Skip to main content
PAULINES

PAULINES

By Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

On the occasion of the 60th anniversary of the birth to heaven of its co-foundress, Venerable Thecla Merlo and on the 30th anniversary of the Pauline trademark, the Daughters of St. Paul announces a restyling of the PAULINES PUBLISHING TRADEMARK and its new INSTITUTIONAL LOGO.
"We are here to provide a new way of communicating and proclaiming the Gospel."
#Paulines #DaughtersOfStPaul
Available on
Google Podcasts Logo
Pocket Casts Logo
RadioPublic Logo
Spotify Logo
Mabuting Balita l Mayo 2, 2024 – Huwebes

Mabuting Balita l Mayo 2, 2024 – Huwebes

Mabuting Balita l Mayo 2, 2024 – Huwebes

Ikalimang Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay           

Ebanghelyo: Juan 15: 9-11

Sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Katulad ng pagmamahal sa akin ng Ama, gayundin naman ang pagmamahal ko sa inyo. Manatili kayo sa pagmamahal ko. Kung tutuparin ninyo ang aking mga utos, mananatili kayo sa pagmamahal ko katulad ng pagtupad ko sa mga utos ng aking Ama at ng pananatili ko sa kanyang pagmamahal. Sinabi ko sa inyo ang mga ito upang mapasainyo ang kagalakan ko, at maging ganap ang galak ninyo.”

Pagninilay:

Isa sa mga favorite flowers ko ang Everlasting. Kahit matagal mo nang pinitas, nananatili pa rin ang pagkacolorful at shiny ng petals. Higit sa lahat, gustong-gusto ko ito noong iniaalay sa aming altar ng Kristong hari. Nananatili ito at nagtatagal sa altar ng aming bahay. Pananatili. Ito ang paanyaya ni Hesus Maestro sa atin. Pananatili sa kanyang pagmamahal. Paano nga ba mapapanatiling sariwa ang pagmamahal? Alam natin na ang pagmamahal ay isang handog na galing sa ating Diyos Ama. Nakakintal ito sa ating puso at diwa. Paano naman tayo mananatiling nagmamahal? Ano ang susi? Katapatan. Sa kabila ng tukso na tumanggi, tumiwalag, tumakas, manatiling tapat. Di ba’t tapat ang ating Panginoon sa atin? Pinatunayan Niya ito nang Muli Siyang nabuhay! Matapos ang tatlong araw sa puntod, nagtagumpay siyang dala ang panibagong buhay para sa atin. Binigyan din Niya ng kahulugan ang ating buhay sa kahalagahan ng paglilingkod sa kapwa. Sinimulan Niya ito bago Siya umakyat sa  luklukan ng Diyos Ama. Kay gandang pagnilayan kung paano’ng tayo na inalayan Niya ng Kanyang katapatan, ay nais din Niyang maging bahagi ng Kanyang plano ng kaligtasan para sa lahat. Ito nga ang pakikibahagi sa kagalakan ng ating Panginoon. Sundin natin ang Kanyang payo na tumahak sa landas ng pananatili, tulad ng taimtim na panalangin, at laging handang magparaya ng oras, lakas at kakayanan. Ikalawa, tumalima sa kalooban ng Ama na maglingkod nang hindi naghihintay ng kapalit. Ngayong buwan ng ating Inang Maria, matuto sana tayo sa kanyang matimtiman at tapat na puso. Siya ang dakilang halimbawa ng tunay na pananatili. Siya rin para sa akin ang buhay na larawan ng everlasting flower. Matulad sana tayo sa kanya, sa tulong ng biyaya at awa ng ating Panginoon.

May 01, 202403:47
A Thought A Day | May 2, 2024

A Thought A Day | May 2, 2024

A Thought A Day | May 2, 2024

You are listening to the daily gospel reflections with Sr. Cloth, fsp

This podcast is brought to you by the Paulines Multimedia. It is our mission to Bring the WORD of GOD to all peoples, through sounds and images, voices and music. Come and join us as we share “A THOUGHT A DAY”.

#pray #withme #gospel #reflection

#Paulines #DaughtersOfStPaul #GospelPower #aThoughtaDay

For more spiritual nourishment please visit: https://store.paulines.ph/

HELP US MAINTAIN THIS PROGRAM

Send your donations and love offerings to:

G-CASH: 09686313280

METROBANK (Dollar Account)

BRANCH: Skyland Plaza, Makati

ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

ACCOUNT NUMBER: 514-2-51400590-1

SWIFT CODE: MBTCPHMM

METROBANK (Peso Account)

BRANCH: Skyland Plaza, Makati

ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

ACCOUNT NUMBER: 514-3-51430769-6

SWIFT CODE: MBTCPHMM

BDO (BRANCH: Leveriza-Libertad)

ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

ACCOUNT NUMBER: 002620011465

May 01, 202405:22
Mabuting Balita l Mayo 1, 2024 – Miyerkules

Mabuting Balita l Mayo 1, 2024 – Miyerkules

Mabuting Balita l Mayo 1, 2024 - Miyerkules

San Jose Manggagawa

Ebanghelyo:  MATEO 13, 54-58

Pumunta si Hesus sa kanyang bayan at nagturo sa mga tao sa kanilang sinagoga. Namangha silang lahat at nagsabi: “Saan kaya galing ang kanyang karunungan at natatanging kapangyarihan? Hindi ba’t siya ang anak ng karpintero? Hindi ba’t si Maria ang kanyang ina at sina Jose, Jaime, Simon at Judas ang kanyang mga kapatid? Hindi ba’t narito sa piling natin ang kanyang mga kapatid na babae? Ano’t nangyari sa kanya ang lahat ng ito?” At bulag sila tungkol sa kanya. Sinabi naman sa kanila ni Hesus: “Sa kanyang sariling bayan lamang at sambahayan hinahamak ang isang propeta.” At kaunti lamang ang kanyang ginawang himala roon sapagkat kulang sila sa pananampalataya.

Pagninilay:

Nagtatakang nagtanong ang mga taga-Nasaret: “Saan kumuha ng karunungan at mga makapangyarihang gawa ang taong ito? Hindi ba ito ang anak ng karpintero?” At ayaw nilang kilalanin siya. Sa iba pong salin, ang mga makapangyarihang gawa ay tinawag na kababalaghan, milagro at himala. Ano ba ang inihahayag ng mga makapangyarihang gawa ng Diyos? Gaya ng narinig natin sa Ebanghelyo, ang presensiya ng Diyos kay Jesukristo ay nagpapagaling at nagpapalaya sa anumang sitwasyon ng karamdaman, kahirapan o kasamaan. Kaya nga hindi makapaniwala ang mga taga-Nasaret. Kasi, anak “lang” naman si Hesus ng karpintero, at kilala nila siya.

kapanalig, alam mo ba na ang mga makapangyarihan gawa ng Diyos ay nangyayari pa rin hanggang ngayon? Oo, maraming milagrong nagaganap, at iyong iba pa nga ay sa pamamagitan ng ating mga kamay! Sapagkat anumang trabaho o hanapbuhay kapag ginawa nang may dangal, katotohanan, at mapagmahal na layunin ay nagpapabanal. Tuwing tayo’y nagpapatawad, nagmamahal, nagpaparaya, at ginaganap nang may responsibilidad ang ating tungkulin, hinahayaan nating maging daluyan tayo ng makapangyarihang gawa ng Diyos. Oo, kapanalig. Katulad ni San Joseng karpintero, tayo rin ay binigyan ng misyon ng Panginoon na itaguyod at akayin ang kapwa tungo kay Kristo. Huwag tayong manghinawa kung hindi tayo paniniwalaan ng iba, o pinahihirapan tayo sa ating trabaho; bagkus ay magpatuloy tayong makiisa sa mga makapangyarihan gawa ng Diyos.

Sr. Rose Agtarap, fsp l Daughter's of St. Paul

Apr 30, 202403:35
A Thought A Day | May 1, 2024

A Thought A Day | May 1, 2024

A Thought A Day | May 1, 2024

You are listening to the daily gospel reflections with Sr. Cloth, fsp

This podcast is brought to you by the Paulines Multimedia. It is our mission to Bring the WORD of GOD to all peoples, through sounds and images, voices and music. Come and join us as we share “A THOUGHT A DAY”.

#pray #withme #gospel #reflection

#Paulines #DaughtersOfStPaul #GospelPower #aThoughtaDay

For more spiritual nourishment please visit: https://store.paulines.ph/

HELP US MAINTAIN THIS PROGRAM

Send your donations and love offerings to:

G-CASH: 09686313280

METROBANK (Dollar Account)

BRANCH: Skyland Plaza, Makati

ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

ACCOUNT NUMBER: 514-2-51400590-1

SWIFT CODE: MBTCPHMM

METROBANK (Peso Account)

BRANCH: Skyland Plaza, Makati

ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

ACCOUNT NUMBER: 514-3-51430769-6

SWIFT CODE: MBTCPHMM

BDO (BRANCH: Leveriza-Libertad)

ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

ACCOUNT NUMBER: 002620011465

Apr 30, 202404:40
Walking with the Saints l Feast of St. Pius V, Pope, Patronage of Roccaforte Mondovì Diocese of Alessandria Urbiztondo, Pangasinan l April 30

Today, we have another very extraordinary saint, St. Pius V, a pope who had accomplished so much for the Roman Catholic Church. He implemented the decrees and spirit of the Council of Trent, the Council which addressed the challenges of the Protestant Reformation and systematized the Catholic Church’s response to the Protestants. He was also responsible for the standardization of the manner of celebrating the Holy Mass, in administering the Sacraments, in praying the Liturgy of the Hours and the performance of other ecclesiastical functions. St. Pius V was born Antonio Ghislieri in Bosco, Lombardy, Italy on January 17, 1504.  At the age of 14, he took the Dominican habit and after his priestly ordination was assigned as lector in philosophy and theology for 16 years, and became a novice master, governing the house according to the spirit of the founder. In 1556, he was appointed Bishop. He was transferred to the bishopric of Mondovi after it was ravaged by war and was able to restore peace, order and stability in the place. Afterwards, he was recalled to Rome for other important duties. In 1565, Pope Pius IV died and Michael (his Baptismal name) Ghislieri was chosen to take his place. He took the name Pius V. Among his first injunctions was that all bishops should stay in their own dioceses and the parish priests should have residence in their parish. The new Catechism was completed, and catechetical instruction to the young was carried out seriously, the new Breviary was published, the Holy Scripture regained its proper place, and the prayers of the Missal were restored, some revised and adapted to the needs of the time. He also encouraged the improvement of Ecclesiastical music. Besides the preoccupation for the needs of the Church, he also devoted time and effort to help the poor and the needy. For instance, the money intended to give a lavish banquet for ambassadors, bishops and dignitaries during his coronation was not spent for that purpose but was distributed to the poor and the hungry. Pope Pius V was a young boy when Protestantism began and in his lifetime, he saw it as a big challenge to the Church. So among the many problems he faced was the growing Protestant influence among the Catholics. He had also to combat the Turks under the Ottoman Empire. When the forces of the Ottoman Empire (the Turks) attacked and tried to take a part of Venice, the Holy League composed of Christian forces fought against them. Through divine intervention, the Christians defeated the Turks. The victory which happened on October 7, 1571 was attributed to the intercession of the Blessed Virgin Mary, whom the Christians invoked during the fierce battle.  It is recorded that Christians prayed the Rosary while the battle was going on. This is now known as the “Victory of Lepanto.” Pope Pius V gave Mother Mary the title Our Lady of Victory and a feast was established under this title. Six months after the glorious victory, Pope Pius V was struck by a painful bodily disorder which he had suffered for some time and died on May 1, 1572.  He was canonized by Pope Clement XI in 1711.  His shrine is in the Basilica of St. Mary Major in Rome.

Virtue: piety, humility, commitment, perseverance, charity, courage, loyalty and integrity

Prayer: “St. Pius V, pray for us, that all Church leaders and Catholic faithful may follow devotedly the various rules of the Church.”

Apr 29, 202404:59
Mabuting Balita l Abril 30, 2024 – Martes

Mabuting Balita l Abril 30, 2024 – Martes

Mabuting Balita l Abril 30, 2024 – Martes sa Ikalimang Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay

Ebanghelyo: Jn 14:27-31a

Sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo; ibinibigay ko sa inyo ang aking kapayapaan. Hindi tulad ng pagbibigay ng mundo ang pagbibigay ko nito sa inyo. Huwag mabagabag ang inyong mga puso; huwag kayong matakot. Narinig ninyong sinabi ko sa inyo: ‘Paalis ako subalit pabalik ako sa inyo.’ Kung minhal ninyo ako, magagalak sana kayo sa pagpunta ko sa Ama, sapagkat mas dakila sa akin ang Ama.

  “Ngunit sinasabi ko na ito ngayon sa inyo bago mangyari, upang maniwala kayo kapag nangyari ito. Hindi ko na kayo kakausapin nang mahaba sapagkat parating na ang pinuno ng mundo. Wala siyang inaari sa akin, ngunit dapat malaman ng mundo na mahal ko ang Ama, at kung anong iniutos sa akin ng Ama, ito mismo ang aking ginagawa.”

Pagninilay:

Isinulat ni Cl. Eugene Leano ng Society of St. Paul ang pagninilay sa ebanghelyo.  Payapa ka ba? Maaaring hindi. Maaaring punong-puno ang isip mo ng mga kailangan mong gawin, o di kaya ng mga alalahanin, o di kaya naman ng mga problema. Normal po ito. Sa ebanghelyo natin ngayong araw, sinabi ni Kristo na tayo’y binibigyan niya ng kapayapaan; pero sinabi rin niya na ang kapayapaang binibigay niya, ay iba sa kapayapaang binibigay ng mundo. Ano ba yung kapayapaang binibigay ng mundo? Ito yung kadalasang iniisip natin na ibig sabihin ng kapayapaan – yung para kang nakabakasyon, walang iniintindi at walang iniisip, nakahanda na ang kakainin, at kakain ka na lang. Hindi na kailangang isipin ang mga bayarin at kung anupaman. Yan ang kapayapaan ng mundo. Pero hindi iyan ang kapayapaang kaloob ni Kristo. Ang kapayapaang kaloob niya, yung kapanatagan ng puso at isip, kahit na puno tayo ng problema at alalahanin. Ang kapayapaang kaloob ni Kristo, yung kapayapaang dulot ng ating pagtitiwala na kasama natin ang Diyos, at anuman ang pinagdadaanan natin, mapagtatagumpayan natin ito sa huli, kung kasama natin siya. Kaya nga, pinapa alalahanan tayo ng ating ebanghelyo ngayon, na huwag tayong matakot o mabalisa. I-correct din natin ang maling pag-iisip, na kung tayo’y madasalin at panay ang lapit sa Diyos, hindi na tayo magkaka problema at magiging komportable na ang buhay natin. Dahil ang mga problema at suliranin sa buhay ay nandidyan at hindi maiiwasan habang tayo’y nabubuhay.  Pero, kayang-kaya natin itong harapin at malagpasan kung kasama natin ang Panginoong Hesukristo, na siyang bukal ng ating buhay at tunay na kapayapaan. Amen.

Apr 29, 202404:30
A Thought A Day | April 30, 2024

A Thought A Day | April 30, 2024

A Thought A Day | April 30, 2024

You are listening to the daily gospel reflections with Sr. Cloth, fsp

This podcast is brought to you by the Paulines Multimedia. It is our mission to Bring the WORD of GOD to all peoples, through sounds and images, voices and music. Come and join us as we share “A THOUGHT A DAY”.

#pray #withme #gospel #reflection

#Paulines #DaughtersOfStPaul #GospelPower #aThoughtaDay

For more spiritual nourishment please visit: https://store.paulines.ph/

HELP US MAINTAIN THIS PROGRAM

Send your donations and love offerings to:

G-CASH: 09686313280

METROBANK (Dollar Account)

BRANCH: Skyland Plaza, Makati

ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

ACCOUNT NUMBER: 514-2-51400590-1

SWIFT CODE: MBTCPHMM

METROBANK (Peso Account)

BRANCH: Skyland Plaza, Makati

ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

ACCOUNT NUMBER: 514-3-51430769-6

SWIFT CODE: MBTCPHMM

BDO (BRANCH: Leveriza-Libertad)

ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

ACCOUNT NUMBER: 002620011465

Apr 29, 202405:36
Mabuting Balita l Abril 29, 2024 - Lunes

Mabuting Balita l Abril 29, 2024 - Lunes

Mabuting Balita l Abril 29, 2024 - Lunes sa Ika-5 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay

Ebanghelyo: Jn 14:21-26

Sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Ang tumutupad sa tinanggap niyang mga kautusan ko, siya ang nagmamahal sa akin. Mamahalin ng aking Ama ang nagmamahal sa akin, at mamahalin ko rin siya at ipakikita ko sa kanya ang aking sarili.”  Sinabi sa kanya ni Judas, hindi ang Iskariote: “Panginoon, paano mangyayaring sa amin mo ipapakita ang iyong sarili at hindi sa mundo?” Sumagot si Hesus at nagwika sa kanya: “Kung may nagmamahal sa akin, isasakatuparan niya ang aking salita at mamahalin siya ng aking Ama at pupuntahan namin siya at sa kanya namin gagawin ang isang panuluyan para sa aming sarili. Ang hindi naman nagmamahal sa akin ay hindi nagsasakatuparan sa mga salita ko. At ang salitang inyong naririnig ay hindi sa akin kundi sa Amang nagpadala sa akin. “Sinabi ko sa inyo ang mga ito habang kasama pa ninyo ako. Ituturo naman sa inyo ng Tagapagtanggol ang lahat. Siya ang Espiritu Santong ipadadala ng Ama sa ngalan ko, at ituturo niya sa inyo ang lahat at ipaaalaala niya sa inyo ang lahat ng sinabi ko sa inyo.”

Pagninilay:

Isinulat ni Sr. Edith Ledda ng Daughters of St. Paul ang pagninilay sa ebanghelyo.  Noong bagong pasok ako sa kumbento, ang madalas na pumapasok sa aking isipan ay ang mga sandali na nag-uusap kami ni Tatay. Dahil dalawang taon akong nahinto sa pag-aaral, sa kakulangan ng pera matapos ang high school, madalas sa gabi ay nag-uusap kami ni Tatay. Doon ko nakita ang lalim ng karunungang meron si Tatay. Marami siyang words of wisdom, lalo na, kung tungkol sa hirap ng buhay ang pag-uusapan. Madalas sabihin ng Tatay, walang krus na hindi kayang dalhin. Mahalin ang taong nagkasala, dahil ang kabuuan ng tao ay mabuti. Ibig sabihin, hate the sin, not the sinner.  Ipinakikita sa Mabuting Balita na ang ugnayan ng Diyos Ama at Anak ay lubhang malapit sa isa’t isa. Sa pagbasa, narinig nating sinabi ni Hesus, “Ang sino mang umiibig sa akin ay tutupad ng aking salita; iibigin siya ng aking Ama, at kami’y sasakanya at mananahan sa kanya.” Mga kapanalig, ang karanasan, mga pangyayari, mga taong nakakasalamuha natin ay mga instrumento ng Diyos upang magkaroon ng malalim na ugnayan sa Kanya. Idalangin natin, na sa tulong ng mga aral at turo ng Panginoong Hesus, makaisa nila tayo sa buhay natin dito sa lupa, at sa langit na pangarap.

Manalangin tayo:  Panginoon, kulang na kulang ang aming kakayahan upang sumunod sa iyo at manalig. Ang tawag ng kabanalan ay hindi madali. Pero sa tulong ng Banal na Espiritu na laging gumagabay, kami ay makasusunod sa inyo. Nawa’y lagi po ninyo kaming gabayan. Amen.

Apr 28, 202404:42
A Thought A Day | April 29, 2024

A Thought A Day | April 29, 2024

A Thought A Day | April 29, 2024

You are listening to the daily gospel reflections with Sr. Cloth, fsp

This podcast is brought to you by the Paulines Multimedia. It is our mission to Bring the WORD of GOD to all peoples, through sounds and images, voices and music. Come and join us as we share “A THOUGHT A DAY”.

#pray #withme #gospel #reflection

#Paulines #DaughtersOfStPaul #GospelPower #aThoughtaDay

For more spiritual nourishment please visit: https://store.paulines.ph/

HELP US MAINTAIN THIS PROGRAM

Send your donations and love offerings to:

G-CASH: 09686313280

METROBANK (Dollar Account)

BRANCH: Skyland Plaza, Makati

ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

ACCOUNT NUMBER: 514-2-51400590-1

SWIFT CODE: MBTCPHMM

METROBANK (Peso Account)

BRANCH: Skyland Plaza, Makati

ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

ACCOUNT NUMBER: 514-3-51430769-6

SWIFT CODE: MBTCPHMM

BDO (BRANCH: Leveriza-Libertad)

ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

ACCOUNT NUMBER: 002620011465

Apr 28, 202405:42
Walking with the Saints l Feast of St. Peter Chanel, Patron Saint of Oceania l April 28

Walking with the Saints l Feast of St. Peter Chanel, Patron Saint of Oceania l April 28

Walking with the Saints l Feast of St. Peter Chanel, Patron Saint of Oceania l April 28

Today, we will hear about the life of a missionary priest who was martyred for converting many pagans to Christianity. He is a “Marist,” a member of the religious order called Society of Mary, a religious congregation of priests and brothers whose aim is to live the Gospel in the spirit Mary lived it, hidden and unknown. Friends, our saint today is St. Peter Chanel. Peter was born Pierre Louis Marie Chanel in the hamlet of La Portiere, France on July 12, 1803. From the age of 7 to 12, he worked as a shepherd boy. His parish priest encouraged his parents to send him for his studies at the parish school and there his intelligence attracted a visiting priest, Fr. Trompier who took over the boy’s education. After Peter’s First Communion on March 23, 1817, he began to be interested in missions abroad. He entered the minor seminary, then attended the diocesan college in 1823 and enrolled at the major seminary in Brou in 1824. He was ordained on July 15, 1827. The following year, he was assigned as parish priest for three years. It was during this time that he heard about the Marists. At the age of 28, in 1831, Fr. Chanel joined the newly founded Society of Mary (Marists). He wanted immediately to go to the mission but he was appointed as spiritual director at the seminary in Belly and stayed there for five years. In 1836, when he accompanied Jean-Claude Colin, founder of the Marists, to Rome to seek pontifical approval for the Society of Mary, they were asked to send missionaries to the southwest Pacific with the Pope promising to approve their congregation. Fr. Chanel professed as a Marist on September 24, 1836 and was chosen superior of the first seven Marists to be sent to Oceania. They arrived in Futuna on November 8, 1837.

At first, the missionaries were received well by Futuna’s king. A little later, since many were being baptized, the king thought that Christianity would undermine his position as high priest and king, so he sought to drive the missionaries away. When the king’s son asked to be baptized, the king became furious and ordered his son-in-law to dissuade him. At first they calmly discussed the issue but then the discussion led to fighting. Defeated and injured, this son-in-law went to Fr. Chanel pretending to ask for help, but while his wound was being tended, his companions took an ax, gave it to him and he clubbed Fr. Chanel to death. It happened on April 28, 1841. He was 38 years old and it was later brought back to New Zealand. The relics remained jn Bay Islands until 1849. Then they were taken to Australia, and then sent back to Europe. On June 1, 1850 the remains arrived at the monastery of the Society of Mary in London. In 1977, the relics were returned to Futuna and the skull was brought there in 1985. Most islanders converted and the person who killed Fr. Chanel was also converted. Fr. Chanel was declared a martyr and beatified in 1889. He was canonized on June 12, 1954 by Pope Pius XII and is recognized as the protomartyr and patron saint of Oceania. His feast day is celebrated on April 28. Marist priests and brothers working in Oceania cover a territory as big as Western Europe, which includes six independent nations and two French territories. This Oceania province is the largest in the Society of Mary.

Virtue: piety, humility, generosity, fidelity, courage, bravery, fortitude, charity and adaptability.

Prayer: “St. Peter Chanel, please pray for the protection of missionaries in pagan territories.”

Apr 27, 202405:17
Mabuting Balita l Abril 28, 2024 – Linggo

Mabuting Balita l Abril 28, 2024 – Linggo

Mabuting Balita l Abril 28, 2024 – Ikalimang Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay   (B)

Ebanghelyo:  Jn 15:1-8

Sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Ako ang totoong puno ng ubas at ang Ama ko ang magsasaka. Pinuputol niya ang bawat sangang hindi namumunga sa akin; at pinupungusan naman niya’t nililinisan ang bawat namumunga upang higit pang mamunga.

“Malinis na kayo dahil sa wikang bingkas ko sa inyo. Manatili kayo sa akin, ako naman sa inyo.  “Hindi makapamumunga ang sanga mula sa ganang sarili, malibang manatili ito sa puno ng ubas; gayundin naman, hindi kayo makapamumunga malibang manatili kayo sa akin. Ako ang punong ubas, kayo ang mga sanga. Kung may nananatili sa akin at ako naman sa kanya, namumunga siya ng sagana; ngunit kung hiwalay sa akin ay hindi ninyo kayang gumawa ng anuman. Kung may di nananatili sa akin, itatapon siya sa labas gaya ng sangang natuyo, na tinitipon at iginagatong sa apoy at nagliliyab.

“Kung mananatili kayo sa akin at mananatili naman sa inyo ang aking mga salita, hilingin ninyo ang anumang loobin Ninyo at gagawin ko para sa inyo. Sa ganito pararangalan ang aking Ama: kapag namunga kayo nang sagana at naging mga alagad ko.”

Pagninilay:

Sa Ebanghelyong ating narinig, tinukoy ni Hesus ang Kanyang sarili bilang tunay na puno ng ubas.  Sinabi Niya, “Ako ang totoong puno ng ubas at ang Ama ko ang magsasaka.”  Ayon kay Hesus, matamis at sagana ang Kanyang bunga at tayo ang Kanyang mga sanga.  Mga kapatid, habang patuloy tayong nagninilay sa Muling Pagkabuhay ni Hesu-Kristo, inaanyayahan tayo ni Hesus na manatili sa Kanyang piling.  Sa ganitong paraan, tataglayin natin ang matamis at saganang buhay sa piling ng Espiritu Santo.  Kailangan lamang tayong manatili kay Hesus dahil kung hiwalay tayo sa Kanya, mamumuhay tayong walang-sigla, malungkot, madaling mawalan ng pag-asa, at puro negatibong pananaw at pananalita ang mananaig sa atin.  At kapag nasa ganito tayong sitwasyon, magiging mabigat ang buhay at nawawalan ng saysay ang ating pag-iral sa mundo.  Ito marahil ang isa sa mga dahilan ng mga taong nauuwi sa depression at nawawalan na ng ganang mabuhay.  Kaya pinapaalalahanan tayo ng Ebanghelyo ngayon, na kung nagnanais tayong mabuhay nang ganap, kasiya-siya at tunay na may kapayapaan ang puso’t isip, manatili tayo sa Panginoong Hesus.  Maglaan tayo ng panahong makipag-usap sa Kanya sa isang taimtim na panalangin.  Siya ang bukal ng ating buhay, ang ating pinagmulan at ang ating uuwian pagkatapos ng maikling buhay na pinahiram Niya sa atin sa mundo.  Hilingin nating manatili sa Kanyang piling hanggang sa katapusan ng ating buhay. Amen.

Apr 27, 202404:35
A Thought A Day | April 28, 2024

A Thought A Day | April 28, 2024

A Thought A Day | April 28, 2024

You are listening to the daily gospel reflections with Sr. Cloth, fsp

This podcast is brought to you by the Paulines Multimedia. It is our mission to Bring the WORD of GOD to all peoples, through sounds and images, voices and music. Come and join us as we share “A THOUGHT A DAY”.

#pray #withme #gospel #reflection

#Paulines #DaughtersOfStPaul #GospelPower #aThoughtaDay

For more spiritual nourishment please visit: https://store.paulines.ph/

HELP US MAINTAIN THIS PROGRAM

Send your donations and love offerings to:

G-CASH: 09686313280

METROBANK (Dollar Account)

BRANCH: Skyland Plaza, Makati

ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

ACCOUNT NUMBER: 514-2-51400590-1

SWIFT CODE: MBTCPHMM

METROBANK (Peso Account)

BRANCH: Skyland Plaza, Makati

ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

ACCOUNT NUMBER: 514-3-51430769-6

SWIFT CODE: MBTCPHMM

BDO (BRANCH: Leveriza-Libertad)

ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

ACCOUNT NUMBER: 002620011465

Apr 27, 202405:18
Mabuting Balita l Abril 27, 2024 – Sabado

Mabuting Balita l Abril 27, 2024 – Sabado

Mabuting Balita l Abril 27, 2024 – Sabado sa Ika-4 na Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay        

Ebanghelyo: Jn 14:7-14

Sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Kung nakilala sana ninyo ako, nakilala n’yo rin ang aking Ama. Ngunit kilala n’yo siya at nakita n’yo siya.” Sinabi sa kanya ni Felipe: “Panginoon, ituro mo na sa amin ang Ama at sapat na sa amin.” Sumagot naman sa kanya si Hesus: “Diyata’t matagal na panahon n’yo na akong kasama at hindi mo pa ako kilala, Felipe? Sa pagkakita sa akin ninuman, ang ama ang nakita niya. Paano mong masasabi: ‘Ituro mo sa amin ang Ama’? Hindi ka ba naniniwalang nasa Ama ako at nasa akin ang Ama? Hindi mula sa sarili ko sinasabi ang mga salitang binibigkas ko. Sa akin nanunuluyan ang Ama, at siya ang gumagawa ng kanyang mga gawa. Maniwala kayo sa akin na nasa Ama ako at nasa akin ang Ama. Kung hindi dahil sa akin, maniwala kayo dahil man lamang sa mga gawa. “Talagang-talagang sinasabi ko sa inyo, magagawa ng nananalig sa akin ang aking ginagawa; at mas dakila pang mga bagay ang kanyang gagawin. Sapagkat sa Ama ako papunta. Anumang hingin n’yo sa Ngalan ko’y gagawin ko upang luwalhatiin ang Ama sa Anak. At kung sa aki’y may hihingin kayo sa Ngalan ko, gagawin ko iyon.” 

  Pagninilay:

Isinulat ni Fr. Keiv Aires Dimatatac ng Society of St. Paul ang pagninilay sa ebanghelyo.  In Jesus name, “hinihiling namin ito sa pangalan ni Hesus.” Madalas ganito tayo manalangin, at maging sa Misa ay maririnig natin ang mga salitang ito. Marahil hango ito sa ating Ebanghelyo ngayon araw, kung saan sinasabi ni Hesus, na kung anuman ang hihilingin natin sa Ama sa pamamagitan nya ay tiyak na ipagkakaloob.  Pero may iba sa atin na ginagamit ang pangalan ni Hesus na parang magic. Na kapag babanggitin nila ang mga salitang ito na kahit walang pananampalataya, ay matutupad ang kanilang ninanais. Parang Hocus Pocus. Pero eto nga ba ang ibig sabihin ni Hesus?  Mga kapanalig, mahalaga ang pangalan, makapangyarihan ang pangalan, maging sa konteksto ng mga Hudyo. Nagkakaroon tayo ng kapangyarihan sa mga taong nakikilala natin.  Pero, ang kapangyarihang ito ay nagmumula sa pakikipag- ugnayan natin kay Hesus, sa ating personal na relasyon sa kanya at sa Ama. Dito, ipinapakita din ni Hesus ang kanyang malalim na ugnayan sa Ama, dahil ang Ama at siya ay iisa. Sa pagkakakilala natin kay Hesus, nakikilala din natin ang Ama.  Kaya sa pagsasabi natin ng in Jesus’ name, o sa pangalan ni Hesus, nagpapahayag tayo na tayo ay kaisa niya, at nabibilang sa kanya, sa kanyang kapangyarihan at pagmamahal. Tayo ay pinaghaharian niya, at doon nagmumula ang ating tiwala na humiling sa Ama.

Apr 26, 202404:37
A Thought A Day | April 27, 2024

A Thought A Day | April 27, 2024

A Thought A Day | April 27, 2024

You are listening to the daily gospel reflections with Sr. Cloth, fsp

This podcast is brought to you by the Paulines Multimedia. It is our mission to Bring the WORD of GOD to all peoples, through sounds and images, voices and music. Come and join us as we share “A THOUGHT A DAY”.

#pray #withme #gospel #reflection

#Paulines #DaughtersOfStPaul #GospelPower #aThoughtaDay

For more spiritual nourishment please visit: https://store.paulines.ph/

HELP US MAINTAIN THIS PROGRAM

Send your donations and love offerings to:

G-CASH: 09686313280

METROBANK (Dollar Account)

BRANCH: Skyland Plaza, Makati

ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

ACCOUNT NUMBER: 514-2-51400590-1

SWIFT CODE: MBTCPHMM

METROBANK (Peso Account)

BRANCH: Skyland Plaza, Makati

ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

ACCOUNT NUMBER: 514-3-51430769-6

SWIFT CODE: MBTCPHMM

BDO (BRANCH: Leveriza-Libertad)

ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

ACCOUNT NUMBER: 002620011465

Apr 26, 202406:06
Mabuting Balita l Abril 26, 2024 – Biyernes

Mabuting Balita l Abril 26, 2024 – Biyernes

Mabuting Balita l Abril 26, 2024 – Biyernes sa Ika-4 na Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay

Ebanghelyo: Jn 14:1-6

Sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Huwag mabagabag ang inyong mga puso. Manalig kayo sa Diyos, at manalig din kayo sa akin. Maraming silid sa bahay ng aking Ama. Kung hindi’y hindi ko sana sinabi sa inyong: ‘Pupunta ako upang ipaghanda kayo ng lugar.’ At kapag nakapunta na ako at nakapaghanda ng lugar para sa inyo, muli akong darating at isasama ko kayo para sa aking upang kung saan ako naroon, gayon din naman kayo.

  “At alam n’yo ang daan sa pupuntahan ko.” Sinabi sa kanya ni Tomas: “Panginoon, hindi namin alam kung saan ka pupunta. Papaano namin malalaman ang daan?” Sinabi sa kanya ni Hesus: “Ako siyang daan, ang katotohanan, at ang Buhay. Walang nakalalapit sa Ama kundi sa pamamagitan ko.” Pagninilay:

Isinulat ni Sr. Pinky Barrientos ng Daughters of St. Paul ang pagninilay sa ebanghelyo.  Dumarating sa buhay natin ang mga pagkakataong nababalisa tayo o natatakot, dahil sa mga problemang nararanasan natin sa buhay. Maraming uri ng problema na pwedeng magdala ng takot sa ating puso. Problemang pinansyal, problema sa relationship, problema sa pag-aaral, sa health, sa work, problema sa pamilya, at iba pa, na pwedeng pagmulan ng takot at pagkabalisa, na makaka apekto sa ating pagkatao at sa ating pananampalataya sa Poong Maykapal.  Mga kapatid, alalahanin nating, tanging si Hesus lamang ang ating makakapitan, sa panahon ng kagipitan. Tumawag lamang tayo sa Panginoon nang buong kababaang loob, tiyak na hindi niya tayo bibiguin. Diringgin niya ang ating panalangin, at nababatid niya ang hinaing ng ating puso.  Kaya pinapa alalahanan niya tayo sa Mabuting Balita ngayon, na panaigin ang ating pagtitiwala sa kanya, at payabungin ang ating pananalig sa kanyang walang hanggang pagmamahal at pagkalinga sa atin. (Naalala ko ang kuwento ni Jonathan Roumie, yung star na gumaganap na Jesus sa “The Chosen.” Bago siya naging lead actor sa “The Chosen” at sumikat dahil dito, he was a struggling actor.  Down na down siya, walang perang panggastos at pambayad sa rent. Pakiramdam niya talaga, nasa dead-end na siya. Sa puntong iyong ng kanyang buhay, tanging ang pananalig niya sa Diyos ang kanyang pinanghawakan. Nanalangin siya ng mataimtim at sinurrender niya sa Diyos ang kanyang buhay.  To make the long story short, nakatanggap nga siya ng offer na gampanan ang the lead role ng “The Chosen.” Mga kapatid, huwag matakot, huwag mabalisa. Si Hesus ang ating daan, ang katotohanan, at ang buhay…

Apr 25, 202404:23
A Thought A Day | April 26, 2024

A Thought A Day | April 26, 2024

A Thought A Day | April 26, 2024

You are listening to the daily gospel reflections with Sr. Cloth, fsp

This podcast is brought to you by the Paulines Multimedia. It is our mission to Bring the WORD of GOD to all peoples, through sounds and images, voices and music. Come and join us as we share “A THOUGHT A DAY”.

#pray #withme #gospel #reflection

#Paulines #DaughtersOfStPaul #GospelPower #aThoughtaDay

For more spiritual nourishment please visit: https://store.paulines.ph/

HELP US MAINTAIN THIS PROGRAM

Send your donations and love offerings to:

G-CASH: 09686313280

METROBANK (Dollar Account)

BRANCH: Skyland Plaza, Makati

ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

ACCOUNT NUMBER: 514-2-51400590-1

SWIFT CODE: MBTCPHMM

METROBANK (Peso Account)

BRANCH: Skyland Plaza, Makati

ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

ACCOUNT NUMBER: 514-3-51430769-6

SWIFT CODE: MBTCPHMM

BDO (BRANCH: Leveriza-Libertad)

ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

ACCOUNT NUMBER: 002620011465

Apr 25, 202405:30
Mabuting Balita l Abril 25, 2024 - Huwebes

Mabuting Balita l Abril 25, 2024 - Huwebes

Mabuting Balita l Abril 25, 2024 - Huwebes sa Ika-4 na Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay    

Ebanghelyo: Mk 16:15-20

Sinabi ni Hesus sa mga alagad: “Pumunta kayo sa buong daigdig at ipahayag ang Ebanghelyo sa buong sangkinapal. Maliligtas ang maniniwala at magpabinyag; hahatulan naman ang di maniniwala. At ito ang mga tandang sasama sa mga maniniwala: magpapalayas sila ng mga demonyo sa aking Pangalan, magsasalita sila sa iba pang mga wika, hahawakan nila ang mga ahas, at hindi sila maaano kung iinom man sila ng may lason. Ipapatong nila ang kanilang kamay sa mga maysakit at gagaling ang mga iyon.” Matapos silang kausapin ng Panginoong Hesus, iniakyat siya sa Langit at lumuklok sa kanan ng Diyos. At umalis sila at nangaral sa lahat ng lugar. Kasama nilang gumagawa ang Panginoon at pinatatatag ang Salita sa tulong ng mga tandang kasama nila.

Pagninilay:

Isinulat ni Fr. Ramil Tapang ng Society of St. Paul ang pagninilay sa ebangheyo.  Ngayon ay Kapistahan ni San Markos, isang ebanghelista. Ang kanyang tanda ay isang leon na may pakpak. Bakit nga ba leon na may pakpak ang kanyang tanda? Unang-una, ayon sa aklat ng Ezekiel at Pahayag, ito ay tanda ni Hesus na makapangyarihan at muling nabuhay. Pangalawa, kung babasahin at pag-aaralan ang ebanghelyo, nagsisimula ito sa pamamagitan ni Juan Bautista, na may dumadagundong na panawagan (like the roaring of a lion) na may pakpak (na tanda ng kapangyarihan at tagadala ng mabuting balita), “Ihanda ang daan ng Panginoon. Tuwirin ninyo ang kanyang mga landas… Ipangangaral ang bautismo ng pagsisisi para sa ikapagpapatawad ng mga kasalanan” (cf.  Mark 1:314).  (Ang ebanghelyo ayon kay San Markos ay hindi tulad ng tatlong ebanghelyo na “tahimik” at may mahabang panimula pa. Ang kay San Marcos, wala nang pasikot-sikot, direct to the point. Kapansin-pansin din na hindi niya tinatawag si Hesus na Anak ng Tao, kundi Anak ng Diyos. Ito rin ang pinakamaikli sa lahat ng ebanghelyo.)  Sino nga ba si San Markos? Hindi siya kasama sa labindalawang alagad ni Hesus. Gayunpaman, pinapaniwalaan na isa siya sa mga unang kristiyano; at ang tawag sa kanya ni San Pedro ay anak, dahil marahil, si San Pedro ang nagbinyag sa kanya. Kung kayat sabi sa unang sulat ni San Pedro, “Kinukumusta rin kayo ni Marcos, na aking anak sa pananampalataya” (1 Pedro 5:13-14).  Dagdag pa dito, siya ang namuno upang maitayo ang simbahan sa Egipto. Mga kapatid, malaki ang ambag ni San Markos sa pagpapahayag ng Mabuting Balita. Ito ang umalingawngaw na mensahe ni San Pablo noong nakulong siya sa Roma. Sabi nga niya, “Hanapin mo si Marcos at isama mo rito, sapagkat malaki ang maitutulong niya sa aking mga gawain” (2 Timothy 4,11). // Sa ating pagdiriwang ng kapistahan ni San Markos, sana tularan natin siya na ipahayag si Hesus sa salita at gawa. Ito din ang hamon ng ating Ebanghelyo ngayon, “Humayo kayo at ipahayag ang Mabuting Balita. Amen.

Apr 24, 202405:02
A Thought A Day | April 25, 2024

A Thought A Day | April 25, 2024

A Thought A Day | April 25, 2024

You are listening to the daily gospel reflections with Sr. Cloth, fsp

This podcast is brought to you by the Paulines Multimedia. It is our mission to Bring the WORD of GOD to all peoples, through sounds and images, voices and music. Come and join us as we share “A THOUGHT A DAY”.

#pray #withme #gospel #reflection

#Paulines #DaughtersOfStPaul #GospelPower #aThoughtaDay

For more spiritual nourishment please visit: https://store.paulines.ph/

HELP US MAINTAIN THIS PROGRAM

Send your donations and love offerings to:

G-CASH: 09686313280

METROBANK (Dollar Account)

BRANCH: Skyland Plaza, Makati

ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

ACCOUNT NUMBER: 514-2-51400590-1

SWIFT CODE: MBTCPHMM

METROBANK (Peso Account)

BRANCH: Skyland Plaza, Makati

ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

ACCOUNT NUMBER: 514-3-51430769-6

SWIFT CODE: MBTCPHMM

BDO (BRANCH: Leveriza-Libertad)

ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

ACCOUNT NUMBER: 002620011465

Apr 24, 202405:44
Mabuting Balita l Abril 24, 2024 - Miyerkules

Mabuting Balita l Abril 24, 2024 - Miyerkules

Mabuting Balita l Abril 24, 2024 - Miyerkules sa Ika-4 na Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay    

Ebanghelyo: Jn 12:44-50 Malakas na sinabi ni Hesus: “Ang naniniwala sa akin ay hindi sa akin naniniwala Kundi sa nagsugo sa akin. Ang nakakasaksi sa akin ay nakakasaksi sa nagsugo sa akin.

“Dumating ako sa mundo bilang liwanag upang hindi sa dilim manatili ang bawat naniniwala sa akin. Kung may nakakarinig sa aking mga salita at hindi ito iingatan, hindi ako ang humahatol sa kanya, sapagkat hindi ako dumating upang hukuman ang mundo kundi upang iligtas ang mundo. “May huhukom sa bumabalewala sa akin at hindi tumatanggap sa aking mga salita. Ang salitang binigkas ko ang huhukom sa kanya sa huling araw. Sapagkat hindi ako nangusap sa ganang sarili; ang nagsugo sa akin, ang Ama, siya mismo ang nag-utos sa akin kung ano ang sasabihin ko at paano ako magsasalita. Alam ko na buhay na walang hanggan ang utos niya. Kaya lahat ng binibigkas ko’y binibigkas ko gaya ng sinabi sa akin ng Ama.”

Pagninilay:

Isinulat ni Sr. Gemmaria Dela Cruz ng Daughters of St. Paul ang pagninilay sa ebanghelyo.  Si Hesus Maestro ang ilaw ng sanlibutan at hindi mananatili sa kadiliman ang nananalig sa Kanya. Isa sa mga tanda ng Liwanag na dulot ng ating Hesus Maestro ay ang ating “conscience” o budhi.  Ang konsensya, handog ni Lord sa atin. Siya ang kislap ng inner voice na nag-uudyok sa atin na gumawa ng mabuti at maiwasan ang masama by all means.  Kapag sinabi natin na “it is against my conscience.”  Para na rin nating sinasabi na “Hindi ko ito kayang gawin sa harap ng Liwanag ng aking Tagapaglikha.” Kung tutuusin, ang sinumang hindi nakikinig sa sariling budhi, lumalabag sa dignidad natin bilang tao at bilang anak ng Diyos. Kaya’t nararapat lang na hulmahin ang ating budhi at kamalayan. Sa tulong ng liwanag ng ating Hesus Maestro, i-wewelcome niya tayo sa School of Conscience. Ito ang magbibigay ng direksyon sa ating buhay. Una, ang self-criticism, pansinin at aminin kung namamali na ang ating iniisip, sinasabi at ginagawa, at ibalik sa tama. Gawin nating reference ang Liwanag ng Salita ng Diyos at ang Liwanag ng mga Turo ng ating Simbahan. Ikalawa ay ang reorientation.  Kung ano ang narinig, natutuhan at nakasanayan natin mula nang bata pa tayo, ito ang basehan ng ating mga decisions at actions. Kung hindi naging tama ang orientation sa atin, kaya pa nating i-restore. Kaya’t lagi tayong magbabad sa liwanag ng ating Banal na Tagapagturo. Sa self-criticism at reorientation, liliwanag din tayo sa loob at labas ng ating pagkatao.   

Apr 23, 202404:24
A Thought A Day | April 24, 2024

A Thought A Day | April 24, 2024

A Thought A Day | April 24, 2024

You are listening to the daily gospel reflections with Sr. Cloth, fsp

This podcast is brought to you by the Paulines Multimedia. It is our mission to Bring the WORD of GOD to all peoples, through sounds and images, voices and music. Come and join us as we share “A THOUGHT A DAY”.

#pray #withme #gospel #reflection

#Paulines #DaughtersOfStPaul #GospelPower #aThoughtaDay

For more spiritual nourishment please visit: https://store.paulines.ph/

HELP US MAINTAIN THIS PROGRAM

Send your donations and love offerings to:

G-CASH: 09686313280

METROBANK (Dollar Account)

BRANCH: Skyland Plaza, Makati

ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

ACCOUNT NUMBER: 514-2-51400590-1

SWIFT CODE: MBTCPHMM

METROBANK (Peso Account)

BRANCH: Skyland Plaza, Makati

ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

ACCOUNT NUMBER: 514-3-51430769-6

SWIFT CODE: MBTCPHMM

BDO (BRANCH: Leveriza-Libertad)

ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

ACCOUNT NUMBER: 002620011465

Apr 23, 202405:45
Walking with the Saints l Feast of St. George, Patron Saint of England l April 23

Walking with the Saints l Feast of St. George, Patron Saint of England l April 23

Walking with the Saints l Feast of St. George, Patron Saint of England l April 23

You must have heard story of St. George and the Dragon when you were younger. Well, it was not a fiction; it was a true story. George was a military man who was martyred for refusing to recant his belief in Christianity. He was martyred in Lydda, Palestine, in 303, during the reign and Christian persecution of Emperor Diocletian. He was a member of the Praetorian guards of the Emperor but his position did not spare him a cruel death. The Empress Alexandra of Rome, seeing how he willingly accepted death for the sake of Christ was convinced to become a Christian herself and joined George in being decapitated. St. George became so popular to all the people of his time that several stories have been written about him, some are legends and others are history. We shall content ourselves with what the Christian historians have recorded about him. He was one of the most venerated saints in Christianity. He is honored in England, Ethiopia, Georgia. Catalonia, Spain, Russia. His bones are buried in the Church of St. George, Lod, Israel. In the Greek tradition, George was born of Christian parents. When George was fourteen, his father was also martyred for the faith. His mother brought him back to her homeland in Syria. When his mother died, George travelled to Nicodemia where he joined the Roman army. It was there where he met Diocletian, whom he faithfully served but denounced him upon his refusal to sacrifice to idols. George experienced more than 20 tortures and in the course of these sufferings more than 40, 000 pagans were converted and were baptized. Now we will tell you about the dragon. Tradition tells that there was a fierce dragon in the City of Silene, Libya causing great panic. To prevent the dragon from devastating the people, two sheeps were given it each day for its meals. But when he sheeps were already lacking, they were forced to offer people to the dragon. The persons to be offered were chosen by lot and one time, the king’s daughter was the one chosen. No one wanted to take her place. George came to the rescue by slaying the dragon with a sword. The king offered gifts to George, for having saved his daughter’s life and having rid their city of the pestilence, but he refused them and instead gave the gifts to the poor. The people were so amazed that they were converted and became Christians. Since the event was so extraordinary, the people prepared works of art like sculptures depicting Gorge battling the dragon. The veneration of St. George continues today especially among Christians, Jews, Muslims and other religions. It spread out widely especially after the Fall of Constantinople. At present, in several countries like modern England, Saint George’s Day is among the feasts being celebrated.  In April 2019, on the 504th foundation of the parish, the parish priest of Sao George in Madeira Island, Portugal solemnly received the relics of St. George, long time patron of the parish. It is said that when the local Arabs and other non-Christian people have problems, whether financial, political, family, health, and others, they recourse to St.George for help, since they  honor him as both saint and prophet. St. George is commonly depicted wearing armour as a Roman soldier, mounted upon a white horse. It is of great importance to know that in the year 2003, a Vatican stamp issued on the anniversary of St. George’s death depicts St. George atop a white horse killing the dragon.

Virtue: piety, humility, bravery, patience, detachment and love for the poor,

Prayer: “O God, grant us through the prayer of St. George the strength and constancy to suffer for our holy faith and perseverance like him to the end.”

Apr 22, 202405:20
Mabuting Balita l Abril 23, 2024 – Martes

Mabuting Balita l Abril 23, 2024 – Martes

Mabuting Balita l Abril 23, 2024 – Martes sa Ika-4 na Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay

Ebanghelyo: Jn 10:22-30

Piyesta ng pagtatalaga sa Jerusalem, at taglamig noon. Palakad-lakad si Hesus sa Templo sa patyo ni Solomon, at pinaligiran siya ng mga Judio at sinabi sa kanya: “Hanggang kailan mo ba kami ibibitin? Kung ikaw ang Kristo, sabihin mo sa amin nang tahasan.” Isinagot sa kanila ni Hesus: “Sinabi ko na inyo subalit ayaw ninyong maniwala. Nagpapatotoo sa akin ang mga gawang ginagawa ko sa ngalan ng aking Ama. Subalit hindi kayo naniniwala sapagkat hindi kayo kabilang sa aking mga tupa. “Naririnig ng aking mga tupa ang aking tinig, at nakikilala ko naman sila, at susunod sila sa akin. Buhay na walang hanggan ang ibinibigay ko sa kanila at hinding-hindi sila mapapahamak ni walang aagaw sa kanila mula sa kamay ko. Mas dakila kaysa anuman ang ibinigay sa akin ng aking Ama, at walang makaaagaw mula sa kamay ng Ama. Iisa kami ng aking Ama.”

Pagninilay:

Mula sa panulat ni Cl. Vinz Aurellano ng Society of St. Paul ang pagninilay na ibabahagi ko sa inyo.  Mahirap pong pagsabihan ang mga taong mas marunong pa sayo. Kadalasan nga ay nagmamarunong lang naman talaga. Mahirap ding kumbinsihin ang taong papilit pa. Yun bang wala naman talaga siyang intension maniwala. Gusto lang ng bangayan.  Mga kapanalig, ganun po ang nangyari kay Hesus at sa mga Judio sa ating mabuting balita. Marahil sila man ay naguguluhan na din kung sino ba itong si Hesus? Kinikilala namin ang kanyang mabuting gawa, pero ang kanyang pagkatao o pagka-Diyos hindi namin kikilalanin…   Kung kilala mo ang iyong sarili, hindi mo na kailangang ipagpilitan pa ito sa iba. Hayaan mong ang iyong salita at gawa ang magbunyag ng iyong pagkakakilanlan. Tulad ng ating Panginoong Hesus, magkaroon din nawa tayo ng malinaw na pananaw sa sarili, paninindigan, upang tayo rin maipahayag na Siya’y ating tunay na Diyos.

Manalangin tayo:  Panginoon, bigyan Mo po ako ng kababaang-loob na makilala ang aking sarili.  Maging bukas nawa ako sa iyong grasya ng paghilom.  Tulungan Mo po akong baguhin ang pag-uugali kong taliwas sa’yong mahal na kalooban, Amen.

Apr 22, 202404:01
A Thought A Day | April 23, 2024

A Thought A Day | April 23, 2024

A Thought A Day | April 23, 2024

You are listening to the daily gospel reflections with Sr. Cloth, fsp

This podcast is brought to you by the Paulines Multimedia. It is our mission to Bring the WORD of GOD to all peoples, through sounds and images, voices and music. Come and join us as we share “A THOUGHT A DAY”.

#pray #withme #gospel #reflection

#Paulines #DaughtersOfStPaul #GospelPower #aThoughtaDay

For more spiritual nourishment please visit: https://store.paulines.ph/

HELP US MAINTAIN THIS PROGRAM

Send your donations and love offerings to:

G-CASH: 09686313280

METROBANK (Dollar Account)

BRANCH: Skyland Plaza, Makati

ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

ACCOUNT NUMBER: 514-2-51400590-1

SWIFT CODE: MBTCPHMM

METROBANK (Peso Account)

BRANCH: Skyland Plaza, Makati

ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

ACCOUNT NUMBER: 514-3-51430769-6

SWIFT CODE: MBTCPHMM

BDO (BRANCH: Leveriza-Libertad)

ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

ACCOUNT NUMBER: 002620011465

Apr 22, 202405:42
Mabuting Balita l Abril 22, 2024 – Lunes

Mabuting Balita l Abril 22, 2024 – Lunes

Mabuting Balita l Abril 22, 2024 – Lunes sa Ika-4 na Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay 

Ebanghelyo: Jn 10:1-10

Sinabi ni Hesus: “Talagang-talagang sinasabi ko sa inyo, ang hindi dumadaan sa pintuan sa pagpasok sa kulungan ng mga tupa kundi lumulukso sa ibang dako ay magnanakaw at mandarambong. Ang pastol ng mga tupa naman ay pumapasok sa pintuan. Binubuksan siya ng bantay-pinto, at nakikinig ang mga tupa sa kanyang tinig; at tinatawag niya ang kanyang mga tupa sa kanilang ngalan at inilalabas niya sila. Kapag nailabas na niya ang tanang kanya, sa harap nila siya naglalakad at sa kanya sumusunod ang mga tupa, sapagkat kilala nila ang tinig niya. Hinding-hindi sila susunod sa dayuhan, kundi tatakasan nila siya, sapagkat hindi nila kilala ang tinig ng dayuhan.” Ito ang talinhagang sinabi sa kanila ni Hesus. Ngunit hindi nila naintindihan kung ano ang gusto niyang sabihin sa kanila. Kaya sinabi uli ni Hesus: “Talagang-talagang sinasabi ko sa inyo: Ako ang pintuan ng mga tupa. Magnanakaw lamang at mandarambong ang lahat ng nauna sa akin. Ngunit hindi sila pinakinggan ng mga tupa. Ako ang pintuan; kung may pumapasok sa pamamagitan ko, maliligtas siya at papasok at lalabas, at makatatagpo ng pastulan. Ang magnanakaw ay hindi dumarating kundi para lamang magnakaw, pumaslang at magpahamak. Dumating naman ako upang magkaroon sila ng buhay at lubos na magkaroon nito.”

Pagninilay:

Isinulat ni Sr. Rose Agtarap ng Daughters of St. Paul ang pagninilay na ibabahagi ko sa inyo.  (Napakaganda ng ating ebanghelyo sa araw na ito. Sinabi ni Hesus: “Ako ang pintuang dinaraanan ng mga tupa… naparito ako upang ang mga tupa ay magkaroon ng buhay, buhay na masaganang lubos.”)  Abundant life! Yan daw ang dahilan sa pagparito ni Hesus. Ano ba ang lubos na masaganang buhay para sa iyo? Sagana ka ba o kapos? Kapatid, ang kasaganaan ay hindi isang bagay na nakukuha natin. Itoý isang handog, isang paraan ng pamumuhay at pag-iral.  Ang masaganang buhay ay hindi tungkol sa dami ng kayamanan, ng tagumpay, ng pagiging sikat sa social media, ng seguridad, o pagiging number one sa alinmang larangan. Hindi ito mga bagay na madalas nating iniisip. Ilang beses mo na bang nakuha ang gusto mo, natupad ang iyong pangarap, o nagawa ang pinararangalan ng lipunan? Para lamang matuklasan ang iyong sariling kahungkagan at kahirapan? Nasa iyo ang lahat pero hindi ka sagana. Hindi, ang masaganang buhay ay pakikiisa sa buhay na banal. Tungkol ito sa kalidad ng buhay, hindi sa dami. Buhay na makahulugan, may integridad at layunin, malikhain, may mabuting mga relasyon, at kaganapan. Ang masaganang buhay ay nagbibigay-buhay din sa iba at sa mundo. Buhay na puno ng pag-ibig, ng kagalakan, ng pag-asa, ng kabaitan, ng pagkabukas-palad, ng kagandahan, at pasasalamat. Hindi ba ito talaga ang gusto natin? para sa ating sarili at para sa isa't isa?

(Manalangin tayo: Panginoong Hesus, aming Mabuting Pastol, gusto naming sundan ka sa pastulan ng kasaganaan. Tulungan mo kaming makinig sa iyong tinig sa araw-araw. Amen.)

Apr 21, 202405:07
A Thought A Day | April 22, 2024

A Thought A Day | April 22, 2024

A Thought A Day | April 22, 2024You are listening to the daily gospel reflections with Sr. Cloth, fspThis podcast is brought to you by the Paulines Multimedia. It is our mission to Bring the WORD of GOD to all peoples, through sounds and images, voices and music. Come and join us as we share “A THOUGHT A DAY”. #pray #withme #gospel #reflection#Paulines #DaughtersOfStPaul #GospelPower #aThoughtaDayFor more spiritual nourishment please visit: https://store.paulines.ph/HELP US MAINTAIN THIS PROGRAMSend your donations and love offerings to:G-CASH: 09686313280METROBANK (Dollar Account)BRANCH: Skyland Plaza, MakatiACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.ACCOUNT NUMBER: 514-2-51400590-1SWIFT CODE: MBTCPHMMMETROBANK (Peso Account)BRANCH: Skyland Plaza, MakatiACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.ACCOUNT NUMBER: 514-3-51430769-6SWIFT CODE: MBTCPHMMBDO (BRANCH: Leveriza-Libertad)ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.ACCOUNT NUMBER: 002620011465

Apr 21, 202406:13
Mabuting Balita l Abril 21, 2024 – Linggo

Mabuting Balita l Abril 21, 2024 – Linggo

Mabuting Balita l Abril 21, 2024 – Ikaapat na Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay (B)

Ebanghelyo: Jn 10:11-18

Sinabi ni Hesus: “Ako ang mabuting pastol. Ang mabuting pastol ay nag-aalay ng kanyang buhay alang-alang sa mga tupa. Ang upahan at hindi pastol, na hindi naman kanyang sarili ang mga tupa, pagkakita niya sa asong-gubat na dumarating, iniiwan niya ang mga tupa at tumatakas. Kaya inaagaw ng asong-gubat ang mga ito at ipinangangalat. “Ako ang mabuting pastol. Kilala ko ang mga akin at kilala ako ng mga akin, gaya ng pagkakilala sa akin ng Ama, at nakikilala ko ang Ama. At iniaalay ko ang aking buhay para sa aking mga tupa.” “Mayroon akong ibang mga tupa na di naman mula sa kulungang ito. Sila may kailangan kong gabayan, at makikinig sila sa tinig ko at magkakaroon ng iisang kawan at ng iisang pastol. “Mahal nga ako ng Ama sapagkat hinuhubad ko ang aking buhay at muli ko itong kukunin. Walang nag-aalis nito sa akin, kundi ako ang naghuhubad nito nang kusa. May kapangyarihan ako upang hubarin ito, at may kapangyarihan din ako upang kunin itong muli. Ito ang utos na tinanggap ko mula sa aking Ama.”

Pagninilay:

Isinulat ni Fr. Rolly Garcia Jr. ng Archdiocese of Manila ang pagninilay sa ebanghelyo.  Ang talinghaga ng Mabuting Pastol ay makikita lamang sa Ebanghelyo ni Juan at ito ang tanging talinghaga sa kanyang Ebanghelyo. Ayon sa talinghaga, kilala ng mabuting pastol ang kanyang mga tupa. Si Hesus ang mabuting pastol. Kilala ni Hesus ang lahat ng kanyang mga tupa at handa siyang ialay ang kanyang buhay upang sila'y iligtas. Tayong lahat ay tinatawag na maging mga pastol sa iba't ibang paraan at may iba't ibang antas ng pananagutan: mga pari, madre, magulang, guro, mga amo, at marami pang iba. Upang maging mabuting mga pastol, kailangan nating laging tumingin sa halimbawa ni Hesus. Ang pagiging isang lider na ayon sa larawan ni Hesus ay nangangailangan ng patuloy na pagbabago at paglilinis ng ating mga hangarin.  Hindi dapat inuuna ng lider ang kanyang sarili, laging kapakanan ng kanyang mga nasasakupan ang pangunahing binibigyan ng pansin.  Ngayon ay “Linggo ng Mabuting Pastol”.  Manalangin tayo na marami sa ating mga kabataan ang piliing maging mabuting pastol at tumugon sa tawag ng buhay paglilingkod: bilang mga pari, mga relihiyoso, o maging mabuting mga magulang. 

Apr 20, 202404:23
A Thought A Day | April 21, 2024

A Thought A Day | April 21, 2024

A Thought A Day | April 21, 2024

You are listening to the daily gospel reflections with Sr. Cloth, fsp

This podcast is brought to you by the Paulines Multimedia. It is our mission to Bring the WORD of GOD to all peoples, through sounds and images, voices and music. Come and join us as we share “A THOUGHT A DAY”.

#pray #withme #gospel #reflection

#Paulines #DaughtersOfStPaul #GospelPower #aThoughtaDay

For more spiritual nourishment please visit: https://store.paulines.ph/

HELP US MAINTAIN THIS PROGRAM

Send your donations and love offerings to:

G-CASH: 09686313280

METROBANK (Dollar Account)

BRANCH: Skyland Plaza, Makati

ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

ACCOUNT NUMBER: 514-2-51400590-1

SWIFT CODE: MBTCPHMM

METROBANK (Peso Account)

BRANCH: Skyland Plaza, Makati

ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

ACCOUNT NUMBER: 514-3-51430769-6

SWIFT CODE: MBTCPHMM

BDO (BRANCH: Leveriza-Libertad)

ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

ACCOUNT NUMBER: 002620011465

Apr 20, 202405:58
Mabuting Balita l Abril 20, 2024 – Sabado

Mabuting Balita l Abril 20, 2024 – Sabado

Mabuting Balita l Abril 20, 2024 – Sabado

Sa Ika-3 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay  

Ebanghelyo: Jn 6:60-69

Sinabi ng mga alagad ni Hesus: “Sino ang makakarinig sa kanya?” Alam naman ni Hesus sa loob niya na nagbubulung-bulungan tungkol dito ang kanyang mga alagad kayat sinabi niya sa kanila: “Nakakaiskandalo ba ito sa inyo? Ano kaya kung masaksihan ninyo ang Anak ng Taong umaakyat sa dati niyang kinaroroonan…? Ang espiritu ang nagbibigay-buhay; walang bisa ang laman. Ang mga salitang binigkas ko ay espiritu kaya buhay. Datapwat ilan sa inyo ang hindi naniniwala.” Sapagkat alam ni Hesus mula sa simula kung sino ang mga di maniniwala at kung sino ang magkakanulo sa kanya. At sinabi niya: “Dahil dito kaya ko sinabi sa inyo na walang puwedeng lumapit sa akin malibang ipagkaloob ito sa kanya ng Ama.” Kaya marami sa kanyang mga alagad ang tumalikod at hindi na nagpatuloy sa pagsama sa kanya. Sinabi naman ni Hesus sa Labindalawa: “Gusto ba rin ninyong umalis Pedro?” “Panginoon, kanino kami pupunta? Mga salita ng buhay na walang hanggan ang iyong salita. Naniwala nga kami at nakilala namin na ikaw ang Banal ng Diyos.”

Pagninilay:

Isinulat ni Amiel Mercado Ilandag, isang Pauline cooperator, ang pagninilay sa ebanghelyo.  Tatalikuran ba natin si Hesus dahil hindi natin maunawaan ang mga turo ng simbahan? O tatalikod ba tayo, dahil hindi tayo sang-ayon sa ilan dito? // Marahil hindi pa ganun katibay ang ating paniniwala, kaya sa kakaunting pagsubok pa lamang, agad na nating lilisanin ang pag-ibig niya. Oo, pag-ibig. Dahil si Hesus ay naparito upang tayong lahat ay magkaroon ng buhay na walang hanggan. // Paano ka tumutugon sa tawag nya? Ano ang iyong ginagawa sa Kanyang mga salitang nagbibigay buhay?  Mga kapanalig, sa pamamagitan ng araw-araw na pakikinig at pagbabasa ng kanyang salita, nabibigyan tayo ng grasya upang si Hesus ay makilala. Napakahalaga ng bawat sandali na ating ginugugol upang maunawaan natin siya ng lubos.  Pagbabasa ng Bibliya, pag attend ng Misa, at panonood ng mga spiritual na mga programa, ang ilan lamang sa mga paraan upang makilala natin si Hesus.  Maliban dyan, may isa pang sikreto upang makapiling si Hesus sa bawat araw. Ang pagdarasal ng Santo Rosaryo. (Dahil, maliban sa mga disipulo niya, ang ating Mahal na Ina, ang Birheng Maria ang higit na nakakaalam kung ano nga ba ng nasa puso ni Hesus.  Sa ating pagninilay ng bawat misteryo ng Santo Rosaryo, ating nakakasama si Hesus sa bawat parte ng kanyang buhay. Sa pamamagitan nito, atin siyang masasabayan at mas mauunawaan. Si Maria ang kanyang instrumento upang tayo ay mapalapit sa kanya.  Sa pamamagitan ni Maria, hindi natin iiwanan si Hesus. Sa bawat Ave Maria ay makikita natin ang pag-ibig niya. Tayo ay lalago sa ating buhay Kristiyano at sa kalaunan ay magiging banal.) “To Jesus, through Mary.” Isang tiyak na daan upang masambit ang mga salitang “Panginoon, kanino pa po kami pupunta? Nasa inyo ang mga salitang nagbibigay ng buhay na walang hanggan.”

(Manalangin tayo. Ama, sa tulong ni Maria, nawa’y aming maunawan ang Iyong mga salitang nagbibigay buhay na walang hanggan. Amen.)

Apr 19, 202405:12
A Thought A Day | April 20, 2024

A Thought A Day | April 20, 2024

A Thought A Day | April 20, 2024

You are listening to the daily gospel reflections with Sr. Cloth, fsp

This podcast is brought to you by the Paulines Multimedia. It is our mission to Bring the WORD of GOD to all peoples, through sounds and images, voices and music. Come and join us as we share “A THOUGHT A DAY”.

#pray #withme #gospel #reflection

#Paulines #DaughtersOfStPaul #GospelPower #aThoughtaDay

For more spiritual nourishment please visit: https://store.paulines.ph/

HELP US MAINTAIN THIS PROGRAM

Send your donations and love offerings to:

G-CASH: 09686313280

METROBANK (Dollar Account)

BRANCH: Skyland Plaza, Makati

ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

ACCOUNT NUMBER: 514-2-51400590-1

SWIFT CODE: MBTCPHMM

METROBANK (Peso Account)

BRANCH: Skyland Plaza, Makati

ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

ACCOUNT NUMBER: 514-3-51430769-6

SWIFT CODE: MBTCPHMM

BDO (BRANCH: Leveriza-Libertad)

ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

ACCOUNT NUMBER: 002620011465

Apr 19, 202405:09
Mabuting Balita l Abril 19, 2024 – Biyernes

Mabuting Balita l Abril 19, 2024 – Biyernes

Mabuting Balita l Abril 19, 2024 – Biyernes

Sa Ika-3 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay

Ebanghelyo: Jn 6:52-59 

Nagtalu-talo ang mga Judio at nagsalita: “Papaano tayo mabibigyan ng taong ito ng karne para kainin?” Kaya sinabi ni Hesus sa kanila, “Talagang-talagang sinasabi ko sa inyo, kung hindi ninyo kakainin ang laman ng Anak ng Tao at iinumin ang kanyang dugo, hindi kayo magkakaroon ng buhay sa inyong kalooban. May buhay na walang hanggan ang kumakain ng aking laman at umiinom ng aking dugo at ibabangon ko siya sa huling araw. “Sapagkat tunay na pagkain ang aking laman at tunay na inumin ang aking dugo. Ang kumakain ng aking laman at umiinom ng aking dugo ay nananatili sa akin at ako naman sa kanya. Sinugo nga ako ng buhay na Ama, gayundin naman dahil sa akin mabubuhay ang kumakain sa akin. “Ito ang tinapay na pumanaog mula sa Langit, hindi para kainin at mamatay tulad sa inyong mga ninuno. Mabubuhay naman magpakailanman ang kumakain ng tinapay na ito.” Sinabi ni Hesus ang mga bagay na ito sa sinagoga habang nangangaral siya sa Capernaum.

Pagninilay:

Isinulat ni Sr. Edith Ledda ng Daughters of St. Paul ang pagninilay sa ebanghelyo.  Binigyang diin sa Mabuting Balita ngayon, ang kahalagahan ng pagtanggap natin sa katawan at dugo ng ating Panginoong Hesus, sa Banal na komunyon. Sinabi Niya, na ang sinumang hindi kakain ng laman ng Anak ng Tao, at hindi iinom ng kanyang dugo, hindi magkakaroon ng buhay. Mga kapanalig, sa ating buhay pananampalataya may mga bagay na hindi kayang maunawaan ng ating isipan, pero kayang damhin ng ating puso. Sa pagtanggap natin sa banal na katawan at dugo ng ating Panginoong Hesus, matapos ang isang maayos na pagbabalik loob sa Diyos sa kumpisal, mapapansin natin na lumalakas tayo sa lahat ng bagay, lalo na sa pisikal at espiritwal na aspeto ng ating buhay. Ugaliin nawa natin ang regular na pagkukumpisal, upang may malinis na puso tayong tanggapin ang ating Panginoong Hesus. Kung malapit tayo sa ating Panginoong Hesus, at may maayos na pakikipag-ugnayan sa Kanya, madarama ito ng ating mga kasama sa tahanan, pamilya, kamag-anak at mga kaibigan. Malay mo, sila din ay mahikayat na magkaroon ng mabuting ugnayan sa ating Panginoong Hesus, dahil sa’yong pagsaksi sa buhay na pananatili ng Diyos sa’yong salita at gawa. Maging daluyan nawa tayo ng biyaya ng Diyos sa ating kapwa, at maging kamanlalakbay tungo sa walang hanggang buhay.

Manalangin tayo:  Panginoon Hesus, salamat po sa pagkakaloob Mo sa amin ng Iyong katawan at dugo sa Banal na Eukaristiya. Manatili nawa kaming matatag sa aming pananampalataya. Maging larawan nawa kami at gabay ng pagsunod sa Iyo ng aming kapwa sa tulong ng iyong mga biyaya. Amen

Apr 18, 202404:31
A Thought A Day | April 19, 2024

A Thought A Day | April 19, 2024

A Thought A Day | April 19, 2024

You are listening to the daily gospel reflections with Sr. Cloth, fsp

This podcast is brought to you by the Paulines Multimedia. It is our mission to Bring the WORD of GOD to all peoples, through sounds and images, voices and music. Come and join us as we share “A THOUGHT A DAY”.

#pray #withme #gospel #reflection

#Paulines #DaughtersOfStPaul #GospelPower #aThoughtaDay

For more spiritual nourishment please visit: https://store.paulines.ph/

HELP US MAINTAIN THIS PROGRAM

Send your donations and love offerings to:

G-CASH: 09686313280

METROBANK (Dollar Account)

BRANCH: Skyland Plaza, Makati

ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

ACCOUNT NUMBER: 514-2-51400590-1

SWIFT CODE: MBTCPHMM

METROBANK (Peso Account)

BRANCH: Skyland Plaza, Makati

ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

ACCOUNT NUMBER: 514-3-51430769-6

SWIFT CODE: MBTCPHMM

BDO (BRANCH: Leveriza-Libertad)

ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

ACCOUNT NUMBER: 002620011465

Apr 18, 202405:35
Mabuting Balita l Mayo 18, 2024 – Sabado

Mabuting Balita l Mayo 18, 2024 – Sabado

Mabuting Balita l Mayo 18, 2024 – Sabado

Ikapitong Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay

Ebanghelyo: Juan 21, 20-25

Paglingon ni Pedro, nakita niya na sumusunod ang alagad na mahal ni Hesus, ang humilig sa dibdib niya noong hapunan at nagtanong: “Panginoon, sino ba ang magkakanulo sa iyo?” Kaya pagkakita rito ni Pedro, sinabi niya kay Hesus: “Panginoon, ano naman ang mangyayari sa kanya?” Sinabi ni Hesus: “Kung loobin ko siyang manatili hanggang ako’y pumarito, anong pakialam mo? Sumunod ka sa akin!” Dahil dito’y may lumalaganap na paniwala sa mga kapatid na hindi mamamatay ang alagad na ito pero hindi naman sinabi ni Hesus: “Hindi mamamatay” kundi “kung loobin ko siyang manatili hanggang sa aking pagdating.” Ito ang alagad na nagpapatunay tungkol sa mga bagay na ito at sumulat ng mga ito. Alam namin na totoo ang kanyang pagpapatunay. Marami pang ibang ginawa si Hesus, na kung masusulat ang mga iyon nang isa-isa, sa tantiya ko’y di magkakasya sa mundo ang mga isusulat na mga aklat.

Pagninilay:

"Sumunod ka sa akin." 

Lumingon si Pedro habang sumusunod kay Jesus at nakita niya ang alagad na minamahal na sumusunod din. Kaya't tinanong niya si Jesus, "Panginoon, ano naman ang mangyayari sa kanya?"  Kahit pala Santo ay usisero din si Pedro!  Hindi ba madalas, ganyan tayo? Gusto nating malaman kung ano ang meron sa iba. Kahit na alam nating marami tayong biyayang natatanggap, hindi pa rin tayo nakukuntento dahil inihahambing natin ang sarili sa ibang tao. "Eh, bakit siya may ganito at ganoon?" Minsan naman, dahil sa tinitingnan natin ang iba, hindi na natin napapansin ang mga biyaya at grasya na meron na tayo. Kaya hindi na tayo nakapagpapasalamat! Sinabihan ni Jesus si Pedro na gawin kung ano ang kanyang dapat gampanan at huwag nang intindihin pa ang kapalaran o mangyayari kay Juan. Pinaaalalahanan din tayo, na may papel na dapat gampanan ang bawat isa sa atin. Ang mahalaga’y magawa natin iyon nang lubos, sa abot ng ating makakaya. Ikaw ba ang pastol at tagapamuno katulad ni Pedro? O katulad ka ba ng minamahal na alagad na si Juan na nagsulat ng ebanghelyo at nagpatotoo kay Jesus sa pamamagitan ng buhay niya? Anuman ang iyong papel, ang mahalaga’y magawa mo ito nang may pagmamahal sa Diyos at sa kapwa.  Tinatawag ka rin ni Jesus, kapatid/kapanalig. Handa ka na bang sumunod sa tawag niya tulad ni Pedro at Juan?

Apr 17, 202403:39
 Mabuting Balita l Abril 18, 2024 - Huwebes

Mabuting Balita l Abril 18, 2024 - Huwebes

Mabuting Balita l Abril 18, 2024 - Huwebes

Sa Ika-3 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay

Ebanghelyo:  Jn 6:44-51

Sinabi ni Hesus sa mga tao: “Walang puwedeng lumapit sa akin kung hindi siya ihahatid ng Amang nagsugo sa akin. At ako ang magbabangon sa kanya sa huling araw. Nasusulat sa Mga Propeta: ‘tuturuan nga silang lahat ng Diyos.’ Kaya ang bawat nakikinig sa Ama at natututo ay lumalapit sa akin. “Wala ngang nakakita sa Ama liban sa kanya na galing sa Diyos; siya ang nakakita sa Diyos. Talagang-talagang sinasabi ko sa inyo, may buhay na walang-hanggan ang naniniwala sa akin. “Ako ang tinapay ng buhay. Kumain nga ng manna sa ilang ang inyong mga ninuno at nangamatay pa rin. Narito naman ang tinapay na pumapanaog mula sa Langit, upang huwag mamatay ang kumain nito. Ako ang tinapay na buhay, na pumanaog mula sa Langit. Kung may kakain ng tinapay na ito, mabubuhay siya magpakailanman. At ang tinapay na aking ibibigay ay ang aking laman, alang-alang sa ikabubuhay ng mundo.”

Pagninilay:

Isinulat ni Fr. Keiv Aires Dimatatac ng Society of St. Paul ang pagninilay sa ebanghelyo.  Isa sa mga paratang sa mga unang taga-sunod ni Kristo, ay ang krimen ng kanibalismo. Ito ay ang pagkain ng laman ng kapwa tao. Kaya ikinukulong o ipinapapatay ang sinumang matagpuan na miyembro ng samahang ito. Ayon sa mga kumakalat na usap-usapan o tsismis sa emperyo noon, ang mga unang Kristiyano ay nagtitipon upang kainin ang laman ng kanilang Diyos at inumin ang kanyang dugo. Ganito din marahil ang iskandalong naranasan ng mga Hudyo na nakikinig kay Hesus, noong sabihin niyang ang pagkain na ibibigay niya, ang pagkaing magbibigay buhay ay ang kanyang laman. Batid ng mga Hudyo ang tinutukoy ni Hesus na manna, o yung tinapay na nagsustena sa kanilang mga ninuno noong naglalakbay sila sa Disyerto sa loob ng apatnapung taon. At kung paano ito nagbigay buhay at nagsustena sa kanila, ganito din sinasabi ni Hesus sa mga nakikinig sa kanya, kung paano ang kanyang katawan ay magbibigay buhay.  Pero, hindi ba’t ito ang nangyayari sa bawat pagtanggap natin ng komunyon? Literal na tinatanggap natin ang buhay na katawan at dugo ng ating Panginoon. At ito ang paraan ng ating pakikipagkaisa kay Hesus. Ganoon kalapit, ganoon ka-personal. Kaya nga komunyon ang tawag natin dito, communion, pakikipagkaisa. Tayo ay nagiging kaisa ni Kristo at sa pamamagitan nito, nagkakaroon tayo ng ugnayan sa Ama.   Nawa sa bawat komunyon na ating tinatanggap, magpatibay nawa ito sa ating pakikipagkaisa kay Kristo at tunay na magbigay buhay sa atin.

Apr 17, 202404:34
A Thought A Day | April 18, 2024

A Thought A Day | April 18, 2024

A Thought A Day | April 18, 2024

You are listening to the daily gospel reflections with Sr. Cloth, fsp

This podcast is brought to you by the Paulines Multimedia. It is our mission to Bring the WORD of GOD to all peoples, through sounds and images, voices and music. Come and join us as we share “A THOUGHT A DAY”.

#pray #withme #gospel #reflection

#Paulines #DaughtersOfStPaul #GospelPower #aThoughtaDay

For more spiritual nourishment please visit: https://store.paulines.ph/

HELP US MAINTAIN THIS PROGRAM

Send your donations and love offerings to:

G-CASH: 09686313280

METROBANK (Dollar Account)

BRANCH: Skyland Plaza, Makati

ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

ACCOUNT NUMBER: 514-2-51400590-1

SWIFT CODE: MBTCPHMM

METROBANK (Peso Account)

BRANCH: Skyland Plaza, Makati

ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

ACCOUNT NUMBER: 514-3-51430769-6

SWIFT CODE: MBTCPHMM

BDO (BRANCH: Leveriza-Libertad)

ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

ACCOUNT NUMBER: 002620011465

Apr 17, 202405:46
Mabuting Balita l Abril 17, 2024 - Miyerkules

Mabuting Balita l Abril 17, 2024 - Miyerkules

Mabuting Balita l Abril 17, 2024 - Miyerkules

Sa Ika-3 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay

Ebanghelyo: Jn 6:35-40

Sinabi ni Hesus sa mga tao: “Ako ang tinapay ng buhay. Hinding-hindi magugutom ang lumalapit sa akin at hindi mauuhaw kailanman ang naniniwala sa akin. Subalit sinabi ko sa inyo: Nakita na ninyo at hindi kayo naniniwala. “Lalapit sa akin ang anumang ibinibigay sa akin ng Ama, at hinding-hindi ko ipagtatabuyan sa labas ang lumalapit sa akin. Sapagkat pumanaog ako mula sa Langit hindi upang gawin ang kalooban ko kundi ang kalooban ng nagsugo sa akin. “Ito ang kalooban ng nagsugo sa akin na huwag kong pabayaang mawala ang anumang ibinigay niya sa akin; sa halip ay ibabangon ko ito sa huling araw. Ito ang kalooban ng akingAma: ang bawat nakasaksi sa Anak at naniniwala sa kanya ay may buhay na walang hanggan, at ibabangon ko siya sa huling araw.”

Pagninilay:

Isinulat ni Sr. Pinky Barrientos ng Daughters of St. Paul ang pagninilay sa ebanghelyo.  Ano ba ang sinisimbolo ng tinapay? Ito ay pantawid gutom, nagbibigay sa atin ng lakas at buhay, ‘di ba? Marahil, para sa ating mga Filipino, ang tinapay ay di kasing importante ng kanin. Pero di natin maitatatwa na ang tinapay, katulad ng kanin ay isa ring staple food, and has an important function to nourish our body and keep us alive. (Alam ninyo, mahilig akong magluto at mag bake ng cake at bread, paminsan-minsan. Simple lang naman ang baking skills ko. Hindi maikukumpara sa mga skilled bakers whose beautiful creations we usually see uploaded on social media. Pero ang isang bagay na nagpapataba sa puso ng isang cook o baker ay, kung ang kanyang niluluto o bine bake ay nagugustuhan ng mga kumakain nito. Gayunpaman, kahit napaka excellent ng isang baker or cook, at gaano man kasarap ang pagkain na kanyang niluto, ito ay nasisira at napapanis din after some time, ‘di ba?)  Sabi ni Hesus sa Mabuting Balita ngayon: “Ako ang tinapay ng buhay…”  Ano ang gustong iparating ni Hesus sa atin sa mga katagang ito? Ito ay isang paalaala sa atin na si Hesus ang bukal ng buhay, at siya lamang ang tagapag-alaga ng ating espirituwal at pisikal na buhay. Isa rin itong paanyaya sa ating lahat, na lumapit sa kanya dahil siya lamang ang tunay na pagkain, na magbibigay sa atin ng lakas, upang malabanan at mapagtagumpayan ang mga pagsubok na dumarating sa ating buhay. Sa banal na Eukaristiya, ibinabahagi ni Hesus ang kanyang sarili, bilang tinapay ng buhay.  Sa pamamagitan ng banal na Eukaristiya, binubusog ni Hesus ang ating kaluluwa ng kanyang sacramental presence, nananahan siya sa ating puso, at pinupuspos ang ating buong pagkatao ng kanyang walang hanggang biyaya at pagmamahal.

Apr 16, 202404:36
A Thought A Day | April 17, 2024

A Thought A Day | April 17, 2024

A Thought A Day | April 17, 2024

You are listening to the daily gospel reflections with Sr. Cloth, fsp

This podcast is brought to you by the Paulines Multimedia. It is our mission to Bring the WORD of GOD to all peoples, through sounds and images, voices and music. Come and join us as we share “A THOUGHT A DAY”.

#pray #withme #gospel #reflection

#Paulines #DaughtersOfStPaul #GospelPower #aThoughtaDay

For more spiritual nourishment please visit: https://store.paulines.ph/

HELP US MAINTAIN THIS PROGRAM

Send your donations and love offerings to:

G-CASH: 09686313280

METROBANK (Dollar Account)

BRANCH: Skyland Plaza, Makati

ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

ACCOUNT NUMBER: 514-2-51400590-1

SWIFT CODE: MBTCPHMM

METROBANK (Peso Account)

BRANCH: Skyland Plaza, Makati

ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

ACCOUNT NUMBER: 514-3-51430769-6

SWIFT CODE: MBTCPHMM

BDO (BRANCH: Leveriza-Libertad)

ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

ACCOUNT NUMBER: 002620011465

Apr 16, 202405:52
Mabuting Balita l Abril 16, 2024 – Martes

Mabuting Balita l Abril 16, 2024 – Martes

Mabuting Balita l Abril 16, 2024 – Martes Sa Ika-3 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay

Ebanghelyo: Jn 6:30-35

Sinabi ng mga tao kay Hesus: “Anong tanda ang magagawa mo upang pagkakita namin ay maniwala kami sa iyo? Ano ba ang gawa mo? Kumain ng manna sa ilang ang aming mga ninuno ayon sa nasusulat: ‘Binigyan sila ng tinapay mula sa Langit at kumain sila.’” “Talagang-talagang sinasabi ko sa inyo, hindi si Moises ang nagbigay sa inyo ng tinapay mula sa Langit; ang aking Ama ang nagbibigay sa inyo ng tunay na tinapay mula sa Langit. Ang tinapay ng Diyos ang pumapanaog mula sa Langit at nagbibigay-buhay sa mundo.” Panginoon, lagi mong ibigay sa amin ang tinapay na ito.. “Ako ang tinapay ng buhay. Hinding-hindi magugutom ang lumalapit sa akin at hindi mauuhaw kailanman ang naniniwala sa akin.”

Pagninilay:

Isinulat ni Cl. Eugene Leano ng Society of St. Paul ang pagninilay sa ebanghelyo.  Madalas ka bang tumawag sa mga santo at santa, gaya na lang nina Padre Pio, o di kaya ni Santa Teresa, o ni Santa Ana? O maari ring ang iyong regular na nobena ay sa Mahal na Ina ng Awa. Mabuti ang pagtawag sa mga banal na ito, dahil tunay na makapangyarihan ang kanilang panalangin para sa atin. Pero, pinapaalalahanan tayo ng ebanghelyo natin ngayong araw, na ang tunay na tumutugon sa ating mga panalangin, ang tunay na nagbibigay sa atin ng mga grasyang kailangan natin, ay ang Diyos. Sa ating ebanghelyo, itinama ni Hesus ang maling pag-aakala ng mga apostol, na ang manna o tinapay na galing sa langit, ay gawa at bigay ni Moises. Ayon kay Hesus, hindi ang kapangyarihan ni Moises, kundi ang kapangyarihan ng Diyos ang siyang nagpaulan ng tinapay mula sa langit. Mga kapanalig, napakagandang paalala ito para sa atin. Tunay na sa pamamagitan ng panalangin ng mga banal, ng mga santo at santa ay nakakamit natin ang mga grasyang hinihiling natin. Pero, mahalagang pakatandaan na ang mga santo at santa ay hindi Diyos, at hindi Niya kapantay. Tanging ang Diyos lamang ang tunay na nagkakaloob sa atin ng grasya at kaligtasan. Amen.

(Manalangin tayo:  Ama, nawa’y lagi naming maalala na ikaw ang tunay na bukal ng lahat ng grasya. Sa pamamagitan ng mga hinirang mong mga santo at santa ng simbahan, mas mapalapit nawa kami sa iyo, at tumugon sa iyong mahal na kalooban. Hinihiling namin ito sa ngalan ni Kristong aming Panginoon, na naghaharing kasama mo at ng Espiritu Santo, magpasawalang hanggan. Amen.

Apr 15, 202404:18
A Thought A Day | April 16, 2024

A Thought A Day | April 16, 2024

A Thought A Day | April 16, 2024

You are listening to the daily gospel reflections with Sr. Cloth, fsp

This podcast is brought to you by the Paulines Multimedia. It is our mission to Bring the WORD of GOD to all peoples, through sounds and images, voices and music. Come and join us as we share “A THOUGHT A DAY”.

#pray #withme #gospel #reflection

#Paulines #DaughtersOfStPaul #GospelPower #aThoughtaDay

For more spiritual nourishment please visit: https://store.paulines.ph/

HELP US MAINTAIN THIS PROGRAM

Send your donations and love offerings to:

G-CASH: 09686313280

METROBANK (Dollar Account)

BRANCH: Skyland Plaza, Makati

ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

ACCOUNT NUMBER: 514-2-51400590-1

SWIFT CODE: MBTCPHMM

METROBANK (Peso Account)

BRANCH: Skyland Plaza, Makati

ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

ACCOUNT NUMBER: 514-3-51430769-6

SWIFT CODE: MBTCPHMM

BDO (BRANCH: Leveriza-Libertad)

ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

ACCOUNT NUMBER: 002620011465

Apr 15, 202405:20
Mabuting Balita l Abril 15, 2024 – Lunes

Mabuting Balita l Abril 15, 2024 – Lunes

Mabuting Balita l Abril 15, 2024 – Lunes sa Ika-3 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay

Ebanghelyo: Jn 6:22-29

Napuna ng mga taong nakatayo sa kabilang ibayo ng lawa na walang bangka noon sa lugar na iyon kundi isa lang at hindi sumakay si Hesus sa bangkang ito kasama ng kanyang mga alagad. Ngunit ang ilang malaking bangkang galing Tiberias ay dumating malapit sa lugar na kinainan nila ng tinapay sa pagpapasalamat ng Panginoon. Kaya nang mapuna ng mga tao na wala roon si Hesus ni ang mga alagad niya, sumakay sila sa mga bangka at pumunta sa Capernaum para hanapin si Hesus. Nang matagpuan nila siya sa kabilang ibayo ng lawa, sinabi nila sa kanya, “Guro, kailan ka pumarito?” Nagsalita sa kanila si Hesus at sinabi: “Talagang-talagang sinasabi ko sa inyo, hinahanap n’yo ako hindi dahil sa nakita n’yo sa mga tanda kundi dahil sa tinapay na kinain n’yo at kayo ay nabusog. Magtrabaho kayo, hindi nga para sa pagkaing nasisira kundi para sa pagkaing nananatili at nagbubunga ng buhay na walang hanggan. Ito ang ibibigay ng Anak ng Tao sa inyo; siya nga ang tinatakan ng Diyos Ama.” “Ano ang matatrabaho namin para maisagawa ang mga ipinagagawa ng Diyos?” “Ito ang ipinagagawa ng Diyos: maniwala kayo sa sinugo niya.”

Pagninilay:

Isinulat ni Sr. Gemmaria Dela Cruz ng Daughters of St. Paul ang pagninilay sa ebanghelyo.  Noong araw, uso sa amin ang nagdedeliver ng tinapay. Potpot lang ang tunog, lalabas na kami ng bahay para bumili ng tinapay na pang-almusal. Mainit-init pa. Isinasawsaw pa namin sa piniritong malasadong itlog.  Busog-sarap ka nga, pero nauubos din, lumilipas. Hindi na rin aabot pa ng bukas. Sa Mabuting Balita, dumating ang ating Hesus Maestro hindi lang para pumotpot at magdeliver ng tinapay at paramihin ito kundi para maging Tinapay. Ano’ng sabi Niya? Gumawa kayo, upang magkaroon ng pagkaing hindi nasisira, at nagbibigay ng buhay na walang hanggan. Take note. Gumawa ang sinabi Niya. Ibig sabihin, may partisipasyon tayo. Sa Muling Pagkabuhay ng ating Panginoon, Siya na ang Tinapay na hindi nasisira. At dahil nasa atin na Siya, binibigyan Niya tayo ng misyon, na maging saksi ng Kanyang Muling Pagkabuhay. To be bread for others. Tulad sa pakikiramay sadinaranas na hirap ng ating kapwa, sa pagpapatawad kahit isandaang sugat na ang natamo, hindi naghihiganti, sa pagbibigay ng pagkain at ikabubuhay ng mga maralita na hindi naghihintay ng kapalit, sa mga gumagabay sa mga kabataan at umaakay sa mga nakakatanda. Ang mga ito ang hindi lumilipas, dahil ang nakatatanggap nito, may ngiti at napapanatag ang kalooban. O, tayo na, at maging buhay na tinapay!

Apr 14, 202404:19
A Thought A Day | April 15, 2024

A Thought A Day | April 15, 2024

A Thought A Day | April 15, 2024

You are listening to the daily gospel reflections with Sr. Cloth, fsp

This podcast is brought to you by the Paulines Multimedia. It is our mission to Bring the WORD of GOD to all peoples, through sounds and images, voices and music. Come and join us as we share “A THOUGHT A DAY”.

#pray #withme #gospel #reflection

#Paulines #DaughtersOfStPaul #GospelPower #aThoughtaDay

For more spiritual nourishment please visit: https://store.paulines.ph/

HELP US MAINTAIN THIS PROGRAM

Send your donations and love offerings to:

G-CASH: 09686313280

METROBANK (Dollar Account)

BRANCH: Skyland Plaza, Makati

ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

ACCOUNT NUMBER: 514-2-51400590-1

SWIFT CODE: MBTCPHMM

METROBANK (Peso Account)

BRANCH: Skyland Plaza, Makati

ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

ACCOUNT NUMBER: 514-3-51430769-6

SWIFT CODE: MBTCPHMM

BDO (BRANCH: Leveriza-Libertad)

ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

ACCOUNT NUMBER: 002620011465

Apr 14, 202406:01
Mabuting Balita l Abril 14, 2024 – Linggo

Mabuting Balita l Abril 14, 2024 – Linggo

Mabuting Balita l Abril 14, 2024 – Ikatlong Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay (B)   

Ebanghelyo: Lk 24:35-48   

Isinalaysay ng dalawang alagad ang nangyari sa daan at kung paano nila siya nakilala sa pagpipiraso ng tinapay. Habang pinag-uusapan nila ang mga ito, tumayo siya mismo sa gitna nila (at sinabi sa kanila: “Huwag kayong matakot, sumainyo ang kapayapaan!”). Nagulat nga sila at natakot, at akala’y nakakakita sila ng kung anong espiritu. Ngunit sinabi niya sa kanila: “Bakit kayo naliligalig? (Matapos masabi ito, ipinakita niya sa kanila ang kanyang mga kamay at paa.) Hindi sila makapaniwala sa labis na galak at nagtataka pa rin kaya sinabi niya sa kanila: “May makakain ba kayo rito?” At binigyan nila siya ng isang pirasong inihaw na isda (at pulot-pukyutan). Kinuha niya iyon at kumain sa harap nila. Sinabi niya sa kanila: “Sinabi ko na sa inyo ang mga ito nang kasama ninyo ako: kailangang matupad ang lahat ng nasusulat tungkol sa akin sa Batas ni Moises, Mga Propeta at Mga Salmo.” At binuksan niya ang kanilang isipan para maunawaan nila ang mga Kasulatan. Sinabi niya: “Ganito ang nasusulat: kailangang magdusa ang Mesiyas at pagkamatay niya’y buhayin sa ikatlong araw. Sa ngalan niya ipahahayag sa lahat ng bansa ang pagsisisi at ang kapatawaran ng mga kasalanan—sa Jerusalem kayo magsisimula. Kayo ang magiging mga saksi sa mga ito.”

Pagninilay:

Isinulat ni Fr. Ramil Tapang ng Society of St. Paul ang pagninilay sa ebanghelyo. Natunghayan natin sa Mabuting Balita, ang paglalakbay ng dalawang alagad na takot na takot. Tumatakas sila mula sa Jerusalem papuntang Emaus. Bitbit nila ang panghihinayang dahil para sa kanila, ang kanilang kinikilalang Mesiyas ay wala na. Kaya nga ‘t balot ng lungkot at pighati ang kanilang paglisan sa Jerusalem, ang lugar nang kanilang “pagkabigo”.  Pero ang kanilang pagkabahala ay pinawi ni Hesus. Siya mismo ang tumagpo sa kanila sa daan, upang iparamdam na hindi sila iniwan. (Nakisabay si Hesus sa kanila; ipinaliwanag ang Kasulatan, at binuksan ang kanilang isipan sa “Paghahati ng Tinapay.” Doon nila naunawaang ang Diyos pala ay “kapiling nila!)  Mga kapanalig, (ito rin ang sinasabi sa atin, na sa bawat krisis na pinagdadaanan sa paglalakbay ay madali sa atin ang lisanin ang Jerusalem, lugar ng pagdududa at takot; at sa bandang huli ay tumakas papuntang Emmaus, lugar naman ng kawalan ng pag-asa.) Isa lang ang nais ipahiwatig sa atin ni Hesus—hindi niya tayo bibiguin!  Matiyagang uunawain niya ang ating kahinaan at mananatiling kapiling siya upang bigyan tayo ng lakas at pag-asa! Magandang paalala ito sa ating lahat, na may Diyos na matiyagang nakikilakbay sa atin. Amen.

Apr 13, 202404:29
A Thought A Day | April 14, 2024

A Thought A Day | April 14, 2024

A Thought A Day | April 14, 2024

You are listening to the daily gospel reflections with Sr. Cloth, fsp

This podcast is brought to you by the Paulines Multimedia. It is our mission to Bring the WORD of GOD to all peoples, through sounds and images, voices and music. Come and join us as we share “A THOUGHT A DAY”.

#pray #withme #gospel #reflection

#Paulines #DaughtersOfStPaul #GospelPower #aThoughtaDay

For more spiritual nourishment please visit: https://store.paulines.ph/

HELP US MAINTAIN THIS PROGRAM

Send your donations and love offerings to:

G-CASH: 09686313280

METROBANK (Dollar Account)

BRANCH: Skyland Plaza, Makati

ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

ACCOUNT NUMBER: 514-2-51400590-1

SWIFT CODE: MBTCPHMM

METROBANK (Peso Account)

BRANCH: Skyland Plaza, Makati

ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

ACCOUNT NUMBER: 514-3-51430769-6

SWIFT CODE: MBTCPHMM

BDO (BRANCH: Leveriza-Libertad)

ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

ACCOUNT NUMBER: 002620011465

Apr 13, 202405:50
Mabuting Balita l Abril 13, 2024 – Sabado

Mabuting Balita l Abril 13, 2024 – Sabado

Mabuting Balita l Abril 13, 2024 – Sabado

Sa Ika-2 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay

Ebanghelyo:  Jn 6:16-21

Lumusong ang mga alagad ni Hesus sa aplaya. At pagkasakay sa bangka ay nagpunta sa kabilang ibayo ng lawa tungo sa Capernaum. Dumilim na at wala pa si Hesus: at nagising ang lawa dahil sa malakas ang ihip ng hangin. Pagkasagwan nila nang may lima o anim na kilometro, nakita nila si Hesus na naglalakad sa lawa at palapit sa bangka. Nasindak sila. Ngunit sinabi naman niya sa kanila: “Ako siya; huwag kayong matakot.” Kaya gusto nila siyang isakay sa bangka, ngunit ang bangka ay bigla nang nasa pampang na patutunguhan nila.

Pagninilay:

Mula sa panulat ni Sr. Rose Agtarap ng Daughters of St. Paul ang pagninilay na ibabahagi ko sa inyo.  Kapag natatakot ka at hindi mo malaman kung ano ang gagawin, ano ang ginagawa mo? Nagtatago ka ba sa isang sulok at nagtatalukbong ng kumot? Nagpapanggap ka bang matapang at hinaharap anuman ang kinatatakutan? O tumatakbo ka ba kay Hesus upang humingi ng saklolo?  Sa ebanghelyo ngayon, naglalayag ang mga alagad, nang lumakas ang hangin at lumaki ang mga alon. Madilim na, at nakita nilang papalapit si Hesus na lumalakad sa ibabaw ng tubig. Natakot sila. Pero sinabi ni Hesus: “Huwag kayong matakot; Ako ito!”  Natural na matakot tayo sa mga bagay na hindi natin kontrolado. Kapag nagkasakit ka ng malubha tulad ng cancer. Kapag nawalan ka ng trabaho, at ang dami mo pang mga bayarin. Kapag nagkakagulo at may sigalot sa pamilya. Kapag bigla ka na lamang tinalikuran ng kaibigan, kasintahan, o asawa, nang di mo nalalaman ang dahilan. O kapag may peste sa bukid, may bagyo’t baha, el Niño at iba pang mga kalamidad.  Kapanalig, anuman ang iyong kalagayan, tandaan ang sinabi ni Hesus, “Ako ito; huwag kang matakot." Kung nakalakad si Hesus sa tubig sa gitna ng isang bagyo, makakasama mo rin siya sa gitna ng mga napakabigat mong mga problema. Walang imposible sa Diyos na nagmamahal sa iyo. Pero hindi ito nangangahulugan na palaging babaguhin ni Hesus ang iyong kalagayan. Ibig sabihin lang, na kapag nakita mo si Hesus sa iyong bagyo, papalitan ng pananampalataya ang takot, at magkakaroon ka ng kapayapaan.

Manalangin tayo: Panginoon, makita ka nawa namin sa gitna ng mga unos ng buhay, at bigyan mo kami ng lakas ng loob na magtiwala at sumunod sa iyong paggabay. Amen.

Apr 12, 202404:04
A Thought A Day | April 13, 2024

A Thought A Day | April 13, 2024

A Thought A Day | April 13, 2024

You are listening to the daily gospel reflections with Sr. Cloth, fsp

This podcast is brought to you by the Paulines Multimedia. It is our mission to Bring the WORD of GOD to all peoples, through sounds and images, voices and music. Come and join us as we share “A THOUGHT A DAY”.

#pray #withme #gospel #reflection

#Paulines #DaughtersOfStPaul #GospelPower #aThoughtaDay

For more spiritual nourishment please visit: https://store.paulines.ph/

HELP US MAINTAIN THIS PROGRAM

Send your donations and love offerings to:

G-CASH: 09686313280

METROBANK (Dollar Account)

BRANCH: Skyland Plaza, Makati

ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

ACCOUNT NUMBER: 514-2-51400590-1

SWIFT CODE: MBTCPHMM

METROBANK (Peso Account)

BRANCH: Skyland Plaza, Makati

ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

ACCOUNT NUMBER: 514-3-51430769-6

SWIFT CODE: MBTCPHMM

BDO (BRANCH: Leveriza-Libertad)

ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

ACCOUNT NUMBER: 002620011465

Apr 12, 202405:03
Mabuting Balita l Abril 12, 2024 - Biyernes

Mabuting Balita l Abril 12, 2024 - Biyernes

Mabuting Balita l Abril 12, 2024 - Biyernes Sa Ika-2 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay 

Ebanghelyo:  Jn 6:1-15 Nagpunta si Hesus sa iba pang aplaya ng lawa ng Galilea sa may Tiberias. Sinusundan siya ng maraming tao sapagkat nasaksihan nila ang mga tandang ginawa niya sa mga maysakit. Umahon si Hesus sa bundok at naupo siya roon kasama ang kanyang mga alagad niya; malapit na ang Paskuwa na piyesta ng mga Judio. Kaya pagkatingala ni Hesus, nakita niyang marami ang taong pumupunta sa kanya, at sinabi niya kay Felipe: “Saan kayo makabibili ng tinapay upang makakain ang mga ito? Sinabi niya ito bilang pagsubok sa kanya, sapagkat alam na niya kung ano ang gagawin nito. Sumagot sa kanya si Felipe: “Dalawandaang denaryong tinapay ay hindi sapat sa kanila upang makatanggap ng tigkakaunti ang bawat isa.” At sinabi naman sa kanya ng isa sa mga alagad na si Andres na kapatid ni Simon Pedro: “May bata rito na may limang tinapay na sebada at dalawang isda. Ano ito para sa pagkarami-raming tao?” Kaya sinabi ni Hesus: “Paupuin ninyo ang mga tao.” Kaya nag-upuan sila; halos limanlibong katao. Kaya kumuha ng mga tinapay si Hesus at nagpasalamat, at ipinabigay sa mga nakaupo. Gayundin ang ginawa niya sa mga isda, gaano man ang gustuhin nila. Nang mabusog na sila, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Tipunin n’yo ang mga natirang piraso upang walang masayang.” Kaya tinipon nila ang mga tira at labindalawang basket ang napuno ng mga pira-piraso mula sa limang tinapay na sebada. Nang makita ng mga tao ang tandang ginawa ni Hesus, sinabi nila: “Ito ngang talaga ang Propeta na hinihintay na dumating sa mundo.” At alam ni Hesus na siguradong darating sila upang kunin siya at gawing hari; kaya muli siyang umalis, at mag-isang nagpunta sa bulubundukin.

Pagninilay:

Isinulat ni Fr. Mikhael Sandoval ng Archdiocese ng Lipa ang pagninilay sa ebanghelyo.  Tayong lahat ay makakapagpatunay na may himala kapag tayo ay tumatanggap ng pagpapala. Mangyayari ang himala, kapag nagsama ang Kanyang Pagpapala at ang ating pagtitiwala. Kaya nga ang paanyaya ng Mabuting Balita, hindi na mahalaga na tayo ang makilala, kundi ang Diyos dapat ang makilala. Ibinibigay niyang halimbawa sa Mabuting Balita ang isang bata, na may dalang tinapay at isda na pinakain sa madla. Kaya hindi natin pwedeng sabihing tayo ay walang-wala, dahil sa simula’t simula pa, nag-uumapaw na ang kanyang biyaya at pagpapala. Gayundin naman, hindi rin dapat natin binabale-wala ang kakayanang sa atin ay ipinagkatiwala. Kaya pagsumikapan nating pagyamanin ito, at manalig na lahat ay makakatanggap ng gantimpala mula sa Diyos na Dakila, kung bawat isa ay makikita ang Kaligtasang dala ng Kanyang Muling Pagkabuhay. Isang napakagandang Biyaya at Pagpapala na sa kanya lagi magtitiwala.

Apr 11, 202404:18
A Thought A Day | April 12, 2024

A Thought A Day | April 12, 2024

A Thought A Day | April 12, 2024

You are listening to the daily gospel reflections with Sr. Cloth, fsp

This podcast is brought to you by the Paulines Multimedia. It is our mission to Bring the WORD of GOD to all peoples, through sounds and images, voices and music. Come and join us as we share “A THOUGHT A DAY”.

#pray #withme #gospel #reflection

#Paulines #DaughtersOfStPaul #GospelPower #aThoughtaDay

For more spiritual nourishment please visit: https://store.paulines.ph/

HELP US MAINTAIN THIS PROGRAM

Send your donations and love offerings to:

G-CASH: 09686313280

METROBANK (Dollar Account)

BRANCH: Skyland Plaza, Makati

ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

ACCOUNT NUMBER: 514-2-51400590-1

SWIFT CODE: MBTCPHMM

METROBANK (Peso Account)

BRANCH: Skyland Plaza, Makati

ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

ACCOUNT NUMBER: 514-3-51430769-6

SWIFT CODE: MBTCPHMM

BDO (BRANCH: Leveriza-Libertad)

ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

ACCOUNT NUMBER: 002620011465

Apr 11, 202406:25
Mabuting Balita l Abril 11, 2024 - Huwebes

Mabuting Balita l Abril 11, 2024 - Huwebes

Mabuting Balita l Abril 11, 2024 - Huwebes

Sa Ika-2 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay     

Ebanghelyo: Jn 3:31-36     

Sinabi ni Hesus kay Nicodemo: “Nakahihigit sa lahat ang pumaparito mula sa itaas. Makalupa naman ang mula sa lupa, at makalupa rin ang usap niya. Nakahihigit sa lahat ang pumaparito mula sa Langit. Pinatotohanan niya ang kanyang nakita at narinig ngunit wala ngang tumatanggap sa kanyang patotoo. Pinagtitibay naman ng tumanggap sa patotoo niya na totoo mismo ang Diyos. Binibigkas nga ng sinugo ng Diyos ang mga Salita ng Diyos, sapagkat walang sukat na binibigyan siya ng Diyos at ng Espiritu. Mahal nga ng Ama ang Anak, at ipinagkatiwala ang tanang mga bagay sa kanya. May Buhay magpakailanman ang naniniwala sa Anak. Ang hindi naman sumusunod sa Anak ay hindi makakakita sa buhay, kundi ang galit ng Diyos ang sasakanya.”

Pagninilay:

Sa halos dalawang buwan ko pong pagkaka-assign, na mag-assist sa mga pasyente sa hospital, na-realize ko ang karupukan ng buhay. Habang nag-miminister po kami sa mga maysakit, at nasa banig na ng kamatayan, makikita’t mararamdaman mo ang takot, kaba, minsan payapang disposisyon ng maysakit. Iba-iba man, pero masasabi mong hiram nga lang naman talaga ang buhay. Ang kaganapan ng buhay ay wala sa haba, kayamanang nakamkam, lupaing inutang, sasakyang ni-loan, tayog ng napag-aralan, o kahit na mga parangal, kasikatan, impluwensyang ating nakamit. Lahat nagiging pantay-pantay sa harap ng kamatayan. 

Mga kapanalig, sa ating Mabuting Balita, ito rin ang itinuturo sa atin ni Hesus. Kung ang pag-unawa natin sa buhay ay mula sa perspektibo ng mundo—edi makamundong buhay ang ating konsepto. Pero, kung ang pag-unawa natin sa buhay ay mula sa perspektibo ni Hesus—gagawin natin ang lahat upang maging makabuluhan ang bawat sandali nito. 

Mga kapanalig, sinasabi ng liturhiya sa atin sa tuwing may misa ng patay, ang ganda po noon sa prepasyo…” Indeed for your faithful, Lord, life is changed not ended, and, when this earthly dwelling turns to dust, an eternal dwelling is made ready for them in heaven.” Sana po huwag na nating hintayin ang kamatayan, bago pa tayo magpasyang magpakabuti. Ngayon, simulan na natin ang ating mabuting pamumuhay, upang masalamin natin ang pangakong buhay ni Hesus sa langit. Gawing langit ang mundo.

Apr 10, 202404:19
A Thought A Day | April 11, 2024

A Thought A Day | April 11, 2024

A Thought A Day | April 11, 2024

You are listening to the daily gospel reflections with Sr. Cloth, fsp

This podcast is brought to you by the Paulines Multimedia. It is our mission to Bring the WORD of GOD to all peoples, through sounds and images, voices and music. Come and join us as we share “A THOUGHT A DAY”.

#pray #withme #gospel #reflection

#Paulines #DaughtersOfStPaul #GospelPower #aThoughtaDay

For more spiritual nourishment please visit: https://store.paulines.ph/

HELP US MAINTAIN THIS PROGRAM

Send your donations and love offerings to:

G-CASH: 09686313280

METROBANK (Dollar Account)

BRANCH: Skyland Plaza, Makati

ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

ACCOUNT NUMBER: 514-2-51400590-1

SWIFT CODE: MBTCPHMM

METROBANK (Peso Account)

BRANCH: Skyland Plaza, Makati

ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

ACCOUNT NUMBER: 514-3-51430769-6

SWIFT CODE: MBTCPHMM

BDO (BRANCH: Leveriza-Libertad)

ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

ACCOUNT NUMBER: 002620011465

Apr 10, 202405:26
Mabuting Balita l Abril 10, 2024 – Miyerkules

Mabuting Balita l Abril 10, 2024 – Miyerkules

Mabuting Balita l Abril 10, 2024 – Miyerkules

Sa Ika-2 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay

Ebanghelyo: Jn 3:16-21

Sinabi ni Hesus kay Nicodemo: “Ganito nga kamahal ng Diyos ang mundo! Kaya’t ibinigay niya ang kanyang bugtong na Anak upang hindi na mawala ang naniwala sa kanya; magkaroon nga siya ng buhay na walang hanggan. “Hindi nga sinugo ng Diyos sa mundo ang Anak upang hukuman ang mundo, kundi upang maligtas ang mundo sa pamamagitan niya. Hindi hinahatulan ang naniniwala sa kanya. Ngunit hinatulan na ang hindi naniniwala, sapagkat hindi siya naniniwala sa Ngalan ng bugtong na Anak ng Diyos. “Ito ang hahatulan: dumating sa mundo ang liwanag subalit higit pang minamahal ng tao ang karimlan kaysa liwanag, sapagkat masasama ang kanilang gawa. Napopoot nga sa liwanag ang nabubuhay nang masama at hindi lumalapit sa liwanag at baka mahayag ang kanyang mga gawa. Sa liwanag naman lumalapit ang gumagawa ng katotohanan upang mahayag na sa Diyos ginagawa ang kanyang mga gawa.”

Pagninilay

Isinulat ni Sr. Edith Ledda ng Daughters of St. Paul ang pagninilay sa ebanghelyo.  Ang ating Mabuting Balita ngayon ay naglalarawan ng dakilang pagmamahal ng Diyos Ama sa buong sangkatauhan.  Ibinigay Niya ang Kanyang bugtong na Anak, upang ang sinumang sumampalataya ay hindi mahatulan, kundi sa pamamagitan Nya ay maligtas ang daigdig. Mga kapanalig, ang pananampalataya ay isang regalo sa ating lahat. At kalakip ng regalong ito, ang handog na kalayaan.  Malaya tayong yakapin o balewalain ang pananampalatayang handog sa atin ng Diyos. Sa pagbibigay sa atin ng bugtong na Anak ng Diyos, binigyan tayo ng liwanag.  Pero ang nakakalungkot, marami sa atin ang piniling manatili sa dilim at nahulog sa kasalanan. Sabi nga ni Mahatma Gandhi, Darkness cannot drive out darkness: only light can do that. Kung sa pang araw- araw nating buhay ang init ng ulo ang pinaiiral natin, hindi ito makalulutas ng isa pang mainit ang ulo. Sa buhay may- asawa halimbawa, kung si misis ay galit na galit, harinawang si mister ay maging mahinahon, at hindi papatulan ang galit ni misis. Pansinin natin, na kadalasan ang kasamaan o karahasan, ay nangyayari sa gabi, kung saan laganap ang dilim, at hirap tayong makakita sa dilim.  Sa pagkakataong ito, kailangan natin ang matibay na determinasyon na piliin ang liwanag at manatili sa liwanag. Ayon pa kay Martin Luther King “In the midst of darkness, light persists. Sa bawat kadiliman, may munting liwanag tayong mababanaagan.

Manalangin tayo:  Panginoon, bigyan Mo nawa kaming lagi ng lakas ng loob, na piliing tahakin ang landas ng liwanag. Ang Iyong salita ay tiyak na gagabay sa amin, upang manatili sa liwanag. Maging matatag nawa kami sa pagharap ng maraming tuksong dumarating sa aming buhay. Amen.

Apr 09, 202404:42
A Thought A Day | April 10, 2024

A Thought A Day | April 10, 2024

A Thought A Day | April 10, 2024

You are listening to the daily gospel reflections with Sr. Cloth, fsp

This podcast is brought to you by the Paulines Multimedia. It is our mission to Bring the WORD of GOD to all peoples, through sounds and images, voices and music. Come and join us as we share “A THOUGHT A DAY”.

#pray #withme #gospel #reflection

#Paulines #DaughtersOfStPaul #GospelPower #aThoughtaDay

For more spiritual nourishment please visit: https://store.paulines.ph/

HELP US MAINTAIN THIS PROGRAM

Send your donations and love offerings to:

G-CASH: 09686313280

METROBANK (Dollar Account)

BRANCH: Skyland Plaza, Makati

ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

ACCOUNT NUMBER: 514-2-51400590-1

SWIFT CODE: MBTCPHMM

METROBANK (Peso Account)

BRANCH: Skyland Plaza, Makati

ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

ACCOUNT NUMBER: 514-3-51430769-6

SWIFT CODE: MBTCPHMM

BDO (BRANCH: Leveriza-Libertad)

ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

ACCOUNT NUMBER: 002620011465

Apr 09, 202404:47