 2024 w/ Doc Gia Sison
Kaya ano pa ba ang better way, kundi kausapin ang isa sa mental health advocates na madalas sa show na ito. Walang iba kundi si Doc Gia Sison.
Sa episode na ito, binalikan natin ang mga biggest pasabog ng taong 2023. Ang mga malalaking isyu na pinagkaguluhan sa loob at labas ng Pinas. At siyempre, pinaalala sa atin ni Doc Gia ang importance ng pagbabalik-tanaw para maitama ang direksyon ng ating 2024. Healing ang hatid ng episode na ito!
Listen up, yo!
285: Usapang Sex & Adult Content Creation w/ Salome Salvi
Bagong taon na! Sa episode na ito, salubungin natin ang 2024 nang may mainit na pasabog! Kasama natin ngayon ang isa sa pinakasikat na Adult Content Creator sa Pilipinas na si Salome Salvi.
Nagsimula si Salome sa pagpa-publish ng adult content sa iba't ibang platforms tulad ng Twitter. Ngunit ngayon ay lumabas na siya sa malalaking productions tulad ng Vivamax.
Sa "For Adults Only" na usapang ito, mas kikilalahin natin si Salome at aalamin ang kaniyang hottest takes sa kultura at ugaling Pinoy pagdating sa sex, porn consumption, at iba pa. Open minded ka ba sa ganitong usapan?
Happy new year, and listen up, yo!
284: Why we're longing to belong w/ Doc Gia Sison
Listen up, yo!
Globe is committed to empowering Filipino creators by providing access to unique resources that facilitate open discussions about personal experiences, fostering a supportive community and promoting overall well-being.
Reach your Creator Dreams with #GCreatorSeries and the GCreator Grant. For more information, make sure to check out www.globe.com.ph/g-day/creator-con.html
283: It's all good in the childhood w/ Saab Magalona
Sa episode na 'to, muli nating nakasama si PodMom, Saab Magalona!
Nagkuwento si Saab tungkol sa core memories ng kaniyang pagkabata, ng kinalakhang music, at ng karanasan sa kanyang magulang. Nagbahagi rin siya tungkol sa Puddy Rock Studios-- ang newly-opened inclusive play center sa Shangri-La Plaza, kung nasaan din ang café ng Linya-Linya, ang Kape-kape.
Samahan natin sina Ali at Saab na magkuwentuhan, kulitan, at tamang throwback sa kanilang kabataan, sa kanilang mga magulang, hanggang sa kanilang mga pinagkakaabalahan bilang business-"es" partners at magkaibigan. Magandang mabalikan ang kung paano tayo lumaki at pinalaki, at maganda ring mapagmunihan kung paano naman tayo magpapalaki ng mga bata.
Listen up, yo!
282: Kapihan, Kantahan, Kwentuhan w/ Johnoy Danao Part 2
Sa episode na ito, kasama natin ang OG ng acoustic OPM na si Johnoy Danao! Dala-dala ang kaniyang gitara at tagós to the bones na harana. Ibinahagi sa atin ni Johnoy ang experiences niya sa ginagawa niyang Café Tour. Tuloy-tuloy na nililibot ni Johnoy ang iba't ibang kapihan sa Pinas para umawit. In fact, target nya nang puntahan ang kabubukas lang na kapihan ng Linya-Linya, ang Kape-Kape. Napag-usapan rin nila ni Ali ang songwriting process ni Johnoy, ang mga impluwensiya niya, at ang kapangyarihan ng kantang bumuo ng solidong mga alaala. Tara na at makinig habang may hinihigop na kape! Listen up, yo!
281: Kapihan, Kantahan, Kwentuhan w/ Johnoy Danao Part 1
Sa episode na ito, kasama natin ang OG ng acoustic OPM na si Johnoy Danao! Dala-dala ang kaniyang gitara at tagós to the bones na harana. Ibinahagi sa atin ni Johnoy ang experiences niya sa ginagawa niyang Café Tour. Tuloy-tuloy na nililibot ni Johnoy ang iba't ibang kapihan sa Pinas para umawit. In fact, target nya nang puntahan ang kabubukas lang na kapihan ng Linya-Linya, ang Kape-Kape. Napag-usapan rin nila ni Ali ang songwriting process ni Johnoy, ang mga impluwensiya niya, at ang kapangyarihan ng kantang bumuo ng solidong mga alaala. Tara na at makinig habang may hinihigop na kape! Listen up, yo!
280: Daddy Diaries - Business, parenthood, and the business of parenthood w/ Engr. Rene Sangalang
Para sa ating Linya-Linya showrunner na si Ali, ang paghahanap ng espasyo at oportunidad kung paano mai-involve ang kaniyang tatay na si Engr. Rene C. Sangalang sa kaniyang business ang solusyon.
Sa pagkuha sa kaniyang ama bilang consultant ng Tela-Tela, ang sariling garment manufacturing company ng Linya-Linya, nagkaroon sila ng oportunidad na mas makilala ang talento at talino ng isa't isa.
Maraming ideyang naibahagi si Engr. Rene pagdating sa pagpapatakbo ng isang kompanya, ngunit isa sa mga kuminang na ideya ay ang respeto ni Engr. Rene sa mga manggagawa. Sa halip daw na mag-utos at magmando, mas kailangang magtiwala at makinig, dahil para sa kaniya, ang mga staff ang eksperto sa kanilang larangan. Samahan niyo kaming pag-usapan (kasama ang nanay ko, si Mommy Olive
279: Hinggil sa hiwalayang KathNiel w/ LJ Sanchez
Nitong nakaraang linggo, nagulantang ang buong sambayanan sa isang mabigat na balita: Naghiwalay na ang KathNiel, ang 11 taong tambalan sa harap ng camera at sa totoong buhay nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.
Maraming naging usap-usapin, kaya kinailangan din nating lapitan ang Associate Professor sa College of Mass Communication, University of the Philippines Diliman, at eksperto sa Kulturang Popular na si Sir LJ Sanchez.
Ano nga ba ang simulain ng tambalang ito, kasabay na ng iba pang love teams? Paano sila lumaki at sumikat, at ano naman kaya ang naging posibleng mitsa ng kanilang hiwalayan? Ano’ng sinasabi ng mga pangyayari sa tambalang ito, sa kalakhang lipunan at kultura nating bilang mga Pilipino?
Isang deep-dive, tangka para mas maunawaan ang KathNiel phenomenon, at isang mahigpit na yakap ang episode na ito, KathNiel fan ka man o hindi. Samahan niyo kami ni Sir LJ, habang umiinom ng tsaa.
Listen up, yo!
278: Pagbabalik-tanaw at Pagtanaw sa Pagbabalik w/ BLKD Part 2
Isa si BLKD sa mga pinakahinahangaang battle emcees sa FlipTop Battle League, hindi lang ng mga tagasubaybay nito, ngunit maging ng battle rappers mismo. Nakilala sya sa kanyang matatalim na kataga, mahuhusay na paglalaro sa salita, at matatalinong anggulo laban sa kanyang mga katunggali.
Pagkatapos ng kanyang mahaba-habang pamamayagpag sa FlipTop, matagal-tagal din siyang naging tahimik sa eksena. Marami na nga ang naghahanap (at naghahamon) sa kanya.
Sa natatanging episode na ito, umupo si BLKD kasama si Ali upang magbalik-tanaw sa kanyang simulain at naging paglalakabay sa mundo ng Hip-Hop at FlipTop; ang kanyang mga napulot na aral at karanasan, kabilang na ang mga pagkakapatda at pagkakadapa; ang malikhaing proseso at pagbuo ng kanyang obrang album na Gatilyo; ang kanyang lagay sa kasalukuyan at mga inaabangan sa hinaharap.
Natawid na ang harang, at nandito na nga si BLKD.
Tara. Listen up ‘yo!
277: Pagbabalik-tanaw at Pagtanaw sa Pagbabalik w/ BLKD
Isa si BLKD sa mga pinakahinahangaang battle emcees sa FlipTop Battle League, hindi lang ng mga tagasubaybay nito, ngunit maging ng battle rappers mismo. Nakilala sya sa kanyang matatalim na kataga, mahuhusay na paglalaro sa salita, at matatalinong anggulo laban sa kanyang mga katunggali.
Pagkatapos ng kanyang mahaba-habang pamamayagpag sa FlipTop, matagal-tagal din siyang naging tahimik sa eksena. Marami na nga ang naghahanap (at naghahamon) sa kanya.
Sa natatanging episode na ito, kasabay ng anibersaryo ng kapanganakan ni Gat Andres Bonifacio, umupo si BLKD kasama si Ali upang magbalik-tanaw sa kanyang simulain at naging paglalakabay sa mundo ng Hip-Hop at FlipTop; ang kanyang mga napulot na aral at karanasan, kabilang na ang mga pagkakapatda at pagkakadapa; ang malikhaing proseso at pagbuo ng kanyang obrang album na Gatilyo; ang kanyang lagay sa kasalukuyan at mga inaabangan sa hinaharap.
Natawid na ang harang, at nandito na nga si BLKD.
Tara. Listen up ‘yo!
276: Gets Ka Namin! w/ Krishna and Drew
Iba talaga ang feeling pag gets ka ng mga tao. Pag kuha nila 'yung humor o kung ano ang sinasabi mo. Kaya sa ating latest effisode, pinagusapan ng trio nila Krishna, Drew, at Ali kung ano nga ba ang kahulugan ng "Gets Ka Namin!"
Isang masayang kwentuhan at nakakatuwang usapan na naman sa ating #GetsTogether, kaya listen up 'yo na!
275: Artwork-Life Balance w/ Geloy Concepcion
Ang kasama natin sa The Linya-Linya Show– isang photographer, videographer, street artist, documentarian, and author ng librong “Things You Wanted to Say But Never Did”– tubong Pandacan, Manila, at mula pa San Francisco Bay Area, California– si Geloy Concepcion. BOOM!
Isa na siguro sa pinakaswabeng kwentuhan sa podcast– tungkol sa kinalakhan ni Geloy bilang isang batang artist, sa kanyang mga dinaanan sa iba’t ibang larangan sa Creative field, sa pagbalanse ng buhay, trabaho, at art, at sa kapangyarihan ng sining sa pagpaparamdam at paglikha ng impact sa mundo. Magaang usapan na may lalim na kapupuluitan ng aral– listen up, yo!At syempre, suportahan ang libro ni Geloy by purchasing “Things You Wanted to Say But Never Did” sa Fully Booked!
274: What's the Big Fuzz? w/ Kyle Quismundo [VIDEO]
Sa bagong episode ng The Linya-Linya Show, maghahatid kami ng malupit na tawanan at kwentuhan kasama si Kyle Quismundo! Kasama niya sa usapan ang mainit-init na topic: ang bagong negosyo ng barkada, ang "Big Fuzz" kasama ang ating podcast superstar! Tara, makipag-tsikahan tayo tungkol sa mga malalalim na usapan tungkol sa buhay, at syempre, ang mga di malilimutang kwentong inuman!
Makakakuha ka ng tips sa mixing ng drinks at mga kwento ng kalokohan kasama si Kyle, kasabay ng pagtuklas sa Big Fuzz, ang bagong kalokohang negosyo!
Listen up 'yo na! Kaya't mag-ready na ng iyong favorite drinks, i-invite ang mga kaibigan, at maki-join sa kasiyahan ng Big Fuzz at The Linya-Linya Show!
273: Tapang at Katotohanan sa Panahon ng Pagpatay w/ Patricia Evangelista [VIDEO]
Hindi sikreto ang mga nangyaring patayan at pagpatay noong nakaraang administrasyon. Noong mga panahong iyon, laman ito ng mga balita. Sa harap nito, at sa kabila ng panganib na dala ng pagtatala at paghahayag ng mga nangyari, may matatapang na journalists na on-the-ground kinakalap ang masasaklap pero totoong mga kwentong ito– mula mismo sa mga biktima, pati na ang mga naging bahagi ng mga pagpaslang.
Sa ikalimang taon ng #TheLinyaLinyaShow, mapalad tayong makasama at makausap ang Filipina writer, trauma journalist, former investigative reporter for Rappler, at ang author ng recently launched and widely acclaimed book na “Some People Need Killing: A Memoir of Murder in My Country” na si Patricia Evangelista.
Tungkol sa karanasan at proseso ni Pat bilang isang manunulat at mamamahayag. Tungkol sa pagkalap at pagbabahagi ng kwento– sa parehong written and visual storytelling. Tungkol sa papel ng journalism sa mundo. Tungkol sa tapang. Tungkol sa paglalahad ng katotohanan.
272: The Lima-Linya Show: Hear for it Live Podcast w/ Ranze & Jed
Akalain mo ‘yun!?
Limang taon na ang kulitan at kwentuhan, mula sa mga araw-araw na buhay hanggang sa mga pinaka-pinahahalagahan nating mga bagay. Nagkaroon na ng pandemya, bumalik na sa ating opisina't silid-aralan, na-traffic na ulit, hanggang sa ang dating Zoomustahan online ng Fellow-22s ay naging F2F Christmas Party na rin! Ang dami na nangyari sa loob ng limang taon-- mula sa pagbabasa ng maiikling kwento sa loob ng kwarto, umabot na nga sa Glorietta ang entablado! BOOM!
Samahan niyo kami sa isang mabilis na trip down memory lane kasama ang dalawa sa OG fellow-22s na sina Ranze Calderon at Jed Violeta, sa special live pod episode sa Hear For It: The First Podcast Festival in the PH with Anima Podcasts!
Listen up ‘yo! It’s the Lima-Linya Show!
271: HARDCORE HIPHOP & REAL TALK w/ ANYGMA (Part 2)
Kasama pa rin natin ang founder ng world’s most-viewed rap battle league na FlipTop, at co-founder ng independent record label na UPRISING– si Alaric Yuson!
Ito na ang last part ng ating no-holds-barred kwentuhan. Samahan niyo kami sa isa pang solid na oras ng real talk at deep dive sa mundo ng hiphop at iba pang mga pananaw sa buhay!
Listen up ‘yo!w
#TheLinyaLinyaShow
270: HARDCORE HIPHOP & REAL TALK w/ ANYGMA (Part 1) [VIDEO]
Dalawang oras na no-holds-barred kwentuhan– mula sa pang-araw-araw na buhay at ebolusyon ng eksena sa local hiphop, sa karanansan bilang itinuturing na ama ng FlipTop at UPRISING, hanggang sa pagiging bagong tatay sa bahay. Umupo, makinig, at samahan niyo kaming mag-real talk at deep dive ni Alaric Yuson sa kanyang pananaw sa iba’t ibang bagay, sa pagkatao, at sa natatanging perspektibo sa iba’t ibang isyu at sa mundo.
Listen up, yo! Taas-kamao!
… TIME!
269: Scary Relationship Stories w/ Krishna Amar & Drew Beso
Panahon na naman ng katatakutan, pero para sa ating mga Fellow-22s, parang hindi multo ang nakakatakot? Bukod sa mga utility bills na due date na, ano pa nga ba?
Kasama natin ang mga OG Fellow-22s, at close friends natin, na sila Krishna Amar at Drew Beso para sa isang effisode na puno ng kwentong katatakutan tungkol sa dating and relationships! BOOOOM!
'Wag palagpasin ang #GetsTogether ng tatlong magkakaibigan dahil #GetsKaNamin!
Listen up 'yo na!
268: Creative Entrepreneurship w/ Ceej Tantengco - Malolos
Paano nga magmi-meet halfway ang pagiging creative at pagiging business-minded? Saan ba nagkakatugma ang kulit at pagiging seryoso? At ano nga ba ang Creative Entrepreneurship?
Pinag-usapan lahat nang ‘yan sa ating latest effisode kasama ang award-winning writer, podcaster, and now the head of Partnerships and Business Development ng PumaPodcast – Ceej Tantengco-Malolos! BOOOOOM!
Listen up ‘yo!
267: DADDY DIARIES: Managing Pressure w/ Engr. Rene Sangalang
Stressed? Sobrang pressured na sa buhay?
Normal lahat ng nararamdaman natin about pressure, ang kailangan natin ay kung paano ba ito i-manage.
Umuwi ulit ang ating podcast superstar sa bahay nila at muling nagkaroon ng kwentuhan sa kanyang daddy at daddy na rin ng lahat ng Fellow-22s - Engr. Rene Sangalang! BOOOOM!
Isang buong effisode na naman ng masterclass about managing pressure and stress mula sa ating sensei. Listen up ‘yo na!
266: HIKE, NAKO! 5 types of hikers sa gabundok na stress w/ Reich Carlos
Sa harap ng dambuhalang tasks at gabundok na trabaho araw-araw, mapapasigaw na lang talaga tayo ng… HIKE, NAKO!
Sa special effisode na ‘to, samahan niyong maglakbay ang partners-in-climb na sina Ali at Reich sa pagtukoy nila sa iba’t ibang klase ng hikers, sa pag-akyat at paglampas nila sa iba’t ibang bundok ng challenges sa everyday work and life. Mula sa literal na weekend climbers, pinakilala rin nila ang iba pang hikers na binubuno at nilalabanan ang bundok-bundok na trabaho at halimaw na traffic sa daan!
Siguradong makaka-relate ang marami habang tumatawa, kikiligin at ma-iinspire sa mga kuwentong hiking sa loob at labas ng trail– kasama ang crunchy, chewy, fresh na Mentos!
Listen up ‘yo!
265: Tunay lamang ang mananatili w/ KJah
Muling nagbabalik sa #TheLinyaLinyaShow-- ang isa sa pinakamalupit na lyrcist at isa sa pinakamatinik na makata sa mundo ng Pinoy rap-- si KJAH!
Mula Camarin, tawid ng Novaliches-- nagkwentuhan kami ni KJah tungkol sa kanyang simulain sa mundo ng musika, sa pagbalanse ng kanyang career sa rap at sa kanyang day job, sa pananaw tungkol sa "hustle culture" at sa halaga ng edukasyon, at kung saan siya patuloy na dinadala ng kanyang dedikasyon.
Tungkol sa iba pang bagay na tunay, na sabi nga nya ay "nakasalalay sa letra."
Listen up ‘yo!
Pakinggan din ang ang bagong album ni KJah sa ilalim ng UPRISING: https://open.spotify.com/album/4XmjaVD45HYh0nxiTZoVHl?si=ALrtsblrR4yAVKpry1v3cw
Linya-Linya x KJah collab shirt: https://www.linyalinya.ph/products/kjah-uprising?_pos=1&_sid=3596d6c29&_ss=r
264: SMALL, SLOW, & STEADY: On queer empowerment and dreams w/ Mela Habijan [VIDEO]
Masaya at makabuluhan ang usapan tungkol sa queer visibility and representation on media, sa passion, sa pagkakapantay-pantay, sa pagtanggap, at sa pagmamahal-- kasama ang writer, host, actress, content creator, ang Miss Trans Global 2020 at matalik na kaibigan– Miss Mela Habijan! BOOOOOM! Isang paalala sa mga bagay na kahit tingin natin ay maliit, mabagal, at hindi pa ganap, pero ipinaglalaban natin dahil mahalaga; sa queer empowerment at sa patuloy na pangangarap. Listen up ‘yo! #TheLinyaLinyaShow
263: The Power of Collaboration w/ Syke
Listen up ‘yo! It’s the Linya-Linya Show! BOOOOOM!
Sa lahat ng fellow-22s, isa sa pinaka-pamilyar na linya ang intro sa rap song na lagi nating napapakinggan. Ngayon, sa ating pinakabagong effisode, kasama natin ang isa sa pinakamtinding rapper, makata, at spoken word artist ng bansa, at ang boses sa likod ng pamilyar na intro ng rap ng #TheLinyaLinyaShow– si SYKE!
Tutuklasin natin kung paano nagsasama ang mga tao sa likod ng collaborations para makabuo ng makubuluhang mga obra. Makinig sa mga kwento, karanasan, at mga bagong inspirasyon sa proseso ng pagtutulungan. Tunay na may impact ang pagbubuklod ng iba’t ibang mga alagad ng sining at ito'y hindi ninyo dapat palampasin. Mag-tune in sa bagong episode ng 'The Linya-Linya Show' kasama si Syke!
Listen up ‘yo!
262: Paano ba maging mabuting tao sa isang malupit na mundo? w/ Bianca Gonzalez-Intal
Marami akong naiisip na mahihirap na tanong tungkol sa buhay. Isa na rito ang: Paano ba maging mabuti, o mananatiling maging mabuti, sa mundong tila tinutulak tayong maging malupit at masama, para lang maka-survive o mag-succeed in life?
Sama-sama nating itanong: PAANO BA ‘TO?! Buti na lang, ang kasama natin today, award-winning television host, model, podcaster, mother, Filipina– si Super Bianca Gonzalez-Intal. BOOM!
Sulit ang bawat sandali– muni-muni at kwentuhan tungkol sa integrity, sa philosophy, sa pagkakabuti at sa pagpapakatao.
‘Wag na rin sayangin ang sandali at pakinggan na ang ating collab and crossover episode! Pakinggan din ang kasunod na episode sa Paano Ba ‘To: The Podcast!
https://open.spotify.com/episode/2wYRDPII9EMQyZobSheS0n?si=b99cda92df634186
Listen up ‘yo!
261: How to have self-control over budols w/ Salve Duplito
Da save? O Dasurv?
I-add-to-heart na ang bagong effisode natin, kasama ang TV and News personality, registered financial planner, journalist, development worker, good governance activist, education & reading advocate, content creator, superwoman at superfriend, SALVE DUPLITO! BOOM!
Dalawang taon na ang lumipas mula noong unang guesting ng financial guru na si Salve sa #TheLinyaLinyaShow at ngayon, nagbabalik siya para tulungan tayo i-discern ang mga budol finds at sa mga deserve nating bagay! Paano na nga ba tayo makaka-save at makapag self-control sa pagbili ng kung ano-ano? Hmm, sama-sama tayong matuto!
Listen up ‘yo na!
260: Music and Guitar Picks w/ Chino Singson & Carljoe Javier
Music lover? Yes? Sakto!
Pinag-usapan, pinagkwentuhan, at muntik nang maging Music 101 ang ating bagong effisode kasama ang lead guitarist ng The Itchyworms na si Chino Singson (all the way from Canada!) at ang semi-regular guest at CEO ng PumaPodcast na si CarlJoe Javier!
Iba’t ibang kwento ng musika– mula music influences, joy ng pagtugtog, hanggang sa effect ng technology sa music! Makinig at sumama sa sobrang sulit na kwentuhan about anything at everything muuuusiiic, kasama ang hosts ng Chino and Carl’s Guitar Picks! Listen up ‘yo!
259: Ganito kasi ang Gen-Z w/ Jacob & Lance of Ganito Kasi ‘Yan Podcast
Paninindigan natin ang pagiging Fellow-22 sa bago nating effisode! As a fellow-Gen Z and young millennial, kasama natin ang isa sa Mr. Q and A Grand Finalist, isang striving scholar from Rizal, hosts ng Ganito Kasi ‘Yan podcast-- sina Jacob Maquiling and Lance Arevada! BOOOOOOOM!
Tungkol sa cancel culture, sa workplace, at sa iba pang kulturang ginagalawan ng young adults ngayon sa perspektibo ng Gen Z! Kilalanin, unawain, at yakapin ang generation na nagshe-shape ng society natin ngayon!
Listen up ‘yo na!
258: Reigning in Manila w/ Pio and Raymond of Lola Amour
Maulan pa rin at hindi pa tumitigil hanggang ngayon! Kaya naman, sa panibagong effisode natin, kasama natin ang dalawang members ng Filipino band that dabbles in the genres of modern rock, funk, and pop, at ang “dahilan” ng pag-ulan sa mga nakaraang araw - Pio and Raymond ng Lola Amour! BOOOOOOOM!
Alamin ang ibang side nila Pio and Raymond bukod sa pagbabanda at alamin ang kwento sa likod ng viral hit nila na “Raining in Manila”!
Sakto sa maulan na umaga, hapon, o gabi, kaya listen up ‘yo na!
257: GABI NA NAMAN w/ Ian, Milley, and Pau of GNN Productions
Maraming pangarap talaga ang nabubuo sa likod ng FX at Jolibee. Isa na doon ang pangarap nina Ian, Milley, at Pau– ang tatlong magigiting na nilalang sa likod ng Gabi Na Naman Productions!
Kwentuhan tungkol sa pagsisimula at pangangarap, sa musika at pagkakaibigan, at higit sa lahat, tungkol sa pinaka-hihintay na event ngayong taon– ang #LinyaLinyaLand2023! BOOM!
Makinig at samahan kaming tumawa, ma-inspire, at mangarap. Listen up ‘yo!
256: Minsan parang gusto ko na lang maging cactus w/ Doc Gia Sison [VIDEO]
Maulan na, pero habang nagdidilig si Ali ng cactus, may bisita ulit tayo sa ating #TheLinyaLinyaShow stud-yo!
Ano pa nga bang aasahan kundi isang nakaka-inspire at nakakapagbigay-pahinga na effisode ng #SaTotooLang with Doc Gia Sison!
BOOOOOOOM! Kwentuhan tungkol sa quiet quitting, honing, boundaries, at kung anu-ano pang lessons from a cactus. Kaya listen up ‘yo na!
255: PPop Revolution w/ 1st.One
Ang PPop ba ay OPM? O ang OPM ba ay PPop?
Kilalanin ang Pinoy Pop scene sa Pilipinas mula sa six-member P-Pop boy group that debuted last 2020 – sina Ace, Max, Alpha, Joker, J, and Jayson– ang nag-iisa at nangunguna, 1st.one! BOOM!
Kwentuhan tungkol sa kanilang grupo, sa eksena, kasama pa ang experience ni Ali sa isa pang sikat na PPop group. May nasali pa ngang tanong: Pwede nga ba si Manny Pacquiao maging part ng PPop? Lahat ‘yan, nandito sa bago nating effisode!
Power to the PPop, and listen up ‘yo!