Skip to main content
Ang PUBcast - Positibong Usapan at Balitaktakan

Ang PUBcast - Positibong Usapan at Balitaktakan

By Ang PUBCast

With more than 20 years of friendship, these Men of culture and experience tackle life or anything under the sun with wit, facts and positive approach, hoping to learn from stories and experiences, extracting good vibes and sprinkling to everyone.
Available on
Apple Podcasts Logo
Google Podcasts Logo
Overcast Logo
Pocket Casts Logo
RadioPublic Logo
Spotify Logo
Currently playing episode

Episode 32: Digging through the Roots of Gender-based Violence

Ang PUBcast - Positibong Usapan at BalitaktakanDec 10, 2020

00:00
02:02:47
Episode 66: Kalsada, Pelikula, at iba pa
Jan 14, 202301:17:60
Episode 65: Bakit ka boboto ngayong ELEKSYON 2022

Episode 65: Bakit ka boboto ngayong ELEKSYON 2022

Samahan niyo kami sa isa na namang Positibong Usapan at Balitaktakan tungkol sa aming mga past experiences sa pagboto at kung paano ito nakatulong o naka-impluwensiya sa aming magiging batayan sa pagpili sa mga susunod na mamumuno sa ating bansa. Ano na ba ang pinagkaiba ng mga eleksiyon simula noon hanggang ngayon? Importante pa bang bumoto kahit kaliwa't-kanan ang mga iskandalo at balita ng katiwalian?

May 06, 202201:43:44
Episode 64: Men and His Sexual Urge (Kalibugan ng Kalalakihan)

Episode 64: Men and His Sexual Urge (Kalibugan ng Kalalakihan)

Samahan niyo kami sa isa namang Positibong Usapan at Balitaktakan tungkol sa isang paksa na hindi kaila sa karamihan pero nahihiyang pag-usapan. Talakayin natin ang ilan sa mga makalumang stereotypes tungkol sa pagiging malibog ng mga kalalakihan at unti-unti nating basagin upang ito ay mas lalong maunawaan. 

Lilinawin lang po namin na ito ay hindi upang i-justify ang mga irresponsible acts na nag-ugat sa kalibugan kundi upang magbigay liwanag sa mga katotohanan na matagal nang natatabunan ng panghuhusga dulot ng kakulangan sa kaalaman.

Mar 04, 202201:31:18
Episode 63: Breaking the Cycle of Sandwich Generation

Episode 63: Breaking the Cycle of Sandwich Generation

Ang pagsuporta sa magulang ay isang napakarangal na kaugalian bilang pagtanaw ng utang na loob sa lahat ng kanilang ginawa at sinakripisyo sa pagpapalaki sa atin noong tayo ay wala pang kapasidad na maka-survive sa mundong ito. Ngunit mas madalas sa minsan ay may mga magulang na tinatrato ang kanilang mga anak na para bang retirement plan o insurance at nagkakaroon ito ng hindi magandang epekto sa anak lalo na kung ito ay struggling sa pagsisimula ng sariling pamilya. Samahan niyo kami sa isa na namang Positibong Usapan at Balitaktakan tungkol sa isang cycle na matagal na nating pinag-dadaanan bilang isang lahi na kilala sa pagkakaroon ng close family ties.

Feb 11, 202201:17:40
Episode 62: I-Undress is Andres (De Saya)

Episode 62: I-Undress is Andres (De Saya)

Masunurin o Submissive ba kayo sa inyong mga asawa, girlfriend o partner? Kung oo ang sagot niyo, malamang sa malamang ay pamilyar na kayo sa tawag na Andres De Saya. Hango ito sa isang idiomatic expression dito sa Pilipinas na "under the saya" na ibig sabihin ay nasa ilalim o nagpapasakop sa isang female character - nanay, asawa, o nobya - sa inyong buhay. Sa inyong palagay, dapat bang hangaan o kaawaan si Andres? Samahan niyo kami sa isa na namang Positibong Usapan at Balitaktakan at i-undress o hubarin natin ang masamang connotation ng expression na ito. Unti-unti nating tanggalin ang saplot na bumabalot sa magagandang naidudulot ng pakikinig at pagsunod sa mga babae sa ating buhay.

Sa mga hindi nakasama sa aming Facebook live broadcast last November 13, 2021, maaari niyong mapanood ulit ang video sa link na ito: https://fb.watch/9OZxVf70r3/

Dec 10, 202101:37:14
Episode 61: PUSITibong Reaksyon at Review para sa Squid Game

Episode 61: PUSITibong Reaksyon at Review para sa Squid Game

Samahan niyo kami sa isa na namang Positibong Usapan at Balitaktakan tungkol sa "most watched series" sa Netflix, ang Squid Game. Yung akala mo brutal na palabas lang ito pero may kurot pala sa puso, na tumimo hindi lang sa mga Koreano at Pilipino, pati na sa buong mundo. Tara na at makireact sa mga characters at mga moments sa series na ito habang sini-celebrate ang pilot episode ng ika-apat na season ng Ang PUBcast.

Sa mga hindi nakasali sa aming Facebook live broadcast last October 23, 2021, maaari niyo pa ring mapanood ang video sa link na ito: https://fb.watch/9f2TIAtMfj/

Nov 13, 202101:57:35
Episode 60: The COVID X (The stories of a COVID19 survivor)

Episode 60: The COVID X (The stories of a COVID19 survivor)

Almost 2-years na nating narasan ang epekto ng COVID-19 sa halos lahat ng aspeto ng buhay natin. Tayo or isa sa mga kakilala natin ang malamang na tinamaan ng virus na ito. Nalaman mo na nga ba ang istorya nila?

Tara, i-share mo rin yan at samahan kami sa isa na namang Positibong Usapan at Balitaktakan upang bigyang-linaw ang mga untold stories mula mismo sa ating mga PUBs na tinamaan ng virus at naranasan ang isolation at recovery na kaakibat nito.

Sa mga hindi nakasama sa aming live broadcast last October 9, maaari pa rin panoorin ang video sa link na ito: https://fb.watch/8S17A-Ol6G/

Oct 25, 202101:44:49
Episode 59: The Curious Life of a House Husband
Oct 05, 202102:10:37
Episode 58: Basagan (Breaking Stereotypes of Filipino Men)

Episode 58: Basagan (Breaking Stereotypes of Filipino Men)

Habang lumalaki tayo, maraming sabi-sabi kung ano daw dapat ang isang lalaki. Totoo pa din ba sila kahit sa panahong ito?

Samahan ninyo muli kami sa isa na namang Positibong Usapan at Balitaktakan habang ibinabahagi namin ang aming mga karanasan at opinyon sa mga kasabihan o stereotypes na ating nakagisnan at sama-sama nating basagin ang mga hindi na appropriate sa makabagong panahon.

Sa mga hindi nakapasok sa aming facebook live noong September 11, 2021, maaari ninyong mapanood ang recorded video sa link na ito: https://fb.watch/8dDgJez4KH/

Sep 24, 202101:14:21
Episode 57: Best and Worst Advice You Recieved

Episode 57: Best and Worst Advice You Recieved

Ugali nating mga Pinoy ang magbigay ng opinyon o rekomendasyon sa pamilya natin, kaibigan, katrabaho or kahit sinong kakilala. Part ng nature natin, ika nga. Anong mga payo ang ibinigay sa inyo na tingin nyo ay nakabuti o nakasama nung sinunod ninyo?

Samahan ninyo kami sa isa na namang Positibong Usapan at Balitaktakan habang ibinabahagi namin ang best and worst advise na aming natanggap.

Sa mga hindi nakadalo sa aming Facebook live broadcast last August 28, 2021, maaari niyo pa ring mapanood ang video sa link na ito: https://www.facebook.com/angpubcastph/videos/324014012844695

Sep 08, 202101:19:06
Episode 56: Men and His In-a-Relationship Status

Episode 56: Men and His In-a-Relationship Status

Samahan niyo kami sa isa na namang Positibong Usapan at Balitaktakan kung saan ibinahagi naming mga PUBs kung ano ang mga bagay na nami-miss namin sa pagkakaroon ng isang romantikong relasyon. Tinalakay din namin kung paano ba kami naka-cope up sa mga break-ups at kung paano namin ginagamit ang mga panahon na kami ay single pa upang pag-handaan ang pagpasok sa mga bagong relasyon.

Sa mga hindi naka-tune in sa aming Facebook live last August 14, 2021, maari niyong mapananood ang video sa link na ito: https://fb.watch/7CZA1Rwb7w/

Aug 26, 202101:11:34
Episode 55: Finding Dimes in Difficult Times
Aug 02, 202101:45:06
Episode 54: PUBs React: Ways, Doings, and Terms of the Young Generation
Jul 21, 202102:04:15
Episode 53: The Journey to Fatherhood

Episode 53: The Journey to Fatherhood

Kung hindi niyo kami naabutan sa aming Facebook live last June 19, para sa inyo itong episode namin na inihahandog namin sa mga Ama ng tahanan in celebration of Fathers' Day. Samahan niyo kami, kasama ang aming special guest na si PUBs Ryan Datinguinoo, live from "The Land Down Under", sa isa na namang Positibong Usapan at Balitaktakan kung saan ibinahagi nila ni PUBs Arjae bilang mga bonafide na mga Erpats kung ano ba talaga ang nangyayari sa mga kalalakihan habang pinagdadaanan nila ang "pagbubuntis", simula sa announcement hanggang sa paglabas ni baby. Tunghayan ang kanilang mga kwento ng mga halo-halong emosyon at tignan din natin ang difference ng planned sa unplanned fatherhood. Happy FATHER'S day!

Jul 02, 202101:50:33
Episode 52: Kasarinlan ni Juan sa Mata ng Makabagong Kabataan

Episode 52: Kasarinlan ni Juan sa Mata ng Makabagong Kabataan

Sa aming Facebook Live broadcast last June 12, Araw ng Kasarinlan o Independence Day ng ating Inang Bansa, tinalakay namin kasama ang aming special guest na si JP "Rancho" Arcilla kung gaano pa ba kaliwanag sa mga kabataan ngayon, o mga millenials, ang kasarinlan ng Pilipinas. Samahan kami sa isa na namang Positibong Usapan at Balitaktakan kung ano ba talaga ang kahulugan ng Kasarinlan at kung paano pa natin ito bibigyang pugay at pahahalagahan sa makabagong panahon.

Jun 17, 202102:06:50
Episode 51: Submission to Authorites

Episode 51: Submission to Authorites

Samahan niyo kami sa isa na namang Positibong Usapan at Balitaktakan tungkol sa isang bagay na maiiwasan ngunit mahirap pigilan. Bakit nga ba may mga times na ang hirap sumunod sa awtoridad? Minsan dahil sa kanila, minsan dahil sa atin. Pero kung ano pa man ang sitwasyon, laging iisipin ang ikabubuti ng mas nakararami, ang batas ay naipatupad para sa ikaaayos ng lahat at hindi dapat ito pinapaikot sa kamay ng kahit sino.

Jun 10, 202101:22:15
Episode 50: Mind Games with Procrastination (Mañana Habit)

Episode 50: Mind Games with Procrastination (Mañana Habit)

Dito sa 50th o golden episode ng Ang PUBcast, samahan niyo kami sa isa na namang Positibong Usapan at Balitaktakan tungkol sa isa sa mga pinaka-common na bisyo natin simula pa nung pagkabata, ang "mamaya na" habit, o sa ingles ay Procrastination. Pag-usapan natin ang maaaring maging epekto nito sa ating daily task hanggang sa ating long term goals. Alamin natin ang maaaring maging masamang consequences kapag nasobrahan nito at ang mga benefits kung maa-apply ito ng tama. Yup! Tama ang nabasa mo, may benefits din ang Procrastination.

Jun 04, 202101:27:20
Episode 49: Do Grades Define Us?

Episode 49: Do Grades Define Us?

Sa mga hindi nakasali sa aming FB live episode last May 15, 2021, pakinggan ang aming Positibong Usapan at Balitaktakan kasama ang nagbabalik na si PUBs Tin Edullantes bilang aming panauhing pandangal. Pinag-usapan namin sa episode na ito kung sapat bang gawing panukat ng pagkatao o tagumpay ng isang tao ang kanyang grades sa school. Bukod sa grades, ano pa kaya ang dapat matutunan ng isang estudyante sa eskwelahan? Minsan kung ano pa ang nababalewala, siya pang mas mahalaga at dapat tutukan.

May 27, 202101:18:54
Episode 48: How Do Men Honor Their Mothers

Episode 48: How Do Men Honor Their Mothers

When was the last time you expressed your appreciation to your Momma? Join us as we honor the first woman in our lives by sharing some fond memories and unforgettable traits of our beloved Mothers. Let us all make it a habit to express our love and gratitude to the ultimate Masters Of Multitasking, MOM! Let everyday be Mothers' Day.

May 14, 202101:26:47
Episode 47: Does First Love Never Really Die?

Episode 47: Does First Love Never Really Die?

Samahan niyo kami sa isa na namang Positibong Usapan at Balitaktakan tungkol sa FIRST LOVE. Bakit napakamemorable nito sa iba? Kadalasan pa nga, talagang tumatagal siya ng ilang taon o dekada. Matatag sa pagdaan ng iba pang relasyon. Ano ang meron sa ating unang karanasan sa pag-ibig at nag-iiwan ito ng matinding marka sa ating puso, isip, at sa ating pagkatao?

May 06, 202101:10:33
Episode 46: Family Values

Episode 46: Family Values

Here is the audio version of our Facebook live broadcast last April 24, 2021, where we discussed some family issues that are rarely talked about and shared some FAMILY VALUES that we learned and practice to somehow help keep our own families tight.

May 01, 202101:31:54
Episode 45: PUBs React

Episode 45: PUBs React

Para sa mga hindi nakasali sa aming FB Live broadcast last April 17, 2021, para sa inyo ang episode na ito. Samahan niyo kaming manood at mag-react sa ilang mga videos na nakaka-inspire, nakaka-antig ng damdamin at nakakakiliti ng pag-iisip.

Apr 22, 202102:47:57
Episode 44: Cheating Patrol

Episode 44: Cheating Patrol

Isa sa pinakamatitinding dahilan ng pagkasira ng isang relasyon, kasal man o hindi pa, ay ang panloloko o CHEATING. Samahan niyo kaming himayin kung paano ito nagsisimula, at ano ang nagiging epekto nito sa mga parties involved. Hayaan niyo rin kaming magbahagi ng aming kaunting kaalaman mula sa sarili naming karanasan at sa karanasan ng mga malalapit sa amin upang kahit papaano ay mapigilan natin itong masalimuot na pangyayaring ito na maka-apekto pa sa ating mga relasyon.

Apr 15, 202101:37:10
Episode 43: How Technology Impacts the Environment

Episode 43: How Technology Impacts the Environment

As the Earth Day approaches, join us, together with our esteemed guest, Ms. Tin Edullantes, a Marine Biologist and an Instructor at Davao Del Norte State College, as we discuss how technological advancements affect or impact our environment. Is technology really an enemy of the environment? Is there a way where they can flourish and progress hand in hand? How can we use today's technological advancements to save and protect the environment?

Apr 08, 202102:01:60
Episode 42: Surviving Unemployment

Episode 42: Surviving Unemployment

Isa sa mga pinakamalaking problema na kinaharap ng ating bansa, kung hindi man ng buong mundo, nang dumating ang pandemic noong 2020 ay ang UNEMPLOYMENT. Samahan niyo kami habang ibinabahagi namin ang aming mga karanasan, sarili man ito o ng isang malapit sa amin at hayaan niyo kaming ibahagi din ang aming mga natutunan sa pangyayaring ito at sa aming sarili habang pinagdadaanan ang mabigat na yugto ng buhay sa panahon ng kawalan ng trabaho o pagkakakitaan.

Apr 03, 202101:34:52
Episode 41: Ang PUBcast Turns 1 (Anniversary Special)

Episode 41: Ang PUBcast Turns 1 (Anniversary Special)

As we celebrate our first year anniversary and the start of our third season, join us as we look back on the year that was. How we survived having only one episode recorded face to face, with 39 episodes (and 2 minisodes) recorded in zoom. The times when we felt like giving up, times when we clashed with each others' ideas, when we felt proud of the advice we gave in our PUBaon, the times when we got carried away by the discussion, the times when we got vulnerable, and of course, the times when we have so much fun.

Mar 12, 202101:54:16
Episode 40: The Impact of Movies

Episode 40: The Impact of Movies

It's the Season 2 finale episode so let us just sit back and relax and talk about movies, our favorite masterpieces. Let us talk how it influenced us as individuals, impacted our culture and our generation. How do you think Cinemas will do now that the pandemic has opened a big door for Digital On-demand platforms.

Mar 04, 202102:16:59
Episode 39: Coping with Heartbreak

Episode 39: Coping with Heartbreak

When it comes to the matters of the heart, hindi pwedeng mawala ang usapang HEARTBREAK. Pero hindi katulad ng pangkaraniwang sakit o sugat, hindi ito gumagaling sa pagtapal ng band-aid o pag-inom ng pain reliever. Sa pagkawasak ng puso, ang kailangan ay paghilom. Paghilom na magkakaiba sa bawat tao. Magkakaiba sa tagal, magkakaiba sa kasidhian. Samahan niyo kaming ibahagi ang aming mga karanasan na nagdulot sa amin ng heartbreak, sa pag-ibig man, sa career, o maging sa pagkakaibigan, at ilahad kung paano namin pinagdaanan ang paghilom nito.

Feb 18, 202101:45:59
Episode 38: Men Being Single on Valentine's Day

Episode 38: Men Being Single on Valentine's Day

It's Valentine's day again and love is in the air. Kamusta ang simoy ng pag-ibig sa inyo, mainit ba o malamig? Mainit siguro kung may kayakap ka. Pero kung SINGLE ka, siguro mag-jacket ka na lang. Ganyan ang laging pang-asar sa mga tao, particularly sa mga lalaki, tuwing darating ang Araw ng mga Puso at wala silang nobya, syota, jowa o girlfriend. Dahil dito, hindi natin maikakaila na karamihan ay nape-pressure lalo na kung ilang taon na rin silang "bakante". Pero dapat ba talagang may kasintahan ka sa Valentine's Day? Kailangan bang maki-ayon sa okasyon kahit hindi ka pa naman talaga handa sa pakikipagrelasyon? Tara, pag-usapan natin yan sa aming Valentine's Day episode. Baka kasi hindi naman kailangang kasintahan mo para i-treat mong espesiyal sa araw na ito. Pwede rin itong pagkakataon para ipa-ramdam mo na ang matagal mo nang pinakatatagong pag-irog. Ang importante sa lahat, hindi lang sa Valentine's Day, umiibig ka at pinaparating mo ang pag-ibig na yan sa tinitibok ng puso mo.

Feb 11, 202101:35:09
Episode 37: Hold on or Let go

Episode 37: Hold on or Let go

Bilang pagpapatuloy sa napakasarap na kuwentuhan last episode, samahan niyo kami sa isa na namang Positibong Usapan at Balitaktakan tungkol sa isa sa pinakamatinding dilemma na kinakaharap natin sa usapang pag-ibig at relasyon, ang mag-HOLD ON o mag-LET GO. Kasama ang aming panauhing si Ms. Chynna Roxas, hayaan niyong ibahagi namin ang mga experiences at mga learnings tungkol dito.

Feb 04, 202101:39:59
Episode 36: The Love-Relationship Equation

Episode 36: The Love-Relationship Equation

To some, LOVE is a feeling. The one that gives you butterflies on your stomach. The one that makes your heart skip a beat. To some, being in a RELATIONSHIP requires commitment, faithfulness, loyalty. Some even vows to stay together through thick and thin, in sickness and in health, for better or for worse. They say, if you love somebody, it's ideal to be in a relationship with that person. In a relationship, in order to be committed, you must always love the person you are with. Two ideals that entails a lot of questions. What if the person you love doesn't love you? What if the situation doesn't allow you to be together? What if you landed in an abusive relationship? What if you fall out of love with the person you are in a relationship with? Join us as we talk about the gray areas in the gray areas of being IN-LOVE and being IN-A-RELATIONSHIP. Does love really equate to relationship? Tell us what you think!

Jan 28, 202101:55:48
Episode 35: New Year, New You!

Episode 35: New Year, New You!

Ang pagpasok ng bagong taon, para sa karamihan sa atin, ay isang magandang hudyat upang mag-introduce ng mga bago o mga pagbabago sa sarili. Sa iba, ang pagsisimula ng mga bagong habits, at sa ibang may mga existing at effective na habits, mga bagong motivation o inspiration para magpatuloy. Sa pagsalubong sa 2021, samahan niyo kami sa isang Positibong Usapan at Balitaktakan tungkol sa kung ano ba ang mga pagbabagong gusto naming simulan ngayong bagong taon, at kung paano ito masusustain ng pangmatagalan. Kung ang hanap mo man ay bagong habits o bagong motivation, harapin mo ang bagong taon ng bagong ikaw. Happy New Year mga PUBs!

Jan 21, 202101:30:20
Episode 34: PUBaon of 2020 (A Yearend Special)

Episode 34: PUBaon of 2020 (A Yearend Special)

Samahan niyo kami sa isa na namang Positibong Usapan at Balitaktakan ng pagbabalik-tanaw sa nakaraang taon. At katulad ng mga naunang mga episodes ng ating podcast, tapusin natin ang taong ito sa pagbibigay ng PUBaon at pasasalamat. Naging masalimuot man ang mga pangyayari para karamihan kung hindi man sa lahat, sa bandang huli ay kapupulutan pa rin natin ito ng mga gems o life lessons, mga bagay na hindi man natin hiningi, karapat-dapat lang naman na ipagpasalamat. Nawa'y ang mga gems na ito ay magamit natin sa pagpasok ng bagong taon. HAPPY NEW YEAR MGA PUBS!

Dec 29, 202001:28:59
Episode 33: Pamaskong Usapan at Balitaktakan (Christmas 2020)

Episode 33: Pamaskong Usapan at Balitaktakan (Christmas 2020)

Samahan niyo kami sa hindi lang Positibo ngunit Pamaskong Usapan at Balitaktakan habang ibinabahagi namin ang ilan sa mga pamaskong kaugalian na aming kinalakihan at patuloy pang ginagawa hanggang sa ngayon. Bakit importante ang mga dekorasyon sa pagdiriwang ng Pasko? Ang pagpapatugtog ng Christmas songs? Ang pagbibigay ng aginaldo? Ang Noche Buena? Ano ba talaga ang diwa ng Pasko at bakit mas kailangan nating ipagdiwang ito ngayon sa gitna ng pandemya at kung ano pang mga sigalot na ating dinanas ngayong 2020.

Dec 23, 202001:50:40
Episode 32: Digging through the Roots of Gender-based Violence

Episode 32: Digging through the Roots of Gender-based Violence

Kadalasang tinutukoy sa mga balita sa TV o sa social media na ang mga violent acts, lalo na ang Gender-based Violence ay dulot ng pagkalulong sa alak o ipinagbabawal na droga. Ang selos ay isa rin sa mga sinasabing dahilan nito na kung minsan ay nauuwi pa sa patayan. Samahan kami at ang aming panauhing si John Rey Catalan na isang eksperto sa usaping pang-kasarian, at himayin natin kung saan ba talaga nag-uugat ang Gender-based Violence upang sa gayon ay matukoy natin kung paano ito puputulin nang hindi na tumuloy sa mga susunod na henerasyon.

Dec 10, 202002:02:47
Minisode 2: The Essence of Spending on Yourself

Minisode 2: The Essence of Spending on Yourself

Earning and saving money is an essential part of adulting. But as we work hard to earn a living, not just for ourselves, but for the people depending on us, stress builds up and if we don't do something about it, it will eventually take its toll. So if you have saved enough and you are confident that can afford it, why not use some of the money you earned to distress and reward yourself every once in a while. Join us on our second Minisode as we talk about why spending on yourself is essential to your mental health and self-confidence and how it can help you stay motivated to earn more.

Dec 07, 202057:05
Episode 31: Feeding the Right Wolf (Ego vs. Self-Confidence)

Episode 31: Feeding the Right Wolf (Ego vs. Self-Confidence)

Lahat tayo may EGO. Ito ay ang ating sense of self-esteem or self-importance. Kailangan natin ito para malaman natin kung paano natin ipe-present ang ating sarili sa ibang tao. Pero minsan kung ito ay masyado nang mataas, lalo kung wala na sa control, imbes na makabuti ay napapasama pa tayo at ang mga tao sa paligid natin. Samahan niyo kami na isa-isahin ang ilan sa mga posibleng signs ng pagkakaroon ng uncontrollable ego at alamin kung paano ba natin ito mama-manage upang hindi na lumala at humantong sa mga bagay na maaari nating pagsisihan sa huli.

Reference: https://www.fastcompany.com/3060947/six-habits-of-people-who-confuse-ego-with-self-confidence

Dec 03, 202001:45:46
Episode 30: The Value of Learning a New Language

Episode 30: The Value of Learning a New Language

Mahilig ka ba sa K-Drama? o sa Japanese Anime? Nahook ka na rin ba sa mga Spanish TV series? Kung OO ang sagot mo, siguradong pumasok na rin sa isip mo na pag-aralan ang mga lenggwaheng ito para hindi ka na nahihilo o inaantok sa pagbabasa ng subtitles. Samahan niyo kami sa isa na namang Positibong Usapan at Balitaktakan kasama ang aming multilingual na panauhing si Jason Punongbayan at alamin natin kung saan pa natin maaring pakinabangan ang pagkakaroon ng kaalaman sa higit sa isa o dalawang lenggwahe.

Nov 26, 202001:31:23
Episode 29: Dealing with Regrets

Episode 29: Dealing with Regrets

Regret is quite a very bad demon. It creeps in to your mind when you're vulnerable, when your guards are down. It reminds you of mistakes from the past, yes, from the past, the part of your life where you cannot change anything, not one mistake. And when you realized you cannot do anything, all sorts of negative thoughts follow. Is there really nothing we can do? We all make mistakes. That is why we cannot totally avoid having regrets. I guess the only thing we can do is change our perspective and try to use it to our advantage. Join us in one of our most sensitive episodes where we shared our experiences in dealing with regret and our journey to acceptance and moving on.

Nov 19, 202001:13:20
Episode 28: Be a Savings Hero (Basic Saving Practices)

Episode 28: Be a Savings Hero (Basic Saving Practices)

Kamusta ang pag-iipon? Ang sarap ng pakiramdam kapag nakikita nating lumalago ang ating mga kinikita. Pero bakit, sa nakararami sa atin, napakahirap ang mag-ipon? Pera lang ba ang kailangan? Doon ba nagtatapos? Samahan niyo kami at ang aming panauhing si PUBs Mike, na mas kilala bilang si Savingero Numero Uno, para pag-usapan kung saan at paano tayo magsisimula sa ating paglalakbay patungo sa matagumpay na pag-iipon.
Nov 12, 202001:52:16
Episode 27: All Lives Matter (Racism in Modern times)

Episode 27: All Lives Matter (Racism in Modern times)

Ang RACISM ay matagal nang battle na kinakaharap ng lipunan libo-libong taon na ang nakararaan. Ngayong panahon na mas advance na ang  technology at sa pag-usbong ng social media, mas nagkakaroon ng boses ang mga nade-dehado at mga naa-abuso. Eto kaya ay magandang sign na malapit na tayong manalo sa battle na ito? O magagamit din ito ng mga mapang-abuso para lalo pang palalain ang sitwasyon ng RACISM sa mundo.

Nov 06, 202001:44:44
Minisode 1: Breast Cancer in Men

Minisode 1: Breast Cancer in Men

Bilang kakatapos lang ng October, ang Breast Awareness Month, naisip naming mga PUBs na magshare ng kaunting kaalaman para isulong ang awareness sa breast cancer hindi lang sa mga kababaihan, pati na rin sa mga kalalakihan. Sama-sama nating alamin dito sa aming unang Minisode ang mga signs and symptoms, ang mga risk factors pati na rin ang treatment sa Breast Cancer sa mga kalalakihan.

Nov 01, 202033:34
Episode 26: When Mars Met Venus (Heterosexual Friendships)

Episode 26: When Mars Met Venus (Heterosexual Friendships)

Can a man and a woman just be friends, for real? It’s a question that gets asked every day, in real life and in the movies. It’s a question we've all been contemplating for a long time. 

We have this assumption in our culture that men are always on the prowl. The commonly accepted belief about heterosexual friendship is that it will inevitably turn into a sexual or romantic situation - but this isn't the case most of the time. At one point in our lives, we all had that one close friend from the opposite sex, whom we shared our fondest memories with, laughed the hardest and cried the loudest. 

Join us in this episode as we share fun stories and reveal some secrets into long lasting friendships we had with our FIRST EVER GUEST, Ms. Meredith Balmes, founder of Campus Tees PH, a marketing consultant and hardworking mom - whom we are close friends with for almost 20 years!

Oct 29, 202001:26:40
Episode 25: Playing Favourites

Episode 25: Playing Favourites

Naranasan mo na ba’ng iba ang na-promote sa trabaho mo pero sa tingin mong skills-, performance- at attitude-wise, ikaw ang nararapat? Samahan nyo kami sa isa na namang Positibong Usapan at Balitaktakan kung ano ang pwede mong maging response kung naging positibo man o negatibo ang favouritism sa isang yugto ng buhay mo.

Oct 22, 202001:40:39
Episode 24: People Can't Change People

Episode 24: People Can't Change People

Napunta na ba kayo sa isang sitwasyon o isang relasyon kung saan napilitan kayong baguhin ang inyong sarili? How did you react to it? How did it go in the long run? Samahan niyo kami sa isa na namang Positibong Usapan at Balitaktakan upang maintindihan na ang pagbabago, na kung minsan mapait sa umpisa, tumatamis din habang tumatagal. Pero kung ito ay sumasagasa sa inyong values, o ang pinakamasaklap ay ang pagtalikod sa sarili, hindi rin masama kung ito ay maiging pag-isipan.

Oct 16, 202001:34:23
Episode 23: Dealing with Toxic People

Episode 23: Dealing with Toxic People

Para daw maging masaya tayo, "REMOVE ALL THE TOXIC PEOPLE IN OUR LIFE."   

Ngunit paano kung ang mga toxic people na yun ay malapit sa buhay natin o kaya ay.... tayo mismo. Ano ang maari nating gawin? Samahan niyo muli kami sa panibagong Positibong Usapan at Balitaktakan kung paano makisalamuha sa mga toxic people sa buhay natin.

Oct 08, 202002:06:45
Episode 22: Following Your Own Timeline

Episode 22: Following Your Own Timeline

Kailan ka magpapakasal? Kailan pa kayo maga-anak? Trenta ka na, hindi ka pa manager? Kwarenta ka na, wala ka pa sariling bahay at kotse? - Naexperience niyo na bang matanong ng isa, dalawa, o baka lahat ng tanong na nandiyan? Para sa inyo ang episode namin na ito. Samahan niyo kami sa isa na namang Positibong Usapan at Balitaktakan kung paano tayo magrereact sa timeline na idinidikta ng society, lalo na ng mga taong malapit sa atin.

Sep 27, 202001:53:34
Episode 21: Brotherhood of the Greywolves (A Celebration of Friendship)

Episode 21: Brotherhood of the Greywolves (A Celebration of Friendship)

Let's start the new season with a bang! Ano pa bang mas lalaki pang celebration kundi ang ikadalawampu't isang taon ng aming pagkakaibigan? Samahan niyo kami sa pilot episode ng aming second season at magbaliktanaw kung paano, saan at kailan nagsimula ang pagkakaibigang sinubok at hinubog ng higit dalawang dekada ng tawanan, dramahan at magandang samahan at hayaan niyong ibahagi namin kung paano ito nauwi sa pagkakaroon ng isang solidong pamilya.

Sep 17, 202002:35:22
Episode 20: Manners of a scammer

Episode 20: Manners of a scammer

May kasabihan nga, "Ang taong gipit, sa patalim kumakapit." Mas madalas sa minsan, ang pangs-scam ang isa sa kinakapitan ng mga kawatan sa panahon ng kagipitan. Alamin ang modus operandi ng mga scammer sa aming Season 1 ender! Samahan nyo kami sa isa na naman Positibong Usapan at Balitaktakan kung paano malaman, makaiwas at mga dapat gawin kapag nahaharap sa isang scam.

Sep 02, 202001:45:41
Episode 19: Unmasking the Threats of Toxic Masculinity

Episode 19: Unmasking the Threats of Toxic Masculinity

Kailan pa naging kabawasan sa pagkalalaki ang pag-iyak? Ang paggawa ng gawaing bahay? Ang enthusiasm sa pagkuwento? Kailan pa naging immune sa pain ang mga lalaki? Sa pagkaing maanghang? Toxic 'di ba? Samahan niyo kami sa isa na namang Positibong Usapan at Balitaktakan habang sinusubukan naming bakbakin ang deka-dekadang layers ng kalawang na sumisira sa sukatan ng pagkalalaki sa ating kultura.

Aug 26, 202001:55:28