Skip to main content
USTinig: The Official Podcast of the UST Center for Creative Writing and Literary Studies

USTinig: The Official Podcast of the UST Center for Creative Writing and Literary Studies

By UST CCWLS
This is a monthly podcast produced by the UST Center for Creative Writing and Literary Studies (CCWLS). It features Filipino writers and literary enthusiasts.
Facebook: www.facebook.com/USTCCWLS
E-mail: ustinigpodcast@gmail.com.
Listen on
Where to listen
Apple Podcasts Logo

Apple Podcasts

Breaker Logo

Breaker

Google Podcasts Logo

Google Podcasts

Overcast Logo

Overcast

Pocket Casts Logo

Pocket Casts

RadioPublic Logo

RadioPublic

Spotify Logo

Spotify

Episode 17: Discussions Matter featuring Giancarlo Abrahan
Magkukuwento si Giancarlo Abrahan kung paano siya naging direktor, screenwriter, at makata. Ibabahagi rin niya kay Resident Fellow Jose Mojica kung paanong nabuo ang mga pelikulang "Transit," "Islands," "I'm Drunk I Love You," "Dagitab," "Paki," "Sila-sila," at  "Kun Maupay Man It Panahon/Whether the Weather is Fine," na entry sa 2021 Metro Manila Film Festival. Si Giancarlo Abrahan ay direktor ng mga pelikula at ng mga dula, screenwriter, makata, at tagasalin. Naipalabas at kinilalala na ang mga pelikula niya sa loob at labas ng bansa. Ang USTinig podcast ay maaaring pakinggan sa Spotify, Anchor, Google, at Apple podcasts: 1. https://spoti.fi/37QKuAh 2. https://apple.co/33L5Dd7 3. https://bit.ly/2JNeRye 4. https://anchor.fm/ust-ccwls
52:08
December 24, 2021
Episode 16: Discussions Matter featuring Eliza Victoria
Narito na ang inaabangang USTinig episode kasama si Eliza Victoria! Pakinggan ang kuwentuhan nila ni Resident Fellow Jose Mojica para malaman kung paano napunta si Eliza Victoria sa pagsusulat ng speculative fiction, kung ano ang naging proseso ng pagsulat ng popular na nobelang "Dwellers," ng graphic novel na "After Lambana," ng maikling kuwentong "The Seventh," at ng dulang "Marte" na itinanghal sa Virgin Labfest noong 2016. Si Eliza Victoria ay isang manunulat na nagkamit ng parangal sa National Book Awards (para sa nobelang Dwellers) at sa Carlos Palanca Memorial Awards for Literature (para sa kaniyang mga tula). Maaari siyang bisitahin sa http://elizavictoria.com.
32:29
November 24, 2021
Episode 15: Reading Texts featuring Mookie Katigbak-Lacuesta
Mookie Katigbak-Lacuesta will talk about how her poems begin and end.  She will also read excerpts from her upcoming book, “Burning Houses & Hush Harbor,” from the UST Publishing House. Mookie Katigbak-Lacuesta won the Philippines Free Press Award for Poetry in 2007 and the Carlos Palanca Memorial Award for Poetry in 2014.  She has four poetry collections under name—“The Proxy Eros,” published in 2008, “Burning Houses” in 2013, “Hush Harbor” in 2017, “Eros Redux” in 2019, and the recently released “College Boy.”
22:08
October 27, 2021
Episode 14: Discussions Matter featuring Relive Your Passion PH (Katte Sabate, Jo Quiros, Ron Biñas)
Paano nga ba nagpapatuloy ang teatro ngayong panahon ng pandemya? Ano na ang nangyari sa mga aktor, direktor, at iba pang kasapi ng mga produksiyong pantanghalan Pakinggan ang kuwentuhan nina Resident Fellow Jose Mojica, Katte Sabate, Jo Ann Quiros, at Ron Biñas para malaman ang sagot! Sina Katte, Jo, at Ron ay mga miyembro ng Relive Your Passion PH, isang grupong pantanghalan na patuloy na itinataguyod ang teatro ngayong pandemya, sa pamamagitan ng online readings. Si Katte Sabate ay Director for Academic Affairs, Director of Dharma Theatre Ensemble, at Assistant Professor for Performing Arts sa Guang Ming College. Nagtapos siya ng Bachelor of Theater Arts, cum laude, at kasalukuyang Candidate Graduate of Master of Arts sa UP Diliman. Pagkatapos niyang magsiyasat, makipamuhay, at magsaliksik sa iba’t ibang lugar sa Asya, bumalik siya sa Pilipinas noong 2015 at nagtuturo na ngayon nang full-time sa Guang Ming College, kung saan tumutulong siya sa paghubog ng mga artist-scholar sa ating bansa. Miyembro siya ng Theatre Actors Guild of the Philippines, at ang kanyang mga pananaliksik ay nailimbag at binasa na sa ASWARA, Malaysia, Paris, France, Lisbon, Portugal, at sa University of the West, USA. Bilang core member ng Relive Your Passion PH, pinagyayaman niya pa ang kanyang mga kakayahan sa pag-arte at pagdidirek sa virtual platform. Si Jo-Anne Quiros ay core member at isa sa mga tagapagtatag (aka promotor) ng Relive Your Passion PH. Nagpi-freelance siya bilang production at stage manager—sa kasalukuyan, siya ang may hawak sa lahat ng digital shows ng Puregold Channel—habang nagtatrabaho rin bilang Communications and Process Manager for Canbnb, isang property management na naka-base sa Australia. Si Ron Biñas ay dating faculty member ng Department of Literature ng UST. Nagturo rin siya ng speech and theatre sa UP Los Baños. Nagtapos siya ng BA Theatre Arts, cum laude, sa UP Diliman, at naging aktibo sa Pagtatanghal. Nagsilbi na siyang stage director, production manager, actor, at opera singer sa iba’t ibang theatre companies, kabilang ang Dulaang UP, UP Dulaang Laboratoryo, UP Playwrights’ Theatre, Teatro Likhaan, Teatro Tomasino, Tabsing Kolektib Manila, Philippine Opera Company, at iba pa. Nagtanghal na rin siya sa Europa kasama ang UP Singing Ambassadors noong 2005. Sa kasalukuyan siya ang program director ng Kundiman, Kwentuhan at Katuwaan ng Performatibo Manila at isa siya sa mga core members ng Relive Your Passion PH.
54:09
September 28, 2021
Episode 13: Discussions Matter featuring Linangan sa Imahen, Retorika, at Anyo / LIRA (Aldrin Pentero at Joey Tabula)
Nakapanayam ni Resident Fellow Jose Mojica sina Aldrin Pentero at Joey Tabula ng LIRA tungkol sa pagsulat at pagpapalihan ng tula ngayong pandemya.  Si Joey Tabula ay nagtapos sa UP at nagsanay ng Internal Medicine sa Philippine General Hospital. Naging editor siya ng “From the Eyes of a Healer: An Anthology of Medical Oncologists” at co-editor ng “BULAWAN: Interviews with Filipino Medical Oncologists” at ng isang volume ng “Human Spirit Project.” Tinatapos niya ang kaniyang tesis para sa MFA in Creative Writing sa De La Salle University. Siya ang bagong halal na pangulo ng (LIRA). Si Aldrin Pentero, dating pangulo ng LIRA, ay opisyal ng Unyon ng mga Manunulat sa Pilipinas o UMPIL at ng Filipinas Copyright Licensing Society, Inc. o FILCOLS. Itinanghal siyang Makata ng Taon noong 2017 ng Komisyon sa Wikang Filipino. Naging kinatawan siya ng bansa sa Young Writers Forum na bahagi ng The First Forum Asian Writers na ginanap sa Nur Sultan, Kazahkstan noong 2019. Siya rin ang co-editor ng Pitong Pantig, Pintig, at Pagitan: 50 Tanaga sa Panahon ng Pandemya.
39:44
August 31, 2021
Episode 12: Discussions Matter featuring Pinoy Reads Pinoy Books (Bebang Siy, Ella Betos, and KD Oliveros)
Makikipagkuwentuhan sina Bebang Siy, Ella Betos, at KD Oliveros ng Pinoy Reads Pinoy Books kay Resident Fellow Jose Mojica tungkol sa kanilang book club. Ibabahagi nila kung paano naitatag ang PRPB, ang mga paborito nilang book talakayan, at mga hindi nila malilimutang engkuwentro sa mga awtor.  Si Beverly Siy, kilala rin bilang Bebang Siy, ay isang nanay na manunulat, tagasalin at copyright advocate.  Aktibo rin siya sa larangan ng publishing. Isa siya sa mga Book Champion at Intellectual Property Ambassador ng ating bansa noong 2015. Nakalikha at nakapaglathala ng sampung aklat sa pamamagitan ng pagsusulat, pagsasalin, pagpapatnugot at pag-i-illustrate. Naglilingkod siya ngayon sa Intertextual Division sa patnubay ng CCP Cultural Content Department. Si Maria Ella Betos ay isang Fund Accountant sa isang American Bank sa BGC, Taguig. Bilang moderator ng Pinoy Reads Pinoy Books, isa siyang advocate ng pagbabasa, at pagpapalaganap ng lokal na panitikan. Mahilig siya sa travel photography at sa paglikha ng kakaibang IG #hashtags. Noong wala pang pandemic, madalas siyang maglibot sa mga bansa sa Southeast Asia at sa Japan. Si Doni "K.D." Oliveros ay mayroong mahigit sa 3,000 na pisikal na aklat sa bahay nila. Mga isang libo rito ay Pinoy books. Isa siyang IT Manager sa isang malaking kompanya sa Mandaluyong. Mayroon siyang anak at asawang nagbabalak ibenta ang mga aklat niya pag siya ay binawian ng buhay.
01:01:13
July 27, 2021
Episode 11: Discussions Matter featuring Lourd de Veyra
Makikipagkuwentuhan si Lourd de Veyra kay Resident Fellow Jose Mojica tungkol sa naging proseso niya ng pagsulat ng "Marka Demonyo," ang pinakabago niyang koleksiyon ng tula. Magbabahagi rin siya tungkol sa kanyang pagtatrabaho sa media ngayong pandemya, at sa kanyang pagguhit.  Si Lourd de Veyra ay napapanood sa News and Public Affairs ng TV5, at tumutugtog para sa bandang Kapitan Kulam. Kilala rin siyang frontman ng Radioactive Sago Project. Siya ang may-akda ng nobelang "Superpanalo Sounds" at mga koleksiyon ng sanaysay na "This Is A Crazy Planets" 1 at 2, at "Espiritu." Ang ilan sa kanyang mga koleksiyon ng tula ay "Shadowboxing In Headphones," "Insectissimo," at "Marka Demonyo or Poems on Love, Faith, and Duct Tape."
30:35
June 28, 2021
Episode 10: Reading Texts featuring U Eliserio
Magkukuwento si U Eliserio tungkol sa pagsusulat ngayong pandemya at magbabasa ng sipi mula sa kanyang librong "Tungkol sa Aso." Si U Eliserio ay nagtuturo sa Unibersidad ng Pilipinas. Isa siyang kritiko, kuwentista, mandudula, at tagasalin. Ang ilan sa kanyang mga aklat ay "Wala Tayong Sasantuhin," "Kami sa Lahat ng Mataba," at "Tungkol sa Aso." Ang "Tungkol sa Aso" ay inilimbag ng UST Publishing House. https://bit.ly/2SAG0c6 https://bit.ly/3wFqHOo
35:40
May 28, 2021
Episode 9: Discussions Matter featuring Ricky Lee
Makikipagkuwentuhan si Ricky Lee kay Resident Fellow Jose Mojica tungkol sa musika, sa kaugnayan ng musika at new media, at kung paanong makikita ito sa kanyang mga akda tulad Para Kay B at Si Amapola. Magbabahagi rin si Ricky Lee tungkol sa kanyang karanasan bilang mentor sa napakaraming manunulat. 
38:36
April 26, 2021
Episode 8: Reading Texts featuring Jenny Ortuoste
Jenny Ortuoste talks to Resident Fellow Jose Mojica about writing, embroidery, and her experience as the Philippines' first female jockey. Her book, “Fictionary,” is published by the UST Publishing House. https://bit.ly/3c8pB6k https://bit.ly/2OYusxU
41:08
March 22, 2021
Episode 7: Reading Texts featuring Adrian Crisostomo Ho and George Gonzaga Deoso
George Gonzaga Deoso and Adrian Crisostomo Ho read excerpts from their debut collections. George's book "The Horseman's Revolt and Other Horrors" and Adrian's collection "ANX" are both published by the UST Publishing House.  The Horseman's Revolt and Other Horrors  https://shopee.ph/The-Horseman%E2%80%99s-Revolt-and-Other-Horrors-by-George-Gonzaga-Deoso-i.291137203.9407303408 https://www.lazada.com.ph/products/the-horsemans-revolt-and-other-horrors-by-george-gonzaga-deoso-i1611394806.html ANX https://shopee.ph/ANX-Poems-by-Adrian-Crisostomo-Ho-i.291137203.9907299983 https://www.lazada.com.ph/products/anx-poems-by-adrian-crisostomo-ho-i1611416553-s6904666698.html?spm=a2o4l.seller.list.1.1eea7208wCEGNt&mp=1
42:58
February 26, 2021
Episode 6: Discussions Matter featuring Deirdre Camba, Alfonso Manalastas, and Vincen Gregory Yu
Poets Deirdre Camba (O, Baby! and Tongue), Alfonso Manalastas (Bible and Belligerence), and Vincen Gregory Yu (An Ecological Disaster) talk to Resident Fellow Jose P. Mojica about writing and reading during the pandemic, and the relevance of poetry in these times.
50:53
January 28, 2021
Episode 5: Reading Texts featuring USTNWW 2020 fellows
UST National Writers Workshop fellows Ralph Fonte, Wina Puangco, Kim Crisologo, and Neil Cirilo read excerpts from their works-in-progress.
20:40
December 04, 2020
Episode 4: Discussions Matter featuring USTNWW 2020 fellows
UST National Writers Workshop fellows Bimbi Arias Jose, Carmel Ilustrisismo, Elsie Albis, and Nap Arcilla talk about writing during the pandemic, and their workshop expectations. CCWLS Resident Fellow Jose Mojica serves as host.
42:46
November 23, 2020
Episode 3: Reading Texts featuring Indigo Child by Rody Vera
Multi-awarded playwright Rody Vera talks about his acclaimed one-act play "Indigo Child." This episode features a full reading of the play by Agot Isidro and Elijah Canlas, courtesy of Relive Your Passion PH, a group of theater practitioners committed to showcasing Filipino plays and talent.
01:04:11
October 30, 2020
Episode 2: Discussions Matter featuring LIT Junction
USTinig host Jose P. Mojica talks to LIT Junction (Eugene Soyosa, Wilmor Pacay III and KC Victoria) about disseminating Philippine literature via podcasting. 
42:27
September 16, 2020
Episode 1: Reading Texts featuring Edgar Calabia Samar's Teorya ng Unang Panahon
Edgar Calabia Samar reads a chapter from his upcoming novel, Teorya ng Unang Panahon. 
39:16
August 28, 2020