Skip to main content
Philippine Sports History

Philippine Sports History

By Philippine Sports History

Pagbibigay Pugay sa Atletang Pilipino. Philippine Sports History - Ang natatanging Pinoy podcast para sa kasaysayan ng Philippine Sports.

Support our Podcast:
anchor.fm/philippine-sports-history/support

Follow us on Our Social Media Accounts:
Facebook: www.facebook.com/PhilippineSportsHistory/
YouTube: www.youtube.com/philippinesportshistory
Instagram: www.instagram.com/philippinesportshistory/
Twitter: twitter.com/PhSportsHistory

Website: phsportshistory.com/

Patreon: www.patreon.com/philippinesportshistory

#PhilippineSportsHistory
Available on
Apple Podcasts Logo
Castbox Logo
Google Podcasts Logo
Overcast Logo
Pocket Casts Logo
RadioPublic Logo
Spotify Logo
Currently playing episode

John Riel Casimero Story | Quadro Alas ng Pinas

Philippine Sports HistoryDec 01, 2020

00:00
08:17
John Riel Casimero Story | Quadro Alas ng Pinas

John Riel Casimero Story | Quadro Alas ng Pinas

Si John Riel Casimero ay pinanganak noong February 13, 1990 sa Ormoc City, Leyte. Sa edad na disisyete anyos, pumasok na si Casimero sa professional boxing kalaban si Lobert Bayo noong June 3, 2007. Pagkaraan ng isang taon sa pro boxing ay nabigyan agad siya ng oportunidad na lumaban sa national at regional title belts kalaban si Rodel Quilaton at Thai boxer na si Veerapol kung saan nya nakuha ang mga titulong Filipino Flyweight title at WBO Asia Pacific Flyweight title. 

http://phsportshistory.com/

Dec 01, 202008:17
Ang Pinoy na Nakalaban ni LOMACHENKO sa Huling Laban Niya Bilang Amateur Boxer | Charly Suarez

Ang Pinoy na Nakalaban ni LOMACHENKO sa Huling Laban Niya Bilang Amateur Boxer | Charly Suarez

Bago pa maging isa sa pinakamahusay na pound for pound boxer ang tinaguriang The Matrix na si Lomachenko, nagtala muna ito ng impresibong record na 396 wins at 1 loss bilang amateur boxer. Ang natatanging talo niya sa kanyang amateur career ay nagmula pa noong 2007 AIBA World Boxing championship ng matalo siya sa Gold Medal match kalaban ang russian boxer na si Albert Selimov at tanghalin bilang silver medalist sa Featherweight division. Dito ay minsan niyang nakasabay ang ating pambato na si Harry Tañamor na naguwi din ng silver medal para sa Light Flyweight division at iba pang boxers na nagsimula sa AIBA kagaya nina Nordine Oubaali, Raushee Warren at Amnat Ruenroeng. Mula sa pangyayari na un, hindi na muling natalo si Loma na nagbunga naman ng dalawang Gold medals noong 2008 at 2012 Olympic Games.

http://phsportshistory.com/

Nov 30, 202004:02
Ang Pinoy Boxer Na Sumira Sa Record Ni Flash Elorde | Donnie "Ahas" Nietes Story

Ang Pinoy Boxer Na Sumira Sa Record Ni Flash Elorde | Donnie "Ahas" Nietes Story

Kapag napaguusapan kung sino nga ba sa mga pinoy boxers ang may pinakamatagal na record na pagiging champion ay nangunguna diyan ang pangalan niDonnie "Ahas" Nietes. Siya lang naman ang bumasag sa dating record ni Flash Elorde na pitong taon na pagiging kampeon sa super featherweight division. Pero bago yan ay atin munang talakayin ang boxing history ni Donnie Nietes.

https://phsportshistory.com/

Nov 29, 202010:29
Ang Pinoy Boxer na Rumesbak sa Pagkatalo ni Pacquiao | Malcolm Tuñacao

Ang Pinoy Boxer na Rumesbak sa Pagkatalo ni Pacquiao | Malcolm Tuñacao

Kapag napaguusapan kung sino ba ang may pinakamalupit na boxing resbak mula sa mga pagkatalo ng mga pinoy boxers ay nangunguna jan ang pangalan ni Malcolm Tuñacao. Siya lang naman ang bumawi sa titulo na WBC at lineal flyweight title ng ating pambansang kamao nung siya ay matalo kontra kay boonsai sangsurat. Pero bago yan ay atin munang talakayin ang buhay ni Malcolm Tuñacao.

https://phsportshistory.com/

Nov 28, 202005:27
Ang Kwento ni The Captain Lionheart ng PBA | Alvin Patrimonio Story

Ang Kwento ni The Captain Lionheart ng PBA | Alvin Patrimonio Story

Kapag napaguusapan ang top 5 PBA players of all time ay hindi mawawala ang greatest power forward sa kasaysayan ng liga na si Alvin Patrimonio. Siya lang naman ang pangalawang player na naging back to back MVP at naging four time MVP sa kasaysayan ng PBA. Pero bago yan ay atin munang kilalanin kung paano nagsimula si The Captain.

https://phsportshistory.com/


Nov 27, 202005:15
Ang El Presidente ng PBA | Ramon Fernandez Story

Ang El Presidente ng PBA | Ramon Fernandez Story

Kapag napaguusapan kung sino ba ang greatest PBA player of all time ay hindi mawawala sa diskusyon ang nagiisang El Presidente na si Ramon Fernandez. Dahil siya lang naman ang all time leader in scoring, rebounding, blocks, free throws made at minutes played sa kasaysayan ng PBA. Ngunit atin munang alamin kung sino nga ba si El Presidente.

Nov 15, 202006:38
Ang Kauna Unahang PBA Rookie MVP | Benjie Paras Story

Ang Kauna Unahang PBA Rookie MVP | Benjie Paras Story

Kapag sinabing Rookie MVP, ang unang papasok sa ating isipan ay walang iba kung hindi si Benjie Paras. Siya lang naman ang number 1 draft pick ng kupunangFormula Shell noong 1989 PBA draft kung saan siya ang rookie of the year at Most Valuable player ng season na iyon. Pero bago yan ay atin munang talakayinkung sino si Benjie Paras sa loob at labas ng hard court.

Nov 14, 202006:38
Ang Pinakaunang Asyano na Naging Chess Grandmaster | Eugene Torre Story

Ang Pinakaunang Asyano na Naging Chess Grandmaster | Eugene Torre Story

Si Eugenio Torre o mas kilala bilang Eugene ay tubong Ilo-ilo kung saan sya pinanganak noong November 4, 1951. Alam nyo ba na ang kanyang interest sa paglalaro ng Chess ay namulat ng siya ay nakikipaglaro sa kanyang tatlong nakakatandang kapatid? Bilang nakakabatang kapatid ay binibigyan pa siya ng partida kung saan aalisin ang isang opisyal na katulad ng rook o queen para maging patas ang laban ngunit kinalaunay nakakasabay na ang batang eugene sa kanyang mga kapatid kung saan nadiscover ang kanyang potensyal sa Chess.

Nov 13, 202006:32
Rafael "Paeng" Nepomuceno Story | Greatest Filipino Athlete

Rafael "Paeng" Nepomuceno Story | Greatest Filipino Athlete

Si Rafael Nepomuceno o mas kilala bilang Paeng ay isang Filipino bowling champion na pinanganak sa Quezon City noong January 30, 1957. Siya ay anak ngisang bowling coach na si Angel Nepomuceno at ng asawa nito na dating Miss Philippines na si Teresa Villareal. 

Nov 12, 202009:36
Lydia De Vega Story | 1980s Asia's Fastest Woman

Lydia De Vega Story | 1980s Asia's Fastest Woman

Si Lydia De Vega ay miyembro ng Gintong Alay Track and Field na nilagdaan ni Pangulong Marcos noong 1979. Siya ay tubong Meycauayan, Bulacan kung saan sya ay pinanganak noong December 26, 1964.

Nov 11, 202010:43
Carlos "Caloy" Loyzaga Story | The Big Difference

Carlos "Caloy" Loyzaga Story | The Big Difference

Si Carlos Matute Loyzaga o kilala bilang Caloy ay isang Filipino basketball player na pinanganak sa Maynila noong August 29, 1930. Siya ang pangapat sa mga anak ni Joaquino Loyzaga Sr. at Carmen Matute kung saan ang ama nya ay naging kakampi pa ni Paulino Alcantara sa Far Eastern Championship games para sa Football at nakilala bilang isa sa mga miyembro na tumalo sa Japanese Football team sa score na 15 to 2. 

Nov 10, 202009:43
Pancho Villa Story | First Asian Boxing Champion

Pancho Villa Story | First Asian Boxing Champion

Si Francisco Guilledo o kilala bilang Pancho Villa ay mula sa Ilog, Negros Occidental na pinanganak noong August 1, 1901. Anim na buwan simula ng siya aypinanganak ay iniwan na sila ng kanyang ama kaya sa murang edad pa lang ay kailangan nya na magtrabaho para tulungan ang kanyang ina sa pagaalaga ng mga kambing ng isang maharlikang pamilya sa kanilang bayan.

Nov 09, 202009:53
Luisito Espinosa Story | "Lindol"

Luisito Espinosa Story | "Lindol"

Sino nga ba si Luisito Espinosa? Totoo ba na minsan siyang naloko ng boxing promoters dahil sa pera? Ano nga ba ang nangyari sa kanya pagkatapos ng kanyang boxing career?

Oct 26, 202010:31
Naimbitahan Para sa NBA Draft? | Bogs Adornado Story | Deadliest Shooter Around

Naimbitahan Para sa NBA Draft? | Bogs Adornado Story | Deadliest Shooter Around

Sino nga ba si Bogs Adornado? Totoo ba na naimbitahan sya para ma-draft sa NBA? Anong nangyari sa kanya pagkatapos ng kanyang PBA Career?

Oct 25, 202007:49
Ang Gintong Pilak ni Onyok Velasco | 1996 Summer Olympics Silver Medal for Philippines

Ang Gintong Pilak ni Onyok Velasco | 1996 Summer Olympics Silver Medal for Philippines

Sino nga ba si Onyok Velasco? Nadaya nga ba siya noong 1996 olympics para sa unang gintong medalya para sa Pilipinas? Bakit hindi siya nag professional boxing pagkatapos nya sa olympics?

Oct 24, 202005:16
Ang Michael Jordan ng PBA | Samboy "The Skywalker" Lim Story | Kamusta Na Ang Kalagayan?

Ang Michael Jordan ng PBA | Samboy "The Skywalker" Lim Story | Kamusta Na Ang Kalagayan?

Sino nga ba si Skywalker?


Si Avelino Borromeo Lim Jr. o kilala bilang Samboy Lim 

ay isang former PBA player na pinanganak sa Maynila noong April 1, 1962


Kinse anyos palang sya noon nung nadiscover sya ng Colegio de San Juan de letran

nang makita nila si Samboy na naglalaro sa Phil Am Life Homes sa Quezon City.


Siya ay naglaro para sa coach na si Larry Albano kung saan nya tinulungan ang 

Letran Knights ng magkaroon ng NCAA grandslam title noong 1982 hanggang 1984. Siya

ay consistent MVP contender simula nung pagapak nya palang sa NCAA, kung saan naging

katunggali pa nya ang kanyang mga teammates na sina Jerry Gonzales at Romeo Ang bago

nya makuha ang 1984 NCAA MVP.


Bago sya maging professional basketball player ay naimbitahan muna sya maglaro para 

sa NCC squad para irepresenta ang pilipinas sa Jones Cup, SEA Games at Asian Basketball

Championships bago tuluyang madisband ang kupunan kasabay ng pagbagsak ng Marcos

government. Ito ay pagmamayari ni Danding Cojuangco at karamihan ng kanyang mga player

dito ay pinasok nya sa kanyang kupunan sa PBA na San Miguel Beermen.


Sa kanyang international games bilang manlalaro ng Pilipinas ay nakakuha sya ng 

dalawang ginto mula sa FIBA Asia at Silver at Bronze naman mula sa Asian Games.

Oct 23, 202008:15
Anong Nangyari sa Karera at Buhay ni Calvin Abueva | Dennis Rodman ng PBA

Anong Nangyari sa Karera at Buhay ni Calvin Abueva | Dennis Rodman ng PBA

Sino nga ba si the beast?


Si Calvin Abueva ay isang Filipino basketball player na 

pinanganak sa Angeles City, Pampanga noong February 4, 1988


Siya ay nagaral ng kolehiyo sa san sebastian college sa maynila.

Sa ilalim ng pamamahala ni coach ato agustin ay

Tinulungan nya ang San Sebastian na talunin ang powerhouse team na San Beda

para makuha ang kampeonato


Masasabi rin na isang NCAA legend itong si Calvin Abueva dahil sa huling

dalawang taon nya bilang San Sebastian Stags nagaaverage sya ng double double 

figures na 20 points at 15 rebounds per game


Naging MVP na sya kahit 3rd year palang sya sa college at matuturing na shoo-in

na para sa kanya ang pangalawang MVP award para sa kanyang senior season


ngunit sa di inaasahang pangyayari ay nadisqualify sya pagkuha ng kahit anong

individual award nung season na un dahil sa pagsuntok nya sa lyceum player

na si Vence Laude na nagpawalang bisa ng kanyang mvp candidacy.


Bago sya nagpadraft sa PBA ay naglaro muna sya sa PBL para sa NLEX road warriors

kung saan natulungan nya itong makakuha ng tatlong sunod na kampeonato.


Sya ay naging second overall pick ng 2012 PBA Draft kung saan naman naging

1st pick ang the Kraken ng PBA na si June Mar Fajardo

Oct 22, 202004:58
Ang Pinakamagaling na PBA Player na Wala sa Hall of Fame o 40 Greatest Players | Nelson Asaytono

Ang Pinakamagaling na PBA Player na Wala sa Hall of Fame o 40 Greatest Players | Nelson Asaytono

Sino nga ba si The Bull?


Si Nelson Asaytono ay isang former PBA player na 

pinanganak sa San Teodoro, Oriental Mindoro noong January 25, 1967


Siya ay naglaro noon para sa University of Manila para sa coach na si Loreto Tolentino

Bago sya maging professional basketball player ay naimbitahan muna sya maglaro

para sa RP Youth team noong 1986 kasama sina Benjie Paras at Paul Alvarez

kung saan nakakuha sila ng silver medal para sa ABC Junior Championships.


Pagkatapos ng kanyang college career at pagrepresenta para sa RP Youth team

ay naglaro muna sya ng tatlong taon sa PABL sa kupunan na Magnolia Ice Cream.

Kung saan nanalo sila ng tatlong championships sa ilalim ng pamamahala ni Derrick Pumaren.


Noong 1989 ay napagpasyahan nya ng magdeclare sa PBA draft pagkatapos ng kanyang 

successful amateur career. Siya ay napili bilang 2nd overall pick ng Purefoods franchise

kung saan naman naging number 1 pick ang Rookie MVP na si Benjie Paras.


Nakita ng mga PBA Analyst at teams na malaki talaga ang potential ni Nelson Asaytono

dahil mas nauna pa syang napili kesa kay Bong Alvarez, Dindo Pumaren at Ato Agustin.


Para maempasize ko lang ang kanyang basketball skills, sa taas na 6'4 na kadalasang

forward o center sa PBA ay masasabing all around player tong si asaytono dahil sa

kanyang outside shooting, shot creation, passing ability at isama mo pa ang kanyang

high leaping ability na maikukumpara kina vergel meneses at samboy lim.

Oct 21, 202006:30
Ang Never Say Die Story ni Robert Jaworski

Ang Never Say Die Story ni Robert Jaworski

Sino nga ba si Jawo o si Robert Jaworski? Sa kanya ba nagsimula ang never say die attitude ng Ginebra? Siya ba ang oldest player to play in PBA?  Balikan natin ang isa sa pinakasikat na manlalaro sa kasaysayan ng PBA. Alamin ang kanyang basketball journey kung bakit siya tinawag na Living Legend o Big J.  #NeverSayDie #LivingLegend #BigJ #Jawo

Oct 20, 202006:39
Gabriel "Flash" Elorde Story | Balintawak Eskrima sa Boxing | Elorde Boxing Gym

Gabriel "Flash" Elorde Story | Balintawak Eskrima sa Boxing | Elorde Boxing Gym

Sino nga ba si Gabriel "Flash" Elorde? Ginamit nya ba ang Balintawak Eskrima sa Boxing? Siya ba ang unang Asian Boxer hall of famer? Tunghayan natin ang pangatlong episode sa ating series na Forgotten Filipino Athletes.  Siya ang Filipino boxing icon noong 1960s at isa sa pinakamalaking boxing brand sa Philippine Sports History.  #FlashElorde #LauraElorde #ElordeBoxingGym

Oct 19, 202008:18
Anong Nangyari Kay Rolando Navarrete? | Anak Niya si Rolando Dy? | Forgotten Filipino Athletes

Anong Nangyari Kay Rolando Navarrete? | Anak Niya si Rolando Dy? | Forgotten Filipino Athletes

Rolando Navarrete Story | Bad Boy From Dadiangas - Sino nga ba si Rolando Navarrete? Ano nga ba ang nangyari sa karera na tinaguriang Badboy from Dadiangas? Totoo nga ba na may anak to na naglaro sa UFC? Alamin natin dito sa ating series na Forgotten Filipino Athletes.   Kilalanin ang kanyang anak na si Rolando Gabriel Dy na isang mixed martial artist na minsang naglaro sa UFC.  Pero nasaan na nga ba si Rolando Navarrete? Panoorin ang buong video.  #RolandoNavarrete #ForgottenFilipinoAthletes #PhilippineSportsHistory

Oct 18, 202006:44
Ano Ang Boxing Division na Pinaghaharian ng mga Pinoy?

Ano Ang Boxing Division na Pinaghaharian ng mga Pinoy?

Kung ang bansang Amerika ay naghahari sa Heavyweight division dahil kina Muhammad Ali, Mike Tyson o Jack Dempsey at ang bansang Mehiko ay naghahari sa featherweight division dahil kina Julio Cesar Chavez, Erik Morales o Juan Manuel Marquez. Ang bansang Pilipinas naman ay naghahari sa flyweight division dahil dito nagsisimula kadalasan ang mga pinoy sa mundo ng boxing.  #PhilippineSportsHistory #FlyweightDivision #PinoyBoxingChampions

Oct 17, 202010:27
Nasaan Na Si Rey "Boom Boom" Bautista?

Nasaan Na Si Rey "Boom Boom" Bautista?

Ating alamin kung nasaan na si Rey "Boom Boom" Bautista? Kapag sinabing Boom Boom Bautista ang unang pumapasok sa ating isipan ay ang kanyang pagkatalo kontra sa Mexican champion na si Daniel Ponce De Leon.  Siya lang naman ang nooy undefeated pinoy boxing prospect na maaaring sumunod sa yapak ng ating pambansang kamao Manny Pacquiao.  Si Reynaldo Bautista ngayon ay parte ng hukbong sandatahan ng Pilipinas kung saan siya ay naghahasa ng mga kadete sa na matutunan ang larangan ng boxing.  #PhilippineSportsHistory #BoomBoomBautista #ReynaldoBautista

Oct 16, 202008:20
Paano Naging 8 Division World Champion si Manny Pacquiao?

Paano Naging 8 Division World Champion si Manny Pacquiao?

Ating balikan ang karera ni Pacman at kung paano naging 8 Division world champion si Manny Pacquiao. Isa isahin natin kung paano niya natalo ang mga world champion sa kanilang pinaghahariang division.  Si Manny "Pacman" Pacquiao ang natatanging 8 division world champion at nababalitang gusto pang umakyat na division upang kalabanin ang Middleweight champion na si GGG o Gennady Golovkin. Ito ang magiging 9th division world title belt niya kung sakaling matuloy ang laban at matalo niya sa loob ng 12 rounds si Golovkin.   #PhilippineSportsHistory #8divisionworldchampion #PacmanVsGGG

Oct 15, 202007:41
Mike Plania Story | Tinalo ang Contender ni Casimero?

Mike Plania Story | Tinalo ang Contender ni Casimero?

Sino nga ba si Magic Mike Plania? Si Michael Angelou Plania ay isang professional boxer na pinanganak sa General Santos City noong February 6, 1997.  Siya ay mula sa Sanman Promotions kung saan ka-stable nya ang mga rising stars ng Philippine boxing na sina Reymart Gaballo at Romero Duno.  Tinalo niya ang number 1 contender ni John Riel Casimero na si Joshua Greer Jr., nitong June 16, 2020 para mapabilang sa top contenders ng super bantamweight division.  0:00 - Introduction 1:15 - Professional Boxing 2:16 - First Loss in Boxing 3:08 - Knockouts and Winning Streaks 3:57 - Joshua Greer Jr. Fight 5:04 - Retrospect  #PhilippineSportsHistory #MagicMikePlania #PlaniavsGreer

Oct 14, 202005:32
Danding Cojuangco Bilang Philippine Sports Patron

Danding Cojuangco Bilang Philippine Sports Patron

Sino nga ba si Danding Cojuangco sa mundo ng sports sa Pilipinas? Ano nga ba ang naging contribution nya sa larangan ng basketball sa Pilipinas at kung bakit siya tinawag na Basketball Godfather ng mga sports analyst.  Si Eduardo Cojuangco Jr. ang dating Chairman at CEO ng San Miguel Corporation na may hawak sa tatlong PBA teams na San Miguel Beermen, Barangay Ginebra at Magnolia Hotshots. Siya din ang naging project director for basketball noong panahon ng Martial Law kung saan nya naitayo ang NCC basketball team para irepresenta ang Pilipinas sa mga international basketball competition kagaya ng William Jones Cup, SEA Games, at FIBA Asia.  Ito ay isang tribute at pagpupugay sa one and only Basketball Godfather ng Philippine Sports History.   #BasketballGodfather #DandingCojuangco #PhilippineSportsHistory

Oct 13, 202005:32
Crispa vs Toyota Rivalry | The Golden Age of PBA

Crispa vs Toyota Rivalry | The Golden Age of PBA

Paano nga ba nagsimula ang Crispa vs Toyota Rivalry? At anu ano nga ba ang memorable moments na nangyari sa pagitan ng dalawang kupunan?  Ang Crispa Redmanizers at Toyota Tamaraws ay parte sa pagbuo ng PBA noong 1975. Ang bawat team ay binubuo ng powerhouse lineup na sina Bogs Adornado, Philip Cezar, Atoy Co, Abet Guidaben, Bernie Fabiosa at Freddie Hubalde para sa Crispa at para naman sa Toyota ay sina Robert Jaworski, Ramon Fernandez, Francis Arnaiz, Abe King at Arnie Tuadles.  Ito ang greatest rivalry in Philippine Sports History at nararapat lang na bigyan ng pagpupugay ang natatanging PBA teams sa Golden Era ng Philippine basketball.   0:00 - Introduction 0:13 - The Making of Crispa Franchise 3:43 - The Making of Toyota Franchise 6:36 - Crispa & Toyota Memorable Moments 16:22 - Team Comparisons 16:54 - Crispa & Toyota Coaches 19:07 - Life after PBA 19:29 - Reunion Game 20:17 - Retrospect  Crispa Redmanizers Basketball Team Videos:  Crispa - Toyota Rivalry: https://youtu.be/aNWO9Ax5Mj0 Bogs Adornado Story: https://youtu.be/eujvGL6KfLY Atoy Co Story: https://youtu.be/Myi7W1ZvqYQ Philip Cezar Story: https://youtu.be/SpDzNCnRYF0 Abet Guidaben Story: https://youtu.be/B_BTPhcbcM4 Freddie Hubalde Story: https://youtu.be/K9JUvPVZGvU Bernie Fabiosa Story: https://youtu.be/I_Zip58c4mM  Follow us on Our Social Media Accounts: Facebook: https://www.facebook.com/PhilippineSportsHistory/ YouTube: https://www.youtube.com/philippinesportshistory Instagram: https://www.instagram.com/philippinesportshistory/ Twitter: https://twitter.com/PhSportsHistory  #CrispaRedmanizers #ToyotaTamaraws #SportsGreatestRivalry

Oct 12, 202021:01
10 Greatest RP TEAM / GILAS PILIPINAS Players

10 Greatest RP TEAM / GILAS PILIPINAS Players

Sinu sino nga ba ang Top 10 greatest Filipino basketball players na naglaro sa international games katulad ng FIBA, Asian Games at Olympics?  Ang number 1 sa aking listahan ay si Carlos "Caloy" Loyzaga kaso pangatlo ko siyang binanggit dito dahil ito ay naka arrange by year or Era ng basketball sa Pilipinas.  Kumuha ako ng top 2 players bawat era ng Philippine Basketball at binanggit ang mga honorable mentions na macoconsider din sa ating listahan.  Sa tingin nyo? Sinu sino ba dapat ang makapasok sa Top 10 Filipino Basketball Players na naglaro sa international competitions. Comment down below.  0:00 - Introduction 0:20 - First Era of Philippine Basketball 3:38 - Second Era of Philippine Basketball 6:36 - Third Era of Philippine Basketball 8:46 - Fourth Era of Philippine Basketball 10:32 - Centennial Team 10:58 - Gilas Pilipinas Era  #GreatestFilipinoPlayers #GilasPilipinas #RPTeam #RPDreamTeam

Oct 11, 202013:45
June Mar Fajardo Story | 6th PBA MVP Journey

June Mar Fajardo Story | 6th PBA MVP Journey

Paano naging six time MVP si June Mar Fajardo? Siya na ba ang greatest PBA player of all-time? Paano nga ba niya nakuha ang kanyang 6th MVP award?  Si June Mar Fajardo ay current PBA player na naglalaro para sa San Miguel Beermen. Sa edad na 30 years old ay mayroon na siyang walong championship, walong best player of the conference at anim na Most Valuable Player award.  Ano pa nga ba ang kulang sa karera ni The Kraken?  #JuneMarFajardo #PBAMVP #SanMiguelBeermen

Oct 10, 202009:12
Sampung Artista na Di Mo Aakalaing Mga Atleta Pala Noon | Filipino Celebrity Athletes

Sampung Artista na Di Mo Aakalaing Mga Atleta Pala Noon | Filipino Celebrity Athletes

Kilalanin ang sampung artista na di mo akalaing mga atleta pala noon. Ilan pala sa mga sikat na showbiz personalities ay nagsimula sa mundo ng palakasan at minsan ding nagbigay pugay para sa ating bansa kaya nararapat lang na sila ay mapabilang sa Philippine Sports History.  Kung gusto pa ng part 2 ng Filipino Celebrity Athletes o kaya ay meron akong nakalimutan na mga artistang atleta ay mangyari na magkomento sa comment section.  #FilipinoCelebrityAthletes #PinoyShowbizAthletes #PhilippineSportsHistory

Oct 09, 202008:54
Kai Sotto Story | Before NBA Draft and G-League Ignite Season

Kai Sotto Story | Before NBA Draft and G-League Ignite Season

Ating alamin ang Kai Sotto Story bago pa siya pumasok sa NBA Draft at G-League Ignite. Anu-ano ang kanyang pinagbago mula nung siya ay lumipad papuntang Amerika para maging first pure Filipino NBA player in Philippine Sports History.  Si Kai Zachary Sotto ngayon ay kasama sa G-League select team o tinatawag ngayon na G-League Ignite kung saan kakampi niya ang mga top high school prospects na sina Jalen Green, Daishen Nix, Isaiah Todd, Jonathan Kuminga at Princepal Singh.   #PhilippineSportsHistory #KaiSottoStory #FilipinoNBAPlayers

Oct 08, 202009:34
Naudlot na GOLD MEDAL sa OLYMPICS | Limang Pinoy Olympians sa Tokyo 2020

Naudlot na GOLD MEDAL sa OLYMPICS | Limang Pinoy Olympians sa Tokyo 2020

Sinu-sino nga ba ang mga pinoy athletes na nakapasok sa Tokyo 2020 Olympics? At paano nga ba sila nagqualify sa nasabing paligsahan?  Ang limang pinoy olympians sa Tokyo 2020 Olympics ay sina Eumir Felix Marcial, Carlos Edriel Yulo, Ernest John Obiena, Irish Magno at 2016 Rio Olympics Silver Medalist na si Hidilyn Diaz ang mga natatanging atleta na maaaring mag-uwi ng gintong medalya ng Pilipinas mula sa Olympics.  Ito na kaya ang unang pagkakataon para tayo ay magkaroon ng Gold Medal sa Olympics?  #PhilippineSportsHistory #Tokyo2020Philippines #OlympicsGoldMedal

Oct 07, 202009:20
Jordan Clarkson Story | Gumawa ng HISTORY sa Utah Jazz | Then and Now Comparison

Jordan Clarkson Story | Gumawa ng HISTORY sa Utah Jazz | Then and Now Comparison

Ating alamin ang istory ni Jordan Clarkson at kung paano nga ba siya gumawa ng history sa Utah Jazz. Atin ding paghambingin kung bakit mas efficient basketball player siya ngayon sa Jazz kumpara sa Cavs at Lakers.  Sa loob ng video ay alamin kung paano naging Filipino si Jordan Clarkson. Siya ba ay eligible na maglaro para sa Gilas Pilipinas sa nalalapit na 2023 FIBA World Cup?  #PhilippineSportsHistory #JordanClarksonStory #JazzUpsetNuggets

Oct 06, 202007:36
Sino ang Mas Magaling? A Brief History of Ateneo vs La Salle Rivalry

Sino ang Mas Magaling? A Brief History of Ateneo vs La Salle Rivalry

Kapag napaguusapan ang basketball rivalry sa Pilipinas ay masasabi na dalawa lang ang mismong tumatak sa ating kultura, una ay ang Crispa-Toyota Rivalry pangalawa naman ay ang Ateneo La Salle Rivalry. Sa kabanatang ito ay ating tatalakayin ang pinagmulan ng kanilang pakikipagkumpitensya sa men's college basketball at sino nga ba mas nanaig sa pagitan ng dalawang kolehiyo.  The brief history of storied rival Ateneo vs La Salle which started in NCAA and ended up in UAAP.  #PhilippineSportsHistory #AteneovsLaSalle #AteneoLaSalleRivalry

Oct 05, 202012:37
Ang ISTORYA sa Likod ng Tinaguriang "THE MAESTRO" | Virgilio "Baby" Dalupan Story

Ang ISTORYA sa Likod ng Tinaguriang "THE MAESTRO" | Virgilio "Baby" Dalupan Story

Ating alamin ang istorya sa likod ng tinaguriang "The Maestro" ng PBA. Sino nga ba si Virgilio "Baby" Dalupan?  Pinanganak bilang Virgilio Dalupan, si coach baby ay isa sa mga anak ng dating University of the East founder na si Dr. Francisco Dalupan Sr. Bagamat ang tatay niya ang isa sa mga founder ng UE, si Virgilio ay nakapagaral ng high school at kolehiyo sa Ateneo de Manila University kung saan naging varsity siya sa tatlong palakasan na basketball, football at track and field. Nang siya ay makagraduate na sa Ateneo, pinagpatuloy ni Virgilio ang pagiging basketball player nang maglaro ito ng limang taon para sa kupunan ng PRISCO sa nooy commercial League na MICAA. Ngunit iniwan niya ng maaga ang kanyang karera sa basketball para gampanan ang pagiging head coach sa unibersidad ng kanyang ama.   Ito ang bago nating series na Crispa Redmanizers Basketball team kung saan tatalakayin natin ang mga natatanging players at coaches na naging bahagi ng makasaysayang kupunan at kung ikaw ay bago pa lamang sa ating channel ay siguraduhing nakasubscribe ka na para updated ka sa mga ilalabas nating video tungkol sa Philippine Sports History.  Crispa Redmanizers Basketball Team Videos:  Crispa - Toyota Rivalry: https://youtu.be/aNWO9Ax5Mj0 Bogs Adornado Story: https://youtu.be/eujvGL6KfLY Atoy Co Story: https://youtu.be/Myi7W1ZvqYQ Philip Cezar Story: https://youtu.be/SpDzNCnRYF0 Abet Guidaben Story: https://youtu.be/B_BTPhcbcM4 Freddie Hubalde Story: https://youtu.be/K9JUvPVZGvU Bernie Fabiosa Story: https://youtu.be/I_Zip58c4mM Baby Dalupan Story: https://youtu.be/HL0zg-iFaCg  Follow us on Our Social Media Accounts: Facebook: https://www.facebook.com/PhilippineSportsHistory/ YouTube: https://www.youtube.com/philippinesportshistory Instagram: https://www.instagram.com/philippinesportshistory/ Twitter: https://twitter.com/PhSportsHistory Spotify: https://open.spotify.com/show/3XNxdJIicp9i91GGpXsHeu  #CrispaRedmanizers #BabyDalupan #PhilippineSportsHistory

Oct 03, 202006:05
Bernie Fabiosa Story - Crispa Redmanizers Series Episode 5 | PBA History

Bernie Fabiosa Story - Crispa Redmanizers Series Episode 5 | PBA History

Nagmula sa bayan ng Tagbilaran Bohol, si Bernie ay unang nakitang naglaro para sa University of San Jose-Recoletos at minsan niyang naging ka-teammate si Willie Generalao at ang kanyang magiging kasamahan sa Crispa na sina Reynaldo Pages at Abet Guidaben. Bago siya mapunta sa Crispa Redmanizers, si bernie ay nakapaglaro muna sa RP Youth team para sa 1974 ABC Junior championship o mas kilala ngayon bilang FIBA ASIA under 18 na ginanap mismo sa Pilipinas at natulungan ang national team na manalo ng gintong medalya kontra sa South Korea. Dito nakasama niya ang future PBA players na sina Florendo Ritualo Sr., Danny Pribhdas, Jojo De Guzman, Romualdo Cabading, Ely Capacio at ang kanyang Crispa Teammate na si Freddie Hubalde.

Sep 30, 202005:53
Freddie Hubalde Story - Crispa Redmanizers Series Episode 4 | PBA History

Freddie Hubalde Story - Crispa Redmanizers Series Episode 4 | PBA History

Pinanganak bilang Alfredo Hubalde, Si Freddie ay unang nakitang naglaro ng basketball sa Mapua mula High School hanggang kolehiyo at kagaya ng kanyang magiging kateammate sa Crispa na sina Atoy Co at Philip Cezar, si Freddie ay naparangalan din bilang NCAA MVP noong 1973 season. Bago pa siya mapunta sa Crispa Redmanizers, si Freddie ay nakapaglaro muna sa MICAA para sa U/tex Weavers kung saan tinulungan niya ang kupunan na manalo sa 1973 Doña Edralin Marcos Cup kasama ang kanyang mga kateammate na sina Danny Basilan at Ricky Pineda.

Sep 30, 202005:04
Atoy Co Story - Crispa Redmanizers Series Episode 3 | PBA History

Atoy Co Story - Crispa Redmanizers Series Episode 3 | PBA History

Pinanganak bilang Fortunato Gan Co, Jr. sa kanyang unang pangalan nagbase ang kanyang mga palayaw na Atoy at Fortune Cookie dahil kung susuriin mo ang kanyang pangalan na Fortunato, makukuha mo ang mga salitang Fortun at Ato kung saan halaw ang mga salitang Fortune at Atoy. Una siyang nakitang maglaro ng basketball sa paaralang Philippine Cultural High School kung saan minsan niyang naging karibal ang kapwa intsik na naglaro sa Chiang Kai Shek na si Lim Eng Beng. Isa ito sa mga alamat ng mga Filipino-chinese basketball sa Pilipinas dahil bukod sa pagiging magkaribal sa highschool, napagpatuloy nila ang kanilang rivalry sa NCAA ng mapunta si Atoy sa Mapua at si Lim naman para sa La Salle. Sa unang dalawang taon ni Atoy sa Mapua, napagtagumpayan niya ang dalawang NCAA MVP trophy kung saan tinanghal pa siya na 1970 NCAA Rookie MVP gayunpaman hindi nagawang mapagchampion ni Atoy ang Cardinals na dalawang  beses namang naggawa ng kanyang karibal na si lim eng beng para sa La Salle. Matapos ang tatlong taon na paglalaro para sa Cardinals, nilisan na ni Atoy ang kolehiyo para maglaro sa MICAA at sa kupunang Crispa Redmanizers.

Sep 30, 202005:09
Abet Guidaben Story - Crispa Redmanizers Series Episode 2 | PBA History

Abet Guidaben Story - Crispa Redmanizers Series Episode 2 | PBA History

Pinanganak bilang Alberto Guidaben, si Abet ay lumaki sa Mambajao, Camiguin at unang nakitang nakapaglaro ng basketball para sa kolehiyo ng University of San Jose-Recoletos. Si Abet ay parte ng rebuilding team ng Crispa Redmanizers matapos masangkot ang mga veteran players nito sa isang game fixing scandal kung saan napatawan ang kanilang mga players ng lifetime ban na sina Jun Papa, Danny Florencio, Rudolph Kutch, Reynaldo Alcantara, Virgilio Abarrientos at Ernie De Leon. Kasama ang natitirang starter na si Bogs Adornado, si Abet ang tumayong sentro sa rebuilding team na kinabibilangan ng iba pang college stars na sina Atoy Co, Philip Cezar, Freddie Hubalde at Bernie Fabiosa.

Sep 30, 202005:14
Philip Cezar Story - Crispa Redmanizers Series Episode 1 | PBA History

Philip Cezar Story - Crispa Redmanizers Series Episode 1 | PBA History

Pinanganak bilang Philip Dudley Cezar, siya ay isa sa pitong magkakapatid ng kanyang magulang na sina David Francisco Cezar at Rebecca Dudley. Una siyang nakitang maglaro para sa Fort Bonifacio Highschool at sa kolehiyo ng Jose Rizal College kung saan naging kakampi niya ang kanyang kapatid na si David Cezar at ang komedyanteng si Jimmy Santos. Matapos maging back to back MVP ni Atoy Co para sa Mapua noong 1970 at 1971, si Philip Cezar naman ang naging MVP para sa sumunod na season ng matulungan niya ang Jose Rizal College na magkampeon noong 1972 na nagkataon naman na pinakahuling kampeonato ng JRC sa kasaysayan ng NCAA. 


Sep 29, 202005:21