Skip to main content
Buhay at Hanapbuhay

Buhay at Hanapbuhay

By PhilJobNet

This podcast talks about the working class Filipino and provides career tips for personal advancement.
Available on
Apple Podcasts Logo
Castbox Logo
Google Podcasts Logo
RadioPublic Logo
Spotify Logo
Currently playing episode

Episode 73 | Mga maaring gawin upang mabawasan ang labis na 'Stress' sa Trabaho

Buhay at HanapbuhayNov 09, 2018

00:00
12:41
Episode 82 | Tatlong paraan upang umangat ang Estado sa Trabaho

Episode 82 | Tatlong paraan upang umangat ang Estado sa Trabaho

Ang iyong pag-angat sa estado ng pamumuhay ay hindi lamang inaasa sa swerte. Kinakailangan na mayroon kang ginagawang mga hakbang upang marating ang mas mataas na kalagayan sa iyong hanapbuhay.

Tingnan din kung ano ano ba ang mga kakayahan na kinakailangan
upang maging isang epektibong 'Copywriter'. Suriin natin ang iba't ibang kakayahan na kailangan paghandaan sa trabahong ito.

Quote for the Week:

"Books are uniquely portable magic."

Talakayin natin ang mga ito sa episode na ito:

00:36 Tatlong paraan upang umangat ang estado sa Trabaho
03:41 Mga Tips para sa gusto maging Copywriter
07:25 Quote for the Week (Stephen King)
Nov 09, 201808:14
Episode 81 | Maayos na pakikipag-usap sa mga Katrabaho

Episode 81 | Maayos na pakikipag-usap sa mga Katrabaho

Ang pakikipag-usap sa mga kasama sa trabaho at mga kliyente ang
isa sa pinakamahalagang bagay na hindi naituturo sa atin sa iskwelehan. Sapat na nga ba ang iyong kaalaman upang masabing maayos ang iyong pakikitungo sa mga katrabaho at mga kliyente ninyo?

Ano nga ba ang trabaho ng isang Copywriter? Kung bago sa iyongpandinig ang trabahong ito, pakinggan ito upang malaman kung ano nga ba ang trabahong ito at kung bagay ba ito sa'yo.

Ngayong Linggo, samahan niyo kami sa pagtalakay ng mga ito:

Quote for the Week-

"You can't have a million dollar dream with a minimum wage work ethic."

00:28 Maayos na pakikipag-usap sa Katrabaho
03:07 Para sa mga gusto maging Copywriter
07:03 Quote for the Week (Stephen Hogan)
Nov 09, 201807:45
Episode 80 | Mga hakbang upang makasigurado sa paghahanap ng Trabaho

Episode 80 | Mga hakbang upang makasigurado sa paghahanap ng Trabaho

Hindi nagiging madali para sa ibang nakapagtapos ng pag-aaral ang paghahanap ng trabaho. May mga hakbang na dapat ginagawa upang maging mainam ang paghahanap ng trabaho.

Sa ating ikalawang bahagi ng panayam sa isang Arkitekto, ibabahagi na niya ang mga katangian na kinakailangan upang maging matagumpay sa pag-aaral nito.

Quote for the Week:

"The speed of the boss is the speed of the team."

00:42 Mga hakbang upang makasigurado sa paghahanap ng Trabaho
05:51 Ikalawang bahagi ng panayam sa isang Arkitekto
16:02 Quote for the Week (Lea Iacocca)
Nov 09, 201816:58
Episode 79 | Bakit kailangan ng Kusang-loob sa Trabaho

Episode 79 | Bakit kailangan ng Kusang-loob sa Trabaho

Ang pagkakaron ng kusang-loob sa ating trabaho ay laging magbubunga ng magandang bagay sa ating 'career'. Suriin natin kung bakit nga ba kailangan magkaroon nito lagi upang maging matagumpay tayo.

Atin ng makakapanayam ang isang batang Arkitekto at kanyang ibabahagi sa atin kung ano ang kanyang pinagdaanan at kung ano ano ang mga 'skills' at kaalaman na kinakailangan upang maging katulad nila.

Quote for the Week:
"Take risks in your life. If you win, you may lead. If you lose, you may guide."

Samahan niyo kami sa episode na ito:

00:51 Bakit mo kailangan ng 'Initiative' o Kusang-loob sa trabaho
08:04 Panayam sa isang ganap na Architect
15:44 Quote for the Week (Swami Vivekananda)
Nov 09, 201816:28
Episode 78 | Mga Dahilan kung bakit lumilipat ng trabaho

Episode 78 | Mga Dahilan kung bakit lumilipat ng trabaho

Hindi na bago ang makarinig tayo ng mga dating kasama sa trabaho na umalis bigla sa di malamang kadahilanan. Bakit nga ba umaalis ang mga tao sa kanilang mga trabaho?

Siyasatin din natin ang mga magagandang dahilan kung bakit maigi ang propesyon ng pagiging Arkitekto.

Quote for the Week:
"Every line you draw, think of the beneficiaries and sufferers."

Ito ang nilalaman ng episode na ito:

00:40 Mga Dahilan kung bakit lumilipat ng trabaho ang mga Empleyado
05:29 Dahilan kung bakit mainam ang pagiging Arkitekto
08:30 Quote for the Week (Felino Palafox Jr.)
Nov 09, 201809:18
Episode 76 | Power Words para sa iyong Resume

Episode 76 | Power Words para sa iyong Resume

Balikan natin ang ating mga resume at suriin natin kung tayo ba gumamit ng power words. Alamin kung ano ano ang maaring gamitin upang mapaganda at mapabilis ang paghahanap ng trabaho.

Sa ikalawang bahagi ng ating panayam sa isang Chief Mechanic, ibabahagi niya ang mahahalagang kaalaman sa pagsisimula bilang mekaniko, limitasyon at iba pang mahahalagang dapat gawin upang tumagal sa ganitong uri ng trabaho.

Quote for the Week:

"There's no twilight zone of honesty in business. A thing is right or wrong. It's black or white."

00:33 'Power Words' para sa iyong Resume
03:12 Ikalawang Bahagi ng ating Panayam sa isang Chief Mechanic
11:05 Quote for the Week (John Francis Dodge)
Nov 09, 201811:60
Episode 75 | Gusto mo ba mag-aral online ng LIBRE?

Episode 75 | Gusto mo ba mag-aral online ng LIBRE?

Libreng pag-aaral para sa dagdag kaalaman at 'skills' hatid sa inyo ng TESDA. Tingnan kung ano ano ang mga maari ninyong kunin
na mga libreng kurso.

Nakapanayam na din natin ang isang Chief Mechanic upang maibahagi niya ang kanyang kwento. Pakinggan natin kung paano siya nagsimula at kung ano ang kanyang payo sa mga nais din ng ganitong trabaho.

Quote for the Week:

"When you stop working. You start to die."

01:01 Para sa mga gusto mag-aral online ng LIBRE
06:53 Panayam sa isang Chief Mechanic
12:21 Quote for the Week (Ferucio Lamborghini)
Nov 09, 201813:12
Episode 74 | Empowering your Employees to embrace Change in the Workplace

Episode 74 | Empowering your Employees to embrace Change in the Workplace

Kapag nagkaroon ng nalalapit na pagbabago o bagong proyektosa opisina, kadalasan ay nahihirapan ang mga kompanya isulong ito. Maaring ang kadahilanan ay dahil na rin mismo sa mga empleyadong ayaw tumanggap nito.

Pag-usapan naman natin ang mga bagay na dapat ginagawa ng mga Mekaniko. Suriin mo mabuti kung nais mong pumasok sa larangang ito.

Quote for the Week:

"The major key for a better future is You."

00:44 Empowering your Employees to embrace Change in the Workplace
05:19 Ano ano ba ang dapat na ginagawa ng mga Mekaniko?
07:57 Quote for the Week (Jim Rohn)
Nov 09, 201808:38
Episode 73 | Mga maaring gawin upang mabawasan ang labis na 'Stress' sa Trabaho

Episode 73 | Mga maaring gawin upang mabawasan ang labis na 'Stress' sa Trabaho

Normal ang 'stress' sa trabaho. Ngunit ang dapat iwasan ay ang labis na 'stress' lalo na kung ito ay hahantong sa ikasasama ng iyong kalusugan at kalagayan sa buhay.

Suriin natin kung paano nga ba maging isang Mekaniko. Makakapanayam natin sa mga susunod na episode ang isang Chief Mechanic upang makapag bigay ng gabay kung paano maging matagumpay sa larangan na ito.

Quote for the Week:

"The challenge is not to manage time, but to manage ourselves."

Pag-uusapan natin ang mga ito:

00:57 Mga maaring gawin upang mabawasan ang labis na 'Stress' sa Trabaho
07:43 Mga unang hakbang sa pagiging Mekaniko
11:56 Quote for the Week (Steven Covey)
Nov 09, 201812:41
Episode 72 | Paano tigilan ang paninisi sa sarili upang umunlad sa Trabaho

Episode 72 | Paano tigilan ang paninisi sa sarili upang umunlad sa Trabaho

Ang unang hakbang sa pag-unlad sa trabaho ay ang pagtanggap sa sarili bilang isang tao na nangangailangan din ng tulong. Kung sa pagkakataon na ikaw ay nagkamali sa trabaho, hindi dapat panghinaan ng loob upang mas pagbutihin pa ang pagtatrabaho.

Sa ikalawang bahagi ng ating panayam sa isang Graphic Artist, ibabahagi niya ang mga magandang panimulang skills na kailangan mong paghandaan upang maging isang ganap na digital artist.

Quote for the Week:

"If you get give. If you learn, teach."

Talakayin natin ang mga sumusunod na mga bagay ngayon:

00:59 Paano tigilan ang paninisi sa sarili upang umunlad sa Trabaho
03:43 Huling bahagi ng ating Panayam sa isang Graphic Artist
12:08 Quote for the Week (Maya Angelou)
Nov 09, 201812:37
Episode 71 | Mga Paraan upang makabenta

Episode 71 | Mga Paraan upang makabenta

Madalas kapag nahihirapan tayo makapagbenta ay naiisipan na
kaagad natin magbitiw sa posisyon. Hindi dapat ganito ang disposisyon natin sa pag-iisip. Sa halip na sisihin ang sarili, kailangan ay tingnan pa ng mabuti kung ano ang maari mong pang gawin.

Nakapanayam din natin ang isa na ngayong Graphic Designer na nagmula din sa Jobstart na programa ng gobyerno. Dito, ibabahagi niya kung paano siya nakapagsimula dito at kung bakit din
niyo nagustuhan ang ganitong klaseng trabaho.

Lahat 'yan ay pag-uusapan natin ngayon:

01:03 Mga paraan upang makabenta
04:46 Panayam sa isang Graphic Artist/Designer na nagmula sa Jobstart Program
09:21 Quote for the Week (Salvador Dali)

"Intelligence without ambition is a bird without wings."
Nov 08, 201809:59
Episode 70 | Ano ang gusto mo para sa buhay at hanapbuhay?

Episode 70 | Ano ang gusto mo para sa buhay at hanapbuhay?

Naging tradisyon na sa ibang mga Pilipino ang makinig na lamang sa sinasabi ng mga magulang at kamag-anak kung anong kurso o trabaho ang kanilang dapat kunin kahit hindi naman nila napupusuan ito. Mas maigi ang magiging takbo ng iyong hanapbuhay kung ikaw mismo ang pumili ng iyong trabaho.

Sa ikalawang bahagi ng ating special feature para sa trabahong ' Graphic Designer', alamin natin kung ano ano pa ang mga kinakailangang katangian upang maging matagumpay sa larangan na ito.

"Work like there's someone working 24hours a day to take it all away from you."

Samahan niyo kami sa ating usapan ngayon:

00:48 Ano ang gusto mo para sa buhay mo at hanapbuhay?
05:48 Ang mga kinakailangan ng isang Graphic Designer?
07:21 Quote for the Week (Mark Cuban)
Nov 08, 201808:12
Episode 69 | Para sa mga gusto ng pagbabago sa kasulukuyang Trabaho

Episode 69 | Para sa mga gusto ng pagbabago sa kasulukuyang Trabaho

Hindi tama na lagi na lamang nakokontento sa kalagayan sa trabaho kahit na hirap na hirap ka na. Kaya kung ikaw ay may nais na gawing pagbabago sa iyong kondisyon sa trabaho, siguro panahon na para gawin mo ang mga ito.

Nakilala natin ang mga Graphic Designer dahil sa pag-usbong ng advertising sa internet. Sino nga ba sila at ano ano ang kailangan gawin upang maging isang Graphic Designer din.

Quote for the Week:
"Ako naniniwala ako sa palad natin. Yung paniniwala. At yung ginagawa. Yan ang swerte mo. Pero kung hinihintay mo lang ang swerte na yan. Well, mahirap. I don't believe that na parang lottery. But if you work hard and you earn it, talagang nasa iyo na yan."

Tatalakayin natin ang mga ito:

00:40 Para sa mga gusto ng pagbabago sa kasulukuyang Trabaho
02:06 Para sa nga gusto maging Graphic Designer
05:16 Quote for the Week (Rebecca Bustamante)
Nov 08, 201806:15
Episode 68 | Envelope Banking para sa mga Manggagawa

Episode 68 | Envelope Banking para sa mga Manggagawa

Kahit may trabaho na tayo ay mahirap pa din gawin na makapag ipon dahil napapa gastos na lang tayo bigla. Kaya naman gawin ito basta may disiplina. Subukan niyo ang Envelope Banking.

Sa ikalawa at huling panayam natin sa isang Web Developer ay malalamannatin ang mga tamang hakbang upang lalong gumanda ang takbo ng 'career' kung pipiliin mo ang landas na ito.

Quote for the Week:

"We need diversity of thought in the world to face new challenges."

Ito ang ating mga pag uusapan ngayon:

00:48 Envelope Banking para sa mga Manggagawa
03:42 Ikalawang bahagi ng panayam sa isang Web Developer
15:50 Quote for the Week (Tim Burners Lee)
Nov 08, 201816:31
Episode 67 | Gawin mo ito bago mag simula ng bagong project sa opisina

Episode 67 | Gawin mo ito bago mag simula ng bagong project sa opisina

Tuwing magkakaroon ng bagong project sa opisina ay hindi nawawala ang takot upang masimulan ito. Ano nga ba ang kinakailangan upang mas mapadali ito at makasigurado na hindi natin maiiwanan ang kasulukuyang trabaho?

Nakausap din natin ang isang Web Developer na may mahigit ng 10 years experience at dito ay ibabahagi niya ang kaniyang kaalaman kung paano maging matagumpay sa larangan na ito:

Quote for the Week:
"You don't have to be young to learn technology, you have to feel young."

Ito ang ating mga tatalakayin ngayon:

00:39 Mga Kinakailangan bago simulan ang bagong 'Project' sa Trabaho
02:18 Unang Bahagi ng Panayam sa isang Web Developer
12:43 Quote for the Week (Vint Cerf)
Nov 08, 201813:33
Episode 66 | Tatlong Bagay na maaring gawin kapag may Job Opportunity

Episode 66 | Tatlong Bagay na maaring gawin kapag may Job Opportunity

Dapat maging positibo lagi kapag may dumarating na Job Opportunity. Huwag hayaan na pangunahan ng takot upang hindi masayang ang oportunidad. Narito ang mga gabay upang maging handa ka sa susunod na dumating ulit ang isang opportunity para sa'yo.

Pagkatapos natin pag usapan ang responsibildad ng mga Front End Developers, tingnan naman natin kung ano ano ang mga responsibilidad
ng isang Back End Developer. Hindi na bago sa atin lahat ang kahalagahan ng websites kaya naman lalong nagiging mahalaga ang pagkakaron ng ganitong uri ng mga eksperto.

"Success is no accident. It is hard work, perseverance, learning, studying, sacrifice and most of all, love of what you are doing or learning to do."

Lahat ng ito ay ating pag-uusapan ngayon:

00:32 Tatlong Bagay na maaring gawin kapag nakakakita ng Job Opportunity
03:09 Mga gawain ng Back End Developer
05:14 Quote for the Week (Pele)
Nov 08, 201806:23
Episode 65 | Para sa mga gusto maging HTML Developer

Episode 65 | Para sa mga gusto maging HTML Developer

Ang pagiging matagumpay sa kahit anong larangan ng trabaho ay nangangailangan ng maayos na experience. Makakakuha ka din nito sa mabilis na pamamaraan sa pamamagitan ng pangongopya ng mga tamang modelo.

Sa larangan naman ng IT, tingnan natin ang isa sa pinaka mahalagang aspeto ng trabaho nila- ang mga Web Developer. Alamin natin kung ano ano nga ba ang mga tungkulin at kung paano din nga ba masasabing handa ka na maging isang katulad nila.

"There's no such thing as overnight success or easy money. If you fail, do not be discouraged; try again. When you do well, do not change your ways."

00:52 Bakit maganda ang pangongopya pagdating sa pagtatrabaho
03:02 Para sa mga gusto maging HTML developer
08:22 Quote for the Week (Henry Sy)

#BuhayatHanapbuhay
#PhilJobNet
Nov 08, 201809:10
Episode 64 | Payo para sa mga nagtratrabaho bilang Merchandisers

Episode 64 | Payo para sa mga nagtratrabaho bilang Merchandisers

Hindi na bago sa atin ang mga Merchandisers. Kalimitan natin silang nakakausap bago tayo bumili ng mga damit at gamit. Kung ikaw ay nagtratrabaho bilang isang Merchandiser, pakinggan ang ating mahahalagang paalala upang mas mapabuti pa ang iyong pagsasagawa ng trabahong ito.

Sa ikalawang bahagi ng ating panayam kay Chef Joseph ay ibabahagi na niya ang mahahalagang kaugalian at katangian na dapat sikapin magkaroon upang maging isang ganap na Chef.

Quote for the Week:
"I've had a lot of success. I've had failures. So I learned from the failures."

Ito ang nilalaman ng ating episode na ito:

00:42 Payo para sa mga merchandisers
06:03 Panayam sa isang Chef (Part II)
18:06 Quote for the week (Gordon Ramsey)
Nov 08, 201818:53
Episode 63 | Apat na hakbang upang umangat sa Trabaho

Episode 63 | Apat na hakbang upang umangat sa Trabaho

Ang pag angat sa trabaho ay hindi lamang inaasa sa tadhana. Ito ay pinag hahandaan at pinagsisikapan ng kahit sino man. May mga hakbang na dapat sundan kung gusto mo din tumaas ang antas ng uri ng iyong trabaho at responsibilidad.

Sa ating panayam sa isang ganap na Chef ay mapapakinggan natin ang unang bahagi ng kaniyang mga payo kung nais mo din maging isang culinar Chef balang araw.

Quote for the Week-
"It is our duty to give meaning to the life of future generations by sharing our knowledge and experience; by teaching an appreciation of work well done and a respect for nature, the source of all life; by encouraging the young to venture off the beaten path and avoid complacency by challenging their emotions."

Ito ang nilalaman ng ating episode ngayon:
00:42 Apat na hakbang upang umangat sa Trabaho
03:08 Panayam sa isang Chef
12:09 Quote for the Week (Paul Bocuse)

#BuhayatHanapbuhay
#PhilJobNet
Nov 08, 201813:26
Episode 62 | Telephone Skills that Employees should have

Episode 62 | Telephone Skills that Employees should have

Kahit hindi kasama sa 'job description' ang pagsagot ng telepono sa opisina, kailangan alam natin ang tamang pamamaraan sa pagsagot nito. Nakakalimutan ng iba ang kahalagahan nito. Tingnan natin kung ano ano nga ba ang mga tamang pamamaraan sa pagsagot ng telepono sa opisina.

Pakinggan din natin ang mga katangian na mayroon dapat ang isang culinary Chef. Maaring wala ka pa nito pero natututunan din naman ang karamihan na mga ito.

Quote for the Week-
"The future is coming so fast. We can't possibly predict it. We can only learn to respond quickly. "

Ito ang nilalaman ng ating episode ngayon:
01:01 Telephone Skills that Employees should have
04:37 Mga Katangian ng Isang Chef
07:22 Quote for the Week (Steve Kerr)
Nov 05, 201808:05
Episode 61 | Paano ba maging Culinar Chef?

Episode 61 | Paano ba maging Culinar Chef?

Ang isang kumpanya ay hindi magtagtagal kung wala itong Recruiter na patuloy na maghahanap ng empleyado upang maipagpatuloy ang operasyon nito. Alamin natin kung ano ano pa ba ang naitutulong ng magagaling na mga Recruiter.

Mahilig ka ba magluto ng pagkain at naisip mo din na maging isang Chef? Sa unang bahagi ng ating episodes tungkol sa pagiging Chef, tingnan muna natin unang hakbang kung paano makakapagsimula sa larangan na ito.

Quote for the Week (David Beckham)

"Don't be like most people. Most people give up on their dreams.
To most people losing is acceptable."

Ito ang nilalaman ng ating episode ngayon:

00:38 Ano ang mga pwedeng magawa ng isang magaling na Recruiter?
03:01 Paano nga ba maging Culinary Chef?
07:47 Quote for the Week (David Beckham)
Nov 05, 201808:45
Episode 60 | Mataas na sweldo lang ba ang batayan sa pagpili ng trabaho

Episode 60 | Mataas na sweldo lang ba ang batayan sa pagpili ng trabaho

Napapaisip ka ba lumipat ng trabaho? May mga karagdagang kadahilanan na dapat tingnan kung ikaw lilipat ng trabaho. Higit sa sweldo, may lima pang mga bagay na dapat tinitingnan upang masabi nating tama ang ating desisyon kunin ang trabahong ito.

Sa huling bahagi ng ating panayam sa isang Recruiter ay malalaman natin kung ano ano nga ba ang mga bagay na kinakailangan upang maging Recruiter. Kailangan ba na maging isang Liberal Arts graduate? Ano ano din nga ba ang mga kinakailangang soft at hard skills ng isang Recruiter?

Quote for the Week:
"Just don't give up trying to do what you really want to do. Where there is love and inspiration, I don't think you can go wrong."

Ito ang nilalaman ng Episode 60:

00:37 Mataas na sweldo lang ba ang batayan sa pagpili ng trabaho?
04:49 Ikalawang bahagi ng Panayam sa isang Recruiter
19:17 Quote for the Week (Ella Fitzgerald)
Nov 05, 201820:10
Episode 59 | Mga paalala sa mga gustong lumipat ng Trabaho

Episode 59 | Mga paalala sa mga gustong lumipat ng Trabaho

Dumadating tayo lahat sa punto na kailangan ng lumipat ng trabaho. Nguni't bago ka tuluyang umalis sa iyong kasulukuyang trabaho, balikan mo muna ang ilang mahalagang paalalang ito.

Sa unang bahagi ng ating Panayam sa isang Recruiter, malalaman natin kung paano sila nakapag simula sa trabahong ito at kung ano ano ba ang mga karaniwang trabaho na kanilang ginagawa.

"Don't be afraid to give up the good, for the great." - J.D. Rockefeller

Ito ang mga nilalaman ng episode ngayon:

00:37 Mga paalala sa mga gustong lumipat ng Trabaho
04:01 Unang bahagi ng panayam sa isang Recruiter
22:17 Quote for the Week
Nov 05, 201822:11
Episode 58 | Bakit mahalaga ang Training para sa mga empleyado?

Episode 58 | Bakit mahalaga ang Training para sa mga empleyado?

Sa pagsasagawa ng training para sa mga Empleyado, kinakailangan na maayos at malinaw ang pananaw ng Employers upang mas maging makabuluhan ang pagpapatuloy nito. Alamin kung ano ano ba ang mga mahahalagang bagay na dapat gawin ng isang Employer upang maging epektibo ang kanilang Training programs.

Sa pagpapatuloy ng ating gabay para sa career sa Recruitment, tingnan natin ang mga mga katangian ng isang mahusay na Recruiter.

Ito ang mga nilalaman ng episode ngayon:

00:38 Bakit mahalaga ang training para sa mga empleyado
05:12 Ano ano ang mga katangian ng isang mahusay na Recruiter
11:21 Quote for the Week (Lebron James)
Nov 05, 201811:59
Episode 57 | Paano mapapanatili ang magandang trabaho sa kumpanya

Episode 57 | Paano mapapanatili ang magandang trabaho sa kumpanya

Bilang isang Boss or Employer, hindi madali ang magkaron ng
produktibong opisina na kung saan ay lahat ng Empleyado ay patuloy na ginagawa ang trabaho na higit pa sa kanilang kakayahan. Tingnan natin kung ano ano ba ang gawin upang maibsan ang magandang daloy ng trabaho sa opisina.

Kung nais mong malaman kung maari ka bang maging isang Recruiter, pakinggan ang unang bahagi ng ating special episode na ito na kung saan ay ipapakita natin ang tamang landas upang magkaron ng career sa Recruitment.

Ito ang nilalaman ng ating episode ngayon:

00:40 Paano mapapanatili ang magandang trabaho sa Kumpanya
03:32 Panimulang gabay kung gusto mo maging isang Recruiter
06:54 Quote for the Week (Ralph Waldo Emerson)
Oct 11, 201807:34
Episode 56 | Ang kahalagahan ng Telemarketing sa Negosyo

Episode 56 | Ang kahalagahan ng Telemarketing sa Negosyo

Isa sa pinaka epektibong pamamaraan ng pagbebenta ay ang Telemarketing. Maaring hindi na bago ito pero hindi maikakaila ang pagiging praktikal nito para sa isang kompanya. Kilatisin din natin ang mga magagandang katangian ng isang epektibong Telemarketer.

Sa ikalawang bahagi ng ating panayam sa propesyon ng pagiging isang Social Media Marketer ay malalaman natin kung ano ang kailangan gawin para makapasok at magtagumpay sa ganitong uri ng trabaho.

Pag-usapan natin ang mga ito sa episode ngayon:

00:43 Bakit kailangang kumuha ng Telemarketers sa isang Negosyo
02:43 Ikalawang Bahagi ng Panayam sa isang Social Media Marketer
17:27 Quote for the Week (Drew Gilpin Faust)
Oct 11, 201818:26
Episode 55 | Paano maging isang Customer Service Representative

Episode 55 | Paano maging isang Customer Service Representative

Kung nais mong subukan ang mag trabaho bilang Customer Service Representative, kinakailangan
mo ang tamang ‘skill set’ tulad ng kakayahan sa paglutas ng problema, tamang pakikinig at iba pa.

Sa unang bahagi ng ating panayam sa isang Social Media Marketer ay makakakuha tayo
ng impormasyon kung ano mga ang kaakibat ng propesyon na ito.

Sa episode na ito:

00:48 Paano maging isang Customer Service Representative
02:20 Unang Bahagi ng Panayam sa isang Social Media Marketer
15:13 Quote for the Week (Emma Watson)
Oct 11, 201816:05
Episode 54 | Bakit nga ba mahalaga na ang 21st Century Skills?

Episode 54 | Bakit nga ba mahalaga na ang 21st Century Skills?

Narinig mo na ba ang 21st Century Skills? Sa panahon ngayon, hindi sapat na alam mo lang kung paano gawin ang iyong trabaho. May mga bagay tulad ng tamang pakikisama sa katrabaho at ‘creative thinking’ na kinakailangan upang mas maging maigi ang ating buhay sa opisina.

Alamin naman natin ang pagkakaiba ng Social Media Marketing at Traditional Marketing. Saang aspeto ba nagiging magkaiba ang dalawa upang mas malinawan kayo kung para sa inyo nga ba ito.

Ating pag-usapan ito sa episode ngayon:

00:40 Bakit mahalaga ang 21st Century Skills
04:13 Ano ang kaibahan ng Social Media Marketing at Traditional Marketing
10:20 Quote for the Week (Frederick Douglass)
Oct 11, 201810:56
Episode 53 | Mga Katangian na hanap ng Employers

Episode 53 | Mga Katangian na hanap ng Employers

Higit sa work experience at kakayahan mo, may mga iba pang bagay na tinitingan ang mga Employer tuwing ikaw ay mag aaply sa trabaho. Alamin kung ano ano ang mga ito.

Nais mo bang makapag trabaho bilang Social Media Marketer? Sa itong special segment na ito ay sisimulan natin pag usapan ang mga kakayahan na dapat mong simulan na pag aralan upang makita mo kung maari ka ba sa trabahong ito.

Pag-usapan ang mga ito sa episode ngayon:

00:38 Mga Katangian na hinahanap ng Employers
03:25 Ano ang ilang kailangang ‘skills’ kung gusto mong maging Social Media Marketer
06:10 Quote for the Week (Winston Churchill)
Oct 11, 201806:54
Episode 52 | Paano mapapabilis ang paghahanap ng Trabaho

Episode 52 | Paano mapapabilis ang paghahanap ng Trabaho

Kapag ang paghahanap mo ng trabaho ay natatagalan, mahalagang balikan mo ang mga mahahalagang bagay tulad ng paghahanda sa Interview, isip, pagsasaliksik at iba pa.

Nabigyan din tayo ng pagkakataon makapanayam ang isang Career Coach tungkol sa kanyang propesyon at kung paano nga ba siya napunta sa ganitong larangan ng trabaho.

Lahat ito ay tatalakayin natin sa episode na ito:

00:25 Paano mapapabilis ang paghahanap ng Trabaho
02:53 Panayam sa isang Career Coach
31:15 Quote for the Week (Benjamin Franklin)
Oct 11, 201818:28
Episode 51 | Mga Bagay na hindi mo kailangan ilagay sa iyong Resume

Episode 51 | Mga Bagay na hindi mo kailangan ilagay sa iyong Resume

Kung nakasanayan mo ng maglagay ng picture sa Resume, alam mo ba na hindi naman talaga kailangan nito? Alamin kung ano ano pa ang mga ibang bagay na hindi dapat inilalagay sa iyong Resume.

May nakausap din tayo na isang Call Center agent at ibinahagi niya ang kanyang istorya kung paano nga ba siya nakapagtrabaho sa industriya na ito at kung ano ang bagay na nakakapag patagal sa kanya sa pagtratrabaho dito.Lahat ito sa episode ngayon:00:28 Mga hindi mo kailangan ilagay sa iyong Resume
03:07 Panayam sa isang Call Center Agent
11:29 Quote for the Week (Marcia Wieder)
Oct 11, 201812:24
Episode 50 | Paano nga ba natin madaling matapos ang Trabaho?

Episode 50 | Paano nga ba natin madaling matapos ang Trabaho?

Matapos ang ating trabaho sa opisina. Hindi naman kasi talaga nauubos ang trabaho. Nagpapatong patong pa nga ito kung ating pababayaan. Paano nga ba natin magagamapanan ng mas maayos ang ating responsibilidad sa opisina? Tayo’s nabigyan din ng pagkakataon makapanayam ang isang Sourcing & Testing HR Admin sa isang Manpwer Recruitment Company. Alamin natin kung ano ano nga ba ang kaniyang ginagawa sa trabaho at higit sa lahat ay kung ano ang kanyang pinagdaanan upang makakuha siya ng kanyang unang trabaho. Lahat ito sa episode ngayon: 00:33 Paano ba natin madaling matapos ang Trabaho? 04:50 Panayam sa isang HR Sourcing & Testing Admin 13:46 Quote for the Week (Joseph John Campbell)
Oct 11, 201814:41
Episode 49 | Ano ang iyong kahinaan bilang Empleyado?

Episode 49 | Ano ang iyong kahinaan bilang Empleyado?

Isa sa pinakamahirap sagutin na interview question ang “What is your Weakness as an Employee?” Mapa experienced na jobseeker at baguhan ay minsan ay nagkakamali pa rin sa pagsagot nito. Alamin natin ang tamang paraan sa pagsagot sa interview question na ito. Nabigyan din tayo ng pagkakataon makapanayam ang isang baguhan pa lamang sa larangan ng Sales at Marketing. Ibinihagi niya ang ilang mahahalagang paraan upang mapunta sa larangan na ito at kung ano ano din nga ba ang kanyang mga ginawa upang malaman kung nababagay ba talaga siya sa trabahong ito. Ito ang nilalaman ng ating episode ngayon: 00:38 What is your weakness as an Employee? 04:03 Panayam sa isang Sales & Marketing Assistant 09:08 Quote for the Week (Peter Drucker)
Oct 11, 201809:57
Episode 48 | Bakit kailangan ng kumpyansa sa sarili sa paghahanap ng trabaho

Episode 48 | Bakit kailangan ng kumpyansa sa sarili sa paghahanap ng trabaho

Kung ikaw ay isang jobseeker, hindi maikakaila ang kaba sa tuwing ikaw ay pupunta sa isang opisina para sa isang interview. Ngunit kung ikaw ay may kumpyansa sa sarili, ang takot na maaring hindi talaga nawawala kahit kanino man, ay laging magiging kakampi mo upang maging tagumpay sa paghahanap ng trabaho. Nakausap din natin ang isang bago pa lamang sa larangan ng Sales sa isang manpower company. Dito niya inilahad ang kanyang buhay bilang isang working student at nagbahagi din ng kanyang pananaw kung paano magiging matatag upang malamapasan at makita ang tamang trabaho para sa’yo. Ito ang pag-uusapan natin sa episode ngayon: 00:27 Bakit kailangan ng kumpyansa sa sarili sa paghahanap ng trabaho 02:32 Panayam sa isang Sales & Business Dev. Associate na dating working student 18:31 Quote for the Week (Neil Donald Walsch)
Oct 11, 201818:59
Episode 47 | Tama ba ang sabihin na ok lang kung ‘Kahit Anong Trabaho na lang Po’

Episode 47 | Tama ba ang sabihin na ok lang kung ‘Kahit Anong Trabaho na lang Po’

Marami tayong narinig na mga naghahanap ng trabaho na nagsabing- “Kahit anong trabaho na lang po”. Maganda ang pagiging “willing”
sa pagsubok ng kahit anong trabaho, nguni’t higit na mas makabubuti sa’yo kung buo ang isip kung ano ang trabahong nais mo talagang pasukan.

Sa huli nating panayam sa isang Project Coordinator ng DOLE Bureau of Local Employment, malalaman natin kung ano ano pa nga ba ang mga kailangan upang makapagsimula sa pagtratrabaho sa ganitong klaseng trabaho sa gobyerno at kung paano din tayo makakatagal sa trabahong gusto talaga natin.

Ito ang ating mga tatalakayin ngayon:

00:29 “Kahit Anong Trabaho na lang Po”
03:50 Panayam sa isang Project Coordinator
17:29 Quote for the Week (Thomas Edison)
Oct 11, 201818:13
Episode 46 | Don’t take ‘No’ for an answer when looking for work

Episode 46 | Don’t take ‘No’ for an answer when looking for work

Nagiging matagumpay ang paghahanap ng trabaho sa karamihan dahil sa isang katangian- ang pupusurgi, o ang hindi kaagad pagsuko. Kung hindi ka nakuha sa isang aplikasyon, ay maaring sa susunod ay mag tugma na ang iyong kakayahan sa isang Employer. Siguraduhin mo lamang na alam mo din ang mga bagay na dapat paghandaan sa susunod na aplikasyon.

Nagkaron din tayo ng pagkakataon makausap ang isang IT Consultant at Developer para sa Gobyerno. Ibinahagi niya ang ilang mahahalagang bagay kung gusto mong pasukin ang larangan ng IT Development at Consultancy.

Ito ang ating mga pag-uusapan sa episode na ito:

00:24 Don’t take ‘No’ for an answer when looking for work
02:35 Panayam sa isang IT Consultant ng gobyerno
11:10 Quote for the Week (Vincent Van Gogh)
Oct 11, 201812:04
Episode 45 | Paano sagutin ang interview question ‘Tell me something about yourself’

Episode 45 | Paano sagutin ang interview question ‘Tell me something about yourself’

Bakit nga ba mahirap sagutin para sa iba ang tanong sa interview na “Can you tell me something about yourself?” Nagiging mahirap lamang ito kung hindi malinaw ang ating pananaw kung para saan ang tanong na ito at kung paano natin magagamit ang pagkakataon na ito upang maipakita ang ating kakayahan.

Sa ating ikalawang panayam sa isang Asst. Project Coordinator ng DOLE-BLE for Jobstart program, naibahagi niya
ang kanyang experience bilang isang working student, para saan ang Jobstart program at kung paano ba siya nagtagal
sa kanyang trabaho.

Lahat ‘yan sa episode na ito,

00:38 Paano nga ba sagutin ang tanong sa interview na- “Can you tell me something about yourself?”
03:58 Ikalawang panayam sa isang Asst. Project Coordinator ng DOLE-BLE tungkol sa Jobstart at pagiging working student
09:56 Quote for the Week (Eric Hoffer)
Oct 11, 201816:42
Episode 44 | Iwasan ang mga ito sa iyong Resume

Episode 44 | Iwasan ang mga ito sa iyong Resume

May mga pagkakataon na nakakalimutan natin suriin ng mabuti ang ating resume upang makita ang mga maling detalye. Balikan natin ang mga bagay na hindi dapat inilalagay sa resume.

Nakausap din natin ang isang nagsusumikap na working student na nagtratrabaho bilang food delivery guy at perfume maker upang pangtustos sa kanyang pag-aaral. Pakinggan natin ang kanyang payo tungkol sa pagsisikap sa buhay.

Ito ang nilalaman ng ating episode ngayon:

00:22 Mga dapat iwasan na ilagay sa Resume
03:58 Panayam sa isang food delivery guy na isang working student
09:56 Quote for the Week (Mahatma Gandhi)
Oct 11, 201810:50
Episode 43 | Tatlong Kakayahan na kailangan upang mabilis makahanap ng Trabaho

Episode 43 | Tatlong Kakayahan na kailangan upang mabilis makahanap ng Trabaho

Hindi ‘suwerte’ ang dahilan kaya madaling nakakakuha ng trabaho ang ibang mga tao. Mayroon silang tatlong mga kakayahan na angkop para sa mga pangangailangan ng mga employers. Ano ano nga ba ang mga ito?

Nabigyan din tayo ng pagkakataon malaman kung ang DOLE AMP na programa ng DOLE para tulungan ang mga empleyadong naapektuhan ng K to 12 education system mula sa isa sa kanilang mga empleyadong tumutulong sa pagsulong nito.

‘Yan ang laman ng episode na ito:

00:33 Three (3) Skills that can help you get hired fast
02:51 Panayam sa isang Program Administrative Staff ng Bureau of Local Employment
16:44 Quote for the week (Amelia Earhart)
Oct 11, 201817:40
Episode 42 | Paano pumasa sa 30-second Resume Test

Episode 42 | Paano pumasa sa 30-second Resume Test

Malaki ang kahalagahan ng pagiging simple ng isang resume sa iyong pag-aaply sa trabaho. Dapat itong pumasa sa labing tatlong (30) segundo na pagsubok upang lalong tumaas ang iyong pagkakataon na magpatuloy sa susunod na hakbang sa aplikasyon.

Patuloy ang ating pakikipagpanayam sa ating mga Bureau of Local Employment employees. Nakapanayam naman natin ang isang Project Coordinator na in-charge sa NSRP (National Skills Registration Program) na kung saan ay nakapagbahagi din siya ng mahahalagang payo sa mga estudyanteng malapit ng magtapos at magtrabaho.

Alamin natin lahat ito sa episode na ito:

00:33 Paano pumasa sa 30-second Resume Test
03:43 Panayam sa isa pang BLE Project Coordinator for the National Skills Registration Program
20:25 Quote for the Week (Zig Ziglar)
Oct 11, 201821:04
Episode 41 | Ano ang magandang gawin habang naghihintay ng interview

Episode 41 | Ano ang magandang gawin habang naghihintay ng interview

Pag-usapan natin kung paano magagamit ang oras ng paghihintay mo sa interview upang lalong maging mas handa kapag dumating na ang iyong pagkakataon.

Nakapagbahagi din ang isang Project Coordinator, si Miss Nicole ng Bureau of Local Employment, ng impormasyon tungkol sa kanyang unang trabaho at kung ano ano din ang kaniyang ginagawa upang higit pa niyang mapabuti ang sarili sa trabahong ito.

Lahat ng mga ito ang ating tatalakayin:

00:36 Ano ang magandang gawin habang naghihintay ng interview
02:31 Panayam sa isang Project Coordinator sa Bureau of Local Employment
18:15 Quote for the Week (Anthony Bourdain)
Oct 11, 201819:07
Episode 40 | To do list para sa mga naghahanap ng trabaho

Episode 40 | To do list para sa mga naghahanap ng trabaho

Mas dadali ang paghahanap ng trabaho kung mayroon ka listahan ng mga dapat gawin. Alam mo na din dapat ang tamang proseso upang lalong tumaas ang pagkakataon na matanggap.

Nabigyan tayo ng pagkakataon makausap ang isang Utilities Personnel kung saan naibahagi niya ang kanyang kuwento kung paano siya nakahanap ng trabaho at kung paano ka din maaring manatili sa ganitong trabaho.

Tatalakayin natin ito lahat sa episode na ito:

00:38 To do list para sa mga naghahanap ng trabaho
06:01 Panayam sa isang Utilities Personnel kung paano siya natanggap sa trabaho at kung ano din ang kailangan upang makakuha at manatili sa ganitong trabaho
14:21 Quote for the Week (Alan Cohen)
Oct 09, 201815:02
Episode 39 |

Episode 39 |

Salamat po sa patuloy ninyong pakikinig sa Buhay at Hanapbuhay ngayong 2017! Patuloy pa rin kami na makiki bahagi sa inyong pamumuhay sa darating na taon.

Happy 2018 sa lahat!

Para sa lahat ng episodes - hanapin lang ang #BuhayAtHanapbuhay
Oct 09, 201804:19
Episode 38 | Paano pataasin ang kompyansa sa sarili upang makahanap ng trabaho

Episode 38 | Paano pataasin ang kompyansa sa sarili upang makahanap ng trabaho

Hindi talaga madali makamit ang lakas ng loob sa paggawa ng isang bagay. Kailangan makuha mo ang kompyansa sa sarili bilang unang hakbang sa paghahanap ng trabaho.

Nakausap din namin ang isang matagal ng Company Driver at nakakuha tayo ng ilang mahahalagang bagay na dapat bigyan halaga kung nais mo din tumagal sa ganitong propesyon.

Tatalakayin natin ang mga ito:

00:24 Paano pataasin ang kompyansa upang makahanap ng trabaho
02:54 Panayam sa isang Company Driver
10:59 Quote for the Week (George Lucas)
Oct 09, 201811:50
Episode 37 | Ano ba ang dapat na gamitin na lenggwahe sa Interview, English o Filipino?

Episode 37 | Ano ba ang dapat na gamitin na lenggwahe sa Interview, English o Filipino?

Pagdating ng araw ng interview, siguraduhin na buo ang loob mo at kampante ka na din gumamit ng tamang lenggwahe. Ano nga ba ang dapat gamitin, English o Filipino?

Nabigyan din tayo ng pagkakataon makapag interview ng isang Marketing Communications Associate upang malaman natin kung ano nga ba ang trabahong ito at kung paano mapunta sa larangan ng trabahong ito.

Ito ang nilalaman ng episode na ito:

00:32 Ano ba ang dapat na gamitin na lenggwahe sa Interview, English o Filipino?
02:15 Panayam sa isang Marketing Communications Associate
13:15 Quote for the Week (Carrie Fisher)
Oct 09, 201814:07
Episode 36 | Payo para sa mga baguhan sa paghahanap ng trabaho

Episode 36 | Payo para sa mga baguhan sa paghahanap ng trabaho

Ngayon ka lang susubok maghanap ng trabaho? Pagusapan natin kung ano ba ang bagay na dapat mong gawin upang handa ka na sumubok at maging tagumpay sa paghahanap ng trabaho.

Nabigyan din tayo ng pagkakataon makapanayam ang isang multi-skilled technician sa kanyang trabaho. Paano ba niya nakuha ang mga kinakailangang 'skills' sa ganitong trabaho at kung ano ano ang kanyang pang araw araw na trabaho.

Ating talakayin ang mga ito:

00:31 Payo para sa mga baguhan sa paghahanap ng trabaho
06:01 Panayam sa isang multi-skilled na Technician
16:38 Quote for the Week (Harrison Ford)
Oct 09, 201817:30
Episode 35 | How to make a One-Page Resume

Episode 35 | How to make a One-Page Resume

Nasubukan mo na ba gawing One Page lang ang iyong resume? Siyasatin natin kung bakit nga ba mas maigi, lalo na kung kaya naman, na gawing isang pahina lamang ang ating resume para makatulong ito sa paghahanap ng trabaho.

Mayroon din tayong special interview sa isang Call Center Trainer tungkol sa kanyang propesyon, kung ano ano nga ba ang kaakibat nitong responsibilidad at kung bakit din siya nagtagal ng labing isang (11) taon dito.

Lahat yan sa episode na ito:

00:31 How to make a One-Page Resume
04:30 Panayam sa isang Call Center Trainer
20:30 Quote for the Week (Og Mandino)
Oct 09, 201821:19
Episode 34 | Ano ang pwedeng gawin sa libreng oras kapag maluwag sa trabaho

Episode 34 | Ano ang pwedeng gawin sa libreng oras kapag maluwag sa trabaho

Mahirap man aminin, pero hindi maikakaila na marami tayong oras na napupunta lamang sa wala kapag may libreng oras tayo sa opisina.

Nakapanayam din natin ang isang Admin Assistant na kung saan ay ibinihagi niya ang karaniwang gawain sa trabahong ito, paano nga ba tumagal sa trabahong ito at kung saan patungo ang kanyang career.

Ito ang ating mga pag-uusapan sa episode na ito:

00:39 Ano ang pwedeng gawin sa libreng oras kapag maluwag sa trabaho
02:38 Panayam as isang Admin Assistant at kung paano siya nakapagsimula at nagtagal sa trabahong ito
09:12 Quote for the Week (Arnold Schwarzenegger)
Oct 09, 201810:22
Episode 33 | Paano mas maging kapakipakinabang sa iyong Trabaho

Episode 33 | Paano mas maging kapakipakinabang sa iyong Trabaho

Minsan napapaisip na lang tayo bigla kung may halaga nga ba ang ating trabaho. Kailangan maging makabuluhan ang ating ginagawa sa pang-araw araw upang lalo pa natin ito mahalin.

Sa larangan ng disenyo ngayon, maraming oportunidad para sa mga Graphic Artist / Designer ngunit ano nga ba ang kailangan upang makapagsimula sa larangan na ito. Nakapanayam natin ang isang bihasang graphic designer sa kanyang larangan at ibinihagi niya ang kanyang nalalaman dito.

Lahat ito, sa episode na ito:

00:25 Paano mas maging kapakipakinabang sa iyong Trabaho
03:31 Panayam sa isang Graphic Artist at kung paano nga ba makapagtrabaho sa industriya nila
12:32 Quote for the Week (Larry Ellison)
Oct 09, 201813:22
Episode 32 | Ano ang maitutulong ng maayos na pakikipag kamay sa iyong paghahanap ng trabaho

Episode 32 | Ano ang maitutulong ng maayos na pakikipag kamay sa iyong paghahanap ng trabaho

Naranasan mo na ba makipag kamay sa iyong interviewer? Marahil ay nahihiya ka tuwing ginagawa ito ngunit malaki ang naitutulong ng tamang pakikipag kamay lalo na kung ginagawa mo ito sa isang job interview.

Nabigyan din tayo ng pagkakataon makapanayam ang isang TESDA Assessor for DomWorks(Domestic Work/Helper) at ibinihagi niya ang mga bagay na kailangan gawin kung gusto mo din maging Assessor at kung ano ano din ang mga bagay na hanap nila sa isang NCII certification for Domestic Helper.

Lahat yan ay ating pag-uusapan sa episode na ito:

00:38 Ano ang maitutulong ng maayos na pakikipag kamay sa iyong paghahanap ng trabaho

03:26 Panayam sa isang TESDA Assessor kung paano siya napunta sa larangan na ito at kung ano ano din nga ba ang mga bagay na tinitingnan sa proseso ng 'Certification' sa TESDA training programs para sa Domestic Helper (DomWorks)

15:44 Quote for the Week (Muhammad Ali)
Oct 09, 201816:43